Hindi ako makatulog sa mga oras na yon. Nakaupo lamang ako sa aking silya sa tapat mismo ng malaking bintana habang tahimik na pinagmamasdan ang mapayapang paligid at maliwanag na buwan. Kasabay ng pagsayaw mismo ng kurtina ang pagtangay ng aking buhok dala ng hangin. Ipinikit ko ang aking mata. Pagpikit ay mukha ni Lord Griffin ang nakikita ko. Mukha ni Sebastian. Hindi nito pinapatahimik ang aking puso. Bakit pakiramdam ko ay ginamit niya ako? Napailing na lamang ako. Tama nga si Aling Vilma kailangan ko ng putulin ang aming ugnayan dahil yun din naman ang ginagawa ni Sebastian ngayon. Nakaramdam ako ng pagkauhaw. Wala naman akong naririnig na ano mang ingay kaya dahan dahan akong bumaba para kumuha ng tubig. Pagbukas ng ref ay kumuha agad ako ng tubig at isinalin sa isang baso. Umin