Five years ago. Lizzy's POV Nakaupo kami ni Elizar sa sofa dito sa kanyang sala at nanonood ng TV. Out of nowhere hindi ko alam kung paano at bigla ko'ng nasabi sa kanya na. "I think I should move here." Napalingon naman si Elizar sa akin and hindi ko nagustuhan ang aura ng mukha niya. Kumunot ang noo niya at halata ang pagtataka or pagkabigla dahil sa sinabi ko. Parang may kumurot naman sa aking puso at nakaramdam ako ng munting sakit. Kasalanan ko naman kasi bakit ba kasi ang atribida ako, at ako ang mag-alok sa aking sarili na tumira dito. Pero para kasing halos dito na din ako nakatira, umuuwi lang ako sa apartment ko para kumuha ng gamit pero suma tutal ay halos dito na ko nakatira sa bahay niya. "I'm sorry, huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko." Ang pagbawi ko sa sinabi