Eight months quickly passed by like a wind. Those eight months, I did everything to forget about Pirius. It wasn't easy just like I expected because all my life, I depended on him. May mga pagkakataon na nalilimutan ko siya kahit saglit, pero minsan sumasagi pa rin siya sa isip ko... Kung kumusta na ba siya, kung ayos lang ba siya, kung masaya ba siya, at kung naiisip n'ya rin ba ako kahit minsan. Siguro mas mabilis mawawala ang pagmamahal ko sa kan'ya kung nagalit ako sa kan'ya... pero hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, wala akong naramdaman na galit sa kan'ya... Nasaktan ako, sobrang nasaktan ako pero hindi ko magawang magalit. "Huy, nakatulala ka na naman diyan." Napatingin ako kay Eric. Umupo siya sa tabi ko saka inabutan ako ng juice. Napangiti na lang ako at kinuha 'yon