Agad kong ibinalik ang phone ni Pirius sa kama nang marinig kong bumukas ang pinto sa bathroom. Saglit na huming ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko at panatilihing normal ang akto ko. Tumingin ako kay Pirius na nakatapis lang ng towel. Halatang natigilan siya nang mapatingin sa akin.
"Tapos ka na mag-init ng food natin?" tanong n'ya saka ngumiti sa akin.
I smiled back and nodded. I felt uncomfortable and uneasy for some unknown reason, but I did my best not to make it obvious.
"Yes... ahm, I'll take a shower first. Susunod na lang ako sa dining area mamaya," sabi ko saka agad na tumayo at kumuha ng damit sa closet ko at inilagay 'yon sa bed.
"Okay," sabi na lang ni Pirius saka nagsimula na ring magbihis.
Pagpasok ko sa bathroom, agad akong napatitig sa salamin habang malalim na nag-iisip. I ca't brush it off my mind... the fact that he changed his password. I don't want to be paranoid but this is the first time that he did something like this. Wala siyang itinatagong kahit ano sa akin noon, alam ko 'yon. Ilang taon na kaming magkasama... siguro wala naman akong dapat ipag-alala.
I just shook my head and gently slapped my face. "Stop overthinking, Faith... Just ask him directly about it," I mumbled and took a deep breath.
We're always open with each other's feelings and thoughts. Marahil sa ilang taon na naming magkasama ni Pirius, madali lang sa amin ang magsabi ng nararamdaman namin, kung may problema o ano man, kung may hindi kami nagustuhan sa ginawa ng isa't isa... lahat 'yon pinag-uusapan namin agad dahil ayaw namin mag-away pa nang matagal dahil madalas siyang naalis simula nang maging seaman siya. Kaya hangga't maaari inaayos agad namin ang hindi pagkakaintindihan sa amin.
But I don't know why I'm nervous and hesitant right now. Kinakabahan ako sa reaksyon n'ya at magiging aksyon n'ya... Of course, I trust him. But I don't know why I'm being paranoid... Hindi ko alam kung understandable ba 'tong nararamdaman ko. I know Pirius should have his privacy too but he never did something like this before. Wala naman siyang pakialam sa ganoong bagay dahil wala naman siyang itinatago sa akin...
Ngayon ba... meron na?
Napabuga ako ng hangin at lumabas na lang ng bathroom para magbihis saka agad na dumiretso sa dining area. Naabutan ko si Pirius na nagtitimpla ng juice. Napangiti na lang ako at lumapit sa kan'ya saka niyakap siya mula sa likuran.
Pirius chuckled and held my hand and gently caressed it. He turned around to face me and held both of my cheeks. I smiled at him and gave him a soft kiss on his lips. Hindi naman siya nag-alinlangan at agad na tinugon ang halik ko. Marahan n'yang hinaplos ang pisngi ko habang banayad at puno ng pag-iingat na hinahalikan ang labi ko.
"I love you," he muttered and gave my forehead a soft kis.
Those three words... as long as I always hear it from him, there's nothing I should worry about. Besides, I know how much he loves me. Hindi dapat ako magpaapekto sa maliliit na bagay... Ayokong sirain ang meron kami. Pirius has been with me almost all my life... he's literally the reason why I'm still here. Siya ang nag-iisang dahilan kaya nagagawa kong mabuhay nang ayos at masaya sa kabila ng mga pinagdaanan ko... I know this may sound foolish and selfless... but I can't live without him... Yes, I love him that much.
"Rius... I love you so much," I whispered while staring at him. I don't know why my heart suddenly felt heavy.
Pirius smiled at me. "I love you more."
I just hugged him and buried face on his chest... I should stop overthinking about this small matter. Ngayon ko pa ba pagdududahan ang relasyon namin dalawa?
Hinayaan ako ni Pirius na nakayakap sa kan'ya at hindi nagsalita habang hinahaplos ang buhok ko. Naramdaman kong dinampian n'ya ng halik ang tuktok ng ulo ko saka mas hinigpitan ang yakap sa akin.
Napabuntonghininga na lang ako at kumalas sa pagkakayakap sa kan'ya saka tumitig sa gwapong mukha n'ya... "Kain na tayo?" sabi ko na lang saka ngumiti sa kan'ya.
"Faith... may problema ba?" seryosong tanong n'ya. Alam kong nahahalata n'ya na may iba sa kinikilos ko.
"I'm just hungry..." sabi ko na lang saka agad na umupo sa upuan.
Mamaya ko na lang siya tatanungin tungkol doon. Iipunin ko muna ang lakas ng loob ko.
"Baka kulang sa 'yo 'to... Do you want me to cook for you?" he asked and sat beside me.
"Hindi na. Kain na tayo," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kan'ya.
I tried to be lively as possible while we're eating. Ayoko namang sirain ang magandang mood n'ya. Malamang sa susunod na linggo lang aalis na naman ulit siya.
Pagkatapos naming kumain, agad ng inayos ni Pirius ang TV para sa papanoorin namin. Umupo na ako sa couch habang pinapanood si Pirius na mag-asikaso. Kumuha siya ng snacks at drinks bago umupo sa tabi ko.
"What episode are we going to watch now?" I asked and looked at him.
"Hmm... episode 991," sagot n'ya saka pumindot sa remote.
Natigilan ako nang hawakan n'ya ang legs ko saka ipinatong 'yon sa kandungan n'ya. Napalunok na lang ako nang marahan n'yang hinilot 'yon habang ang tingin n'ya ay nasa tv pa rin. Tipid na napangiti na lang ako dahil naalala pa n'ya ang sinabi n'ya kanina na hihilutin n'ya 'yon.
"Go, Luffy..." Pirius murmured while staring at the tv. I just chuckled while staring at him. Imbis na ang pinapanood namin ang pansinin ko, nasa kan'ya ang atensyon ko ngayon.
"Rius..."
Natigilan siya at napatingin sa akin. Kinuha n'ya ang remote para i-pause ang pinapanood namin. He smiled at me and gently caressed my cheek... "Why? Masakit ba?" he asked in a low tone.
I bit my lower lip and played with my nails. Pirius seems to notice that I'm feeling uneasy so he held my hand and gently squeezed it. I looked at him, straight into his eyes and took a deep breath. Nagtatakang napatingin naman siya sa akin at hinihintay lang ang sasabihin ko.
"Why did you change your password?" I asked while staring at him.
Halatang natigilan siya sa tanong ko... pero maya-maya lang ay ngumiti siya saka natatawang hinaplos ang buhok ko... "Kaya ba kanina ka pa tahimik dahil do'n?" tanong n'ya habang hinahaplos pa rin ang buhok ko.
I bit the insides of my cheeks and nodded. I kinda felt embarrassed because he's laughing at me. He must be thinking that I'm being a paranoid girlfriend right now... Hindi naman kasi ako selosa at mapaghinala.
"I changed it to your surname, Relleve... Napakialaman kasi nina Cad. Iniingatan ko lang dahil may ilan kang pictures doon na... you know," sabi n'ya saka napakamot sa kilay n'ya.
"Ohh," I mumbled.
Palagi nga pala akong nagte-take ng pictures ko sa phone n'ya na walang damit kung minsan. Malamang ayaw n'yang makita ng mga kaibigan n'ya 'yon... Now, I understand. I became worried for nothing... and I shouldn't doubt him anyway. I know he loves me as much as I love him... baka nga sobra pa.
"Naghinala ka?" natatawang tanong ni Rius habang hinihilot pa rin ang binti ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya saka napakagat sa ibabang labi ko... "Well, a little bit... I'm sorry," I apologized.
"Hey, it's alright. I couldn't blame you for doubting since it's the first time I did that... Basta kapag may gumugulo sa isip mo tungkol sa akin, tungkol sa atin... sabihin mo agad para mapag-usapan natin nang ayos saka rin para hindi ka nag-o-overthink. Hmm?" he asked and gave the back of my hand a soft kiss.
I smiled at him and nodded. "Okay, sorry ulit."
Inalis ko ang mga hita ko sa kandungan n'ya at agad akong lumapit sa kan'ya para yumakap. Agad naman siyang gumanti ng yakap sa akin at dinampian ng halik ang tuktok ng ulo ko.
"Faith... hindi kita lolokohin. Ikaw lang ang mamahalin ko," anas n'ya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
"I know. I'm sorry for doubting you," I muttered.
Hindi na dapat ako magduda pa ulit... Noon pa, alam ko ng kami ang para sa isa't isa.
* * *
"Bakit tatambay ka na naman sa work place ko?" natatawang tanong ko habang nakayakap sa braso ni Pirius.
Umakbay siya sa akin saka dinampian ng halik ang sentido ko habang patungo na kami sa opisina ko. Malamang hindi na naman ako makakapag-concentrate n'yan dahil sa kan'ya. Palagi naman kasi siyang nakatitig sa akin sa tuwing sinusubukan kong magtrabaho at napapatingin din naman ako sa kan'ya.
"Ayokong malayo sa 'yo," sagot naman n'ya nang makapasok na kami sa office ko.
"Corny ha." I chuckled and playfully punched his arm.
He kissed my forehead before he sat on the couch and put his laptop on his lap. He looked at me and smiled. "Don't worry, I won't bother you, wife. Magtatrabaho rin ako. Baka mapuyat ka na naman dahil nadi-distract ka sa akin," sabi na lang n'ya saka binuksan ang laptop n'ya.
I just smiled and went on my table. I sat on the swivel chair and looked for my finished designs. Pasimple akong tumingin sa kan'ya. He's not looking at my direction and he's currently busy typing something on his laptop. Mukhang gusto n'ya lang talaga na sumama sa akin dito at wala siyang balak na i-distract ako sa trabaho ko.
Nagtungo na lang ako sa sewing machine para tahiin ang isang design na natapos ko. Kumuha ako ng tela at ginunting iyon, medyo nahirapan ako dahil usually katulong ko si Lily rito kaso hindi raw siya makakapasok ngayong araw.
I looked at Pirius, he's still busy typing on his laptop. I just smiled and tried to focus on my work. Ngunit napasinghap na lang ako nang bahagyang natusok ng gunting ang daliri ko. Hindi naman ganoong kalalim pero nasugatan pa rin. Dali dali kong inilayo ang kamay ko sa tela dahil baka mamantsahan ng dugo, sayang ang tela.
"Hey, what happened?" Pirius asked and immediately stood up. He went to my direction and held my hand to see my small wound there.
"It's fine, palagi naman talaga akong nasusugatan sa kamay," natatawang sabi ko dahil mukhang nag-aalala siya.
Hindi naman siya nakinig at agad na nagtungo sa table ko at kinuha mula sa cabinet ang first aid kit. Natatawang napailing na lang ako nang lumapit siya sa akin saka agad na ginamot ang maliit na sugat ko sa daliri. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa. I kinda like it when he's overreacting like that when it comes to me.
"Does it hurt?" Pirius asked when he finally cleaned the small wound and covered it using band-aid.
"Hindi nga sabi. Ang liit liit lang naman kasi niyan. Saka lagi naman talaga akong nasusugatan," natatawang sabi ko na lang.
Napabuntonghininga siya saka dinampian ng halik ang labi ko. Napangiti na lang ako dahil mukha pa ring nag-aalala siya dahil sa maliit na sugat ko sa daliri. I caan't blame him, ni hindi n'ya nga ako hinahayaan na madapuan man lang ng lamok.
"Balik ka na sa work mo," sabi ko na lang sa kan'ya pagkatapos n'yang gamutin ang sugat ko.
"H'wag ka munang magtahi," seryosong sabi n'ya sa akin, nakakunot pa ang noo n'ya.
"I'm fine, Rius. Ano ka ba? Look at my hands nga, oh. Puro peklat talaga... Sige na, baka need mo ng asikasuhin 'yon," pagtataboy ko sa kan'ya.
Pirius kissed my cheek before he stood up and went back to his seat. Ibinaling na n'ya ang atensyon n'ya sa laptop n'ya ngunit napapansin kong napapatingin siya sa direksyon ko.
Sinubukan ko na lang na mag-focus sa ginagawa ko at hindi na lang siya pinansin dahil baka masugatan na naman ako at mag-alala na naman siya nang sobra.
Natahimik na lang kaming pareho at ginawa na ang mga trabaho namin. Makalipas ang ilang oras, naramdaman ko na kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom. Hindi na kasi kami nakapag-breakfast kanina at nagkape na lang.
I looked at Pirius, he's still busy on his laptop. Tatawagin ko na sana siya ngunit hindi ko na naituloy nang tumunog ang phone n'ya. Agad n'yang kinuha 'yon saka sinagot
"Why, Xanthos?" he asked while still typing on his laptop.
Mukhang kausap n'ya ang kaibigan, business partner, at ka-miyembro n'ya rin sa feroci na si Xanthos Archante.
Hinayaan ko na lang siya na makipag-usap kay Xanthos. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng office para bumili ng pagkain. Mukhang busy talaga siya sa ginagawa dahil hindi na n'ya nahalata na umalis ako ng office.
Nagtungo ako sa restaurant na malapit sa clothing line ko. O-order na lang din ako ng food para kay Rius dahil malamang gutom na rin 'yon. Nakakalimutan din no'n kumain sa tuwing busy siya kaya minsan pati pagkain pinapaalala ko pa sa kan'ya.
I just ordered smoked chicken and burgers. Lalabas na sana ako ng restau pagkatapos kong makuha ang order ko pero natigilan na lang ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Hey, Faith! Here!"
My eyes grew bigger when I saw Eric, he's my close friend during college, actually siya lang ang naging malapit ko talagang kaibigan noon. Naging kaklase ko siya sa isang subject at naging close din naman kami hanggang sa makatapos kami ng college. Kinailangan n'ya lang umalis at magpunta ng Paris four years ago kaya matagal na rin noong huli ko siyang nakita sa personal... Siya ang pinakamatinding pinagselosan ni Pirius noon.
"OMG, Ericson! Hindi mo man lang sinabi sa akin na nandito ka na!" Umupo ako sa chair na katabi n'ya.
"Well, I want to surprise you... So, how are you now? Kumusta na ang clothing line mo?" nakangiting tanong n'ya.
I smiled at him and lightly punched his arm... Mas lalo siyang naging gwapo. Pero siyempre walang makakatalo sa kagwapuhan ng Pirius ko.
"So far, so good... How about you? Kumusta ang modelling career?" I asked and wriggled my eyebrows.
"So far, so good," sabi na lang din n'ya saka napangisi.
"Wow, famous ka na yata. Baka sa susunod n'yan, hindi mo na 'ko kilala," pambibiro ko sa kan'ya.
"Kaya kailangan madalas tayong nagkikita ng ganito para hindi kita makalimutan," pagbibiro pa n'ya saka kumindat sa akin... Hindi na talaga siya nagbago.
"I don't think that's necessary... asshole."
Natulos ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi ko alam kung bakit bahagya akong kinabahan... Alam ko ang gano'ng tono ng boses... He's mad. I'm sure he's mad right now.
"Woah... Pirius?" tila natatawang tanong ni Eric saka itinuro si Pirius.
This is not good. Malamang iinisin na naman ng lalaking 'to si Pirius na hilig n'yang gawin noon pa man.
"P-Pirius." I immediately stood up and faced Pirius. Nakakunot ang noo n'ya habang galit na nakatingin kay Eric.
"Kayo pa rin dalawa hanggang ngayon? You're pretty tough for staying that long with that possessive man, Faith... Madalas ka pang magreklamo sa akin noon na nakakasakal siya," tila natatawang sabi ni Eric saka tumayo at nagpamulsa.
I took a deep breath and looked at Eric. "Stop it, Ericson," I said in a warning tone and glared at him. Eric just shrugged and chuckled.
I looked at Pirius. His jaw clenched while glaring at Eric. Agad siyang humawak sa baywang ko at hinila ako palayo kay Eric... Humawak na lang ako sa braso ni Pirius at hinila siya palabas ng restaurant dahil baka hindi siya makapagtimpi at makasuntok na naman siya.
Tahimik kaming pareho habang patungo sa office ko. Inalis n'ya ang pagkakahawak ko sa braso n'ya nang makarating na kami sa office ko. Natigilan ako nang humarap siya sa akin, nakakunot ang noo.
"Kung nasasakal ka sa 'kin noon... bakit sa kan'ya mo sinabi at hindi sa 'kin?" mariing tanong n'ya, ramdam na ramdam ko ang pagpipigil n'ya ng galit.
"T-That wasn't like that..." I honestly don't know what to say. Minsan lang naman kasi siya magalit nang gan'yan.
Natigilan ako nang napabuga siya ng hangin. Bahagya n'yang ginulo ang buhok n'ya saka naiiritang umupo sa couch. Muli na lang n'yang binuksan ang laptop n'ya. Bakas pa rin ang galit sa mukha n'ya, mukhang sumama talaga ang loob n'ya sa narinig n'ya mula kay Eric kanina.
Paano ko ba siya lalambingin n'yan?