TWO

1007 Words
"Hanggang kailan ka magtratrabaho d'yan sa boss mong mukhang hudlum?" tanong ni Cara, kasalukuyan siyang nag-aayos para pumasok sa trabaho. Naka-office attire siya dahil hindi pwedeng pumasok sa office na mukhang gusgusin. Lalo't palaging mainit ang mata ng boss n'ya sa kanya. Laitera pa naman 'yong taong 'yon...ay wait, mas laitera pala silang magkaibigan. "Hanggang sa magsawa na si Sir sa mukha ko!" balewalang sagot niya."And girl, hindi naman mukhang hudlum 'yong boss ko! Sadyang ganoon lang talaga ang trip niya sa buhay at 'wag kang mapanghusga at laitera sa pangit!" aniya saka inilagay sa bag ang mga make-up niya. Ready na siyang pumasok. Alam n'yang may boss na namang magagalit sa pagpasok n'ya pero handa naman s'ya araw-araw sa galit nito. "Mayaman naman siya pero bakit parang wala silang salamin sa bahay nila? 'Pag ba pangit hindi na tumitingin sa salamin?" painosenteng tanong pa ni Cara kay Belle. "Well, siguro nagsawa na ring tumingin, dahil wala naman nababago...ganoon talaga, girl, kapag tanggap mo na sa sarili mo na pangit ka at wala ng himala na darating...unless magpaparetoke siya afford na afford naman niya!" ganito na talaga ang takbo nang usapan nila. Sa araw-araw na ginawa ng diyos naging libangan na nila ang ganoong topic. Palibhasa kung anong trip ng isa ay ganoon din ang sa isa kaya nagkakasundo sila sa mga bagay-bagay. Magkaibigan laitera na hirap nilang tanggalin sa ugali nilang dalawa. "Alis na ako, baka nandoon na ang boss ko nakakahiya naman 'di ba!" aniya na sinulyapan pa ang relo. Napangiwi pa siya nang makitang alas-8 na. 7:30 ang bukas ng opisina at alas 8 dumarating ang boss niya. As usual late na naman siya. Ano pa bang bago? Nasanay na nga ang lahat sa kanya eh. Dumating nga siya ng alas-9 na. Inabutan pa ng lintik na traffic. Pero taas noo pa rin siyang pumasok. Kakamot-kamot pa ang guard nang pagbuksan siya ng pinto. "High five!" nakangisi niyang sabi sa manong guard. Nakipag apir naman ito. "Ikaw talaga , Ineng, lagi na lang late! Naaawa na ako roon sa boss mo!" ani ng guard na bakas sa boses ang pagkahabag sa amo ng dalaga. "Naku! Manong, maaga pa naman ako 'no! T'saka love ako ng boss ko! Sige, pasok na ako!" aniya na pakendeng-kendeng pa ang lakad. Daig pa niya ang boss na on time kung pumasok. Naiiling na nga lang din ang mga katrabaho na nakasalubong n'ya. Tiyak na marami nang natapos na trabaho ang mga iyon. Habang s'ya, papasok pa lang. Sumakay siya ng elevator. Sa ika-28 floor ang office ng boss niya. Ngiting-ngiti siya nang bumukas ang pinto ng elevator. "Good morning, boss!" automatic na sumama ang tingin nito sa kanya na ikinatawa niya. May hawak ng tasa ng kape ang boss niya. Masama ang tingin sa kanya ng lalaki na ikinangisi lang niya. Araw-araw, literal na inaraw-araw ni Belle ang pagiging late. Wish na nga lang talaga n'ya na masanay na ang amo sa oras nang pasok n'ya eh. "Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" sarcastic na tanong nito sa kanya. Saka siya nilampasan at waring nagdadabog na inilapag ang tasa ng kape sa mesa nito. Ang aga-aga, ang sama na naman ng timpla nito. Fault ba n'ya? "Pwede ba, boss?" biro n'ya na bahagyang natawa nang makitang pulang-pula na ang mukha nito----ay mali, pulang-pula na pala ang pimples nito na tinubuan ng mukha. "Gaga ka, kailan mo ba ako planong hanapan ng secretary?" nakasimangot na tanong nito sa dalaga. "Boss naman, alam mong mahirap humanap ng trabaho ngayon!" paawa effect. Gustong-gusto naman kasi ni Belle ang ginagawa n'ya ngayon. Nare-relax ang utak n'ya. Hindi gaanong mabigat ang trabaho. "Punyemas kang babae ka, ako ang boss pero ako ang nagbubukas ng office, naglalampaso ng sahig, nagtitimpla ng kape at pati schedule ako pa ang nagbabasa!" himutok nito sa kanya. Bahagya lang na natawa si Belle. "Wow boss...you're so masipag! That's the quality of a good boss! Approve! Good job" feeling ni Belle ay mas lalong nainis ang lalaki sa mga papuring binitiwan n'ya. Sumama kasi lalo ang tingin nito sa kanya. "Gaga, kung 'di lang malaki ang utang na loob ko sa 'yong tinamaan ng magaling never akong magtitiyaga rito!" napahilot pa sa sintido ang lalaki habang mariing napapikit. "Magre-resign ka na, boss?" kunwari'y gulat na gulat na tanong niya. Humakbang at humigop sa kapeng tinimpla nito. "Boss, 'wag naman! Babagsak ang company kapag nawala ka. Mahal kita, boss." "Kung 'di lang talaga malaki ang utang na loob ko sa 'yo---iniwan na kita!" inis na ani nito. "Petra---" babangitin ko pa lang ang paborito kong tawag dito pero parang kakatay na ito sa sobrang badtrip nito. "Peter! Peter! Gaga ka talaga, masasabunutan na kita dahil d'yan sa bunganga mo!" gigil na gigil na sabi nito. Pero waring kinakalma pa ang sarili. "Fine Peter Jade, 'wag ka nang mag-inarte d'yan. Love mo naman ako kaya magtiis ka!" nakangising ani ng dalaga rito. "Mababaliw na ata ako!" ani ni Peter Jade na iniyukyok ang ulo sa mesa nito na ikinatawa ni Belle. Naupo siya sa pwesto at binuksan ang computer. Honestly this entire company, pag-aari niya ito. Being Belinda Ligaya Madriaga is hard. Kilala ang angkan niya dahil sa dami ng negosyo na meron sila. Pero gusto n'yang bumuo ng pangalang siya mismo ang naghirap at ang company na ito ang resulta nang pagsisikap niya. Ayaw niyang makontrol ng pamilya. Gusto niyang gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya ng walang matang nanghuhusga at mga komentong makakapagpababa ng self-esteem niya. Gusto niyang maging malaya, maging masaya. But unfortunately, hindi niya iyon madama sa poder ng kanyang pamilya. Gusto niyang maging matagumpay hindi lang dahil sa apelyedo niya at dahil anak siya ng magulang niya. Gusto niya 'yong pinaghirapan, dugo, pawis, luha isama pa ang sipon at laway at alam nya sa sariling pinaghirapan niya at pinagpaguran ang lahat ng mayroon s'ya ngayon. Matigas man ang ulo n'ya na palaging sinasabi ng mga tao sa paligid n'ya, at least alam n'ya sa sarili n'yang may nagawa naman s'yang tama at ito iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD