NAGING usap-usapan ng mga empleyado sa loob ng kumpanya ang gaganaping acquaintance party para sa lahat ng mga newly hired and old employee ng kompanya ngayon gabi. At the same time ito na rin ang pormal na pag-aanunsyo sa publiko ni Seibas bilang bagong CEO ng Aragon Cargo Express. Gaganapin ang party sa malaking event place na pag-aari pa rin sa pamilya ng mga Aragon. Lahat sila ay excited at nag-iisip ng isusuot. Ngunit kung ang lahat ng mga kababaihan sa kumpanya ay abala sa pag-iisip ng isusuot na gown, si Maxime naman ay pinaghahandaan ang mga posibleng mangyari na hindi maganda sa okasyon. Inaasahan na niyang maraming mga tao na mataas ang antas sa lipunan ang dadalo sa naturang party. At hindi lamang mga kilalang business partners at associates ng pamilya Aragon. Malak