Lizzy's POV Maayos naman ang pagkain namin sa diner, sinabihan ko pa si Monica na huwag ng maging masungit at sumunod na lamang. Mali naman talaga na ipagpilitan niyang umupo do'n lalo na at may nakalagay naman na reserved. Eh kung 'yon ang trip ng may-ari na huwag magpaupo sa pwesto na 'yon ay wala naman kaming magagawa. Sinabi ko pa na huwag na lang niya isipin ang pwesto na 'yon, isipin na lang niya ay makakain kami. Masarap naman kasi talaga ang pagkain do'n kahit hindi siya sikat na kainan eh hindi pa rin nagsasara dahil maayos naman ang service at masarap ang pagkain. Nakinig naman si Monica, at tahimik na kaming kumain. Talagang gutom lang siguro siya. Nang matapos kami sa pagkain ay agad na dumiretcho na kami sa bahay at ako pa din ang nag-drive pauwi. Hanggang makarating