"If you wanna leave, then go." Nagulat ako sa boses na narinig ko. Kay Sebastian nagmula ito. Nakapamulsa pa ito at seryoso lamang nakatingin sakin. Narinig niya kaya lahat ng pinagusapan namin ni Aling Vilma? Hindi na ito muli pang lumingon at tuloy tuloy lamang sa paglalakad paalis. "Iha magpahinga ka kaya muna." Sabi sakin ni Aling Vilma. Sinunod ko naman ito at nagkulong nalang ako sa kwarto ko. Napaupo ako sa kama at nagsimula nanamang magsi agusan ang mga luha ko. Wala nga itong kahit anong pagpapahalaga sakin. Ang isang gabing yon ay puro kasinungalingan lamang. Papaano nga ba kung sakaling magkaroon ng bunga ang gabing yon? Hindi niya maaaring malaman ito dahil tiyak na papatayin niya ang bata. Hindi ko alam naguguluhan na ako. Maya maya pa ay nakarinig ako ng makina ng sasa