Hindi ko alam kung bakit nakatayo pa rin ako rito. Umaasa ako na baka may kasunod pa ang sasabihin n'ya. Umaasa ako na baka nagkamali lang ako ng narinig... para akong tanga na umaasa na magising sa bangungot na 'to. "Weh? Baka naman meron talaga. Diba mostly sa mga seaman, manloloko raw?" natatawang tanong ng babae. Pirius chuckled and scratched his nape. "Mukha ba akong manloloko?" Mas humarap sa kan'ya ang babae saka mas lalong tinitigan si Pirius. "OMG, baka naman may asawa ka na?" Pirius touched the back of her hand with his index finger and gently caressed it. "Where did you even get that idea, Everly?" tanong nito saka marahang natawa. Hindi ko na kinaya pang pakinggan at panoorin sila. Kahit nanghihina ang mga tuhod ko, pinilit kong humakbang at tumakbo palayo ro'n. Nabitiwa