Masakit ang ulo ni Belle nang magising. Pero mas nagdoble ang sakit nang makitang hindi niya silid ang kinaroroonan niya ngayon. At bukod sa isang malaking t-shirt na puti wala ng iba pang nakasuot sa kanyang katawan.
Hindi naman masakit ang kemeneya niya kaya alam niyang hindi siya pinagsamantalahan or what. Syempre lagi niyang nababasa iyon sa mga novels and movies na 'pag nalasing ang babae at walang maalala ang nararamdaman lang nila ay masakit ang kemeneya nila. Buti na lang hindi ganoon ang nararamdaman niya. Napangiwi lang siya nang mapansin na umangat ang t-shirt at nag-hello ang kemeneya niya na kung sino mang nilalang ang nagdala sa kanya sa lugar na ito ay 'di man lang siya pinantihan. Nyeta.
Don't worry, well shaved naman so be proud.
Nakita niya sa isang gilid ang damit niya na suot kagabi. Maayos na iyong nakatupi. Nang damputin niya at amuyin ay nakahinga siya nang maluwag. Walang bakas ng kahapon iyon. Nilabhan na kasi iyon kasama ng undies niya.
Pumasok siya sa banyo at naligo. Oh 'di ba, ganoon kakapal ang mukha niya na kahit 'di niya alam kung paano nakarating sa lugar na ito ay nakuha pa niyang maligo. Isinuot niyang muli ang damit na ginamit kagabi saka lumabas ng banyo. Masakit pa rin ang ulo niya pero kaya naman niyang i-handle.
Dinampot niya ang pouch at natagpuan doon ang cellphone. Madami ng missed call si Cara sa kanya. Kaya dali-dali niyang tinawagan ito.
"Girl!" hiyaw ni Cara sa kaibigan. Umaga na siya nakauwi sa apartment pero wala pa roon si Belle. Kaya alalang-alala siya.
"Kung tatanungin mo ako kung okay lang ako? Yes okay na okay ako! At kung tatanungin mo kung nasaan ako...p'wes ang isasagot ko sa 'yo ay isang malaking hindi ko alam!" ani ni Belle na hinihilot pa ang sintido.
"Bakit ikaw ang nagde-decide nang itatanong ko? Girl, wala akong pake kung nasaan ka basta siguruhin mong nasarapan ka kagabi!" Natawa siya sa sinabi nito. Puro na lang talaga kabastusan ang lumalabas sa bibig nilang magkaibigan.
"Uuwi na ako! Later na lang!" ani ni Belle saka ibinaba ang tawag. Akma na siyang lalapit sa pinto nang bumukas iyon.
"What the f*****g f**k!" malutong na anas niya nang makita kung sino ang lalaking nasa kanyang harap. Mukhang mabango---no way!
"Good morning, Belinda!" ani ng gwapong lalaki na ngayon ay nakatayo sa kanyang harapan.
"Paris?" gulat na gulat na sabi niya. Kung pwede lang siyang tumakbo ngayon at magtago ay gagawin niya. Tiyak na lagot na naman s'ya sa lalaking ito. Sisermonan na naman s'ya na tiyak ikasasakit lang ng ulo n'ya kapag narinig.
"Siguro naman nasa wisyo ka na ngayon?" seryosong sabi ng lalaki. Mukhang galit ito.
"Nasa wisyo naman ako ah!" sikmat niya na sinabayan pa ng irap. Idadaan na lang muna n'ya sa pagtataray.
"Really, Belinda Ligaya?" parang nakakalokong tanong ng lalaki na iiling-iling pa.
"Oo!" sagot ni Belle na nakipagtagisan na ng tingin sa lalaki.
"So tell me, do you remember what you did last night?" mapanghamong tanong nito. Umangat ang kilay ng dalaga sa tanong ng lalaki.
"M-ay nagawa ba ako kagabi?" hindi man niya aminin pero kinakabahay siya. Anong nagawa n'ya kagabi? Bakit hindi n'ya maalala? Oh gosh, nagka-amnesia ba s'ya? Naitama ba sa kanto ang ulo n'ya?
"Of course, my beautiful and wild Belinda!" sarcastic na ani ni Paris sa kanya.
"W-ild? Hoy Mr. Stalker, imbento ka!" aniya humakbang palapit dito saka ito pinalo ng pouch bag."Uuwi na ako!" iiwas na lang muna s'ya. Dahil feeling n'ya ay mas lalo s'yang lulubog sa kahihiyan kapag nanatili pa s'ya roon tapos wala man lang maalala.
"Ayaw mong ikwento ko ang ginawa mo?"
Napahinto si Belle sa pagbukas ng pinto saka ito nilingon. Curious din naman s'ya kung ano ba ang nagawa talaga n'ya. Pero mataas ang pride n'ya.
"Keep it, I don't want to hear your story!" aniya. Pero sa loob-loob niya ayaw niyang marinig dahil baka tuluyan na siyang ma-praning.
"But it's a funny wild story!" pahabol ng lalaki na sumunod sa kanya.
"Bwisit ka! Paris, iuwi mo na ako gago!" aniya saka mabilis na lumabas. Baka lumubog na siya sa kinatatayuan dahil wala s'yang maalala kahit isang nangyari sa naging encounter nila nito.
---
Buti na lang nagkaroon ng emergency meeting ang loko at agad siyang inihatid nito sa apartment niya. Sabi nito ihahatid siya nito pero pupunta raw ito ulit para mag-usap sila. Pero may sinabi pa ito na 'di niya maintindihan.
"Panagutan ko raw s'ya?" wala sa sariling tanong niya sa sarili. Sabay padyak sa labis na inis.
"Hoy, napapaano ka?" tanong ni Cara na palabas ng kusina. May bitbit itong tasa ng kape. Halatang may hangover din ang gaga.
"Ano girl, daks?" nakangising tanong ni Cara.
"Gaga, si Paris ang kasama ko!" napasimangot na sagot niya.
"Eh 'di daks pala ang nabingwit mo!" ani nito.
"Gaga, intact pa rin ang bataan hindi naisuko sa digmaan!" aniya saka pabagsak na naupo."Eh ikaw?"
automatic na nawala ang ngiti nito. Napasimangot pa nga bago naupo sa couch.
"Daks din---sana!" bagsak ang balikat na nanulis ang labi.
"Eh ba't ganyan ang mukha mo? 'Di kinaya ang daks?" tanong ni Belle na nakangisi sa itsura ng kaibigan.
"Girl---huhu hinimatay ako no'ng makakita ako ng daks!" napahagalpak nang tawa si Belle. Inaasahan na n'ya iyon. Pero sobrang funny talaga ng kaibigan n'ya. Ibang klase kung mabaliw.
"Putsa, Cara, seryoso?"
Nag-aalinlangang tumango ito at halatang nanlulumo.
"Sayang!" ani ni Cara.
"Haha, mababaliw na talaga ako sa 'yo, Cara!" ani ni Belle na maluha-luha pa. Nakakabilib din talaga ang tama nitong kaibigan niya.
"P-ero girl, hulaan mo kung sino 'yong daks na tinutukoy ko!"
"Sino naman? Wala akong time manghula!"
"Si France, 'yong kapatid ni Mr. Stalker mo!"
Ano 'to? Joke? Hindi na nga sila nakabingwit ng daks for a night. Tapos 'yong mga ulopong pa na 'yon ang nakasama nila. So sawi for daks sila?
"Apir tayo, friend! Isipin na lang nating minalas tayo!" aniya na pareho nilang ikinatawa.
Dahil sa hangover mas pinili ng dalawa na matulog muna. Pero ayon kay Cara may lakad daw ito, makikipagkita sa kapatid nito. Kaya nang magising si Belle ay wala na siyang kasama sa apartment.
Alas-4 na ng hapon. Pagtungo niya sa kusina para magkape at kumain na rin for her late pananghalian na pansin niya na tumutunog pala ang cellphone na naiwan niya sa couch. Dali-dali niyang dinampot iyon, ngunit na wala ang kanyang ngiti nang makita ang pangalan ng caller.
Her brother, Samael Sixto Madriaga. Ilang buwan na rin niyang hindi nakikita ang kuya niya dahil nga lumayas siya sa kanilang bahay. At hindi rin niya sinasagot ang tawag nito.
Pero this time in-accept niya ang tawag nito saka inilapit sa tainga.
"K-uya?" kabadong sabi niya.
"My God, Belinda Ligaya, salamat naman at naisipan mong sagutin ang tawag ko!" bakas ang pagtatampo sa tinig nito."Umuwi ka na!"
"Kuya, alam mo naman ang dahilan ko kung bakit ako umalis 'di ba?"
"I want to tell you something, pwede ba tayong magkita!" seryoso na ito. Panay rin ang buntonghininga.
"Sige kuya, mag-meet tayo sa Master's Resto!"
"Okay see you at 7 pm!" tugon ng kapatid saka nagpaalam sa kanya.
Saka niya tinawagan si Petra. Ewan ba niya kung bakit siya kinakabahan. Siguradong alam nito kung ano ang nangyayari.
"Petra...ay este Peter Jade, may 'di ka ba sinasabi sa akin?"
"Gaga, wala man lang hello? Syempre meron---ano bang gusto mong marinig?"
"What I mean is---kung may ganap ba sa house!"
"Oh pake mo naman? You left remember?" maarteng sabi nito. Napabuntonghininga si Belle. May point naman ito. Kaya 'di na siya nagpaalam binabaan na ito ng tawag. For sure hindi ito magsasalita dahil sa issue ng family niya ayaw nitong makialam. Pero agad siyang nakatanggap ng text dito.
"Gaga ka, ikaw pa talaga ang unang nagbaba ng tawag! Imbyerna ako!" sabi nito sa text. Funny rin talaga itong si Petra. Mahusay nga nitong napaniwala na business partner ito sa pinapatakbong company. Kaya malaki ang tiwala n'ya sa taong 'yon eh. Kahit pa madalas na mainit ang ulo ng uncle n'ya sa kanya.