Galaxy's POV: Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Amoy lalaki rito at malaki ang espasyo. Napa-upo naman ako sa kama at napatingin sa lalaking nasa dulo nito. Si Nitron pala ito na nakaupo sa isang silya. Nakayuko pa siya at rinig ko ang mahinang paghilik. Mukhang nakatulog na dahil sa pagbabantay sa akin kanina. Nakakahiya naman sa kaniya. Bakit doon siya natulog? Mukhang pagod siya at lalo ko pang naistorbo ang kaniyang pahinga. Tiningnan ko naman kung anong oras na. May ala sais na pala ng gabi, akala ko ay maaga pa. Masyadong napahaba ang tulog ko. Nakakahiya at nasa opisina pa yata kami ni Nitron. Baka may duty siya at imbis na pasyente ang babantayan eh ako ang binantayan niya. Kaya pala hindi pamilyar ang kwarto. Imbis na ako ang makatulong sa kaniya ako pa ang kani