Chapter 16

1304 Words
Nakaupo sila salas habang nanonood ng t.v. kasama din n'ya si baby Kate na alaga ng bestfriend n'yang si Harold. Nagkukulitan pa sila habang kumakain ng pop corn na paborito ni Kate. Nang biglang may kumatok sa pintuan. Si Harold na ang tumayo para magbukas ng pinto. Pag bukas ng pinto. Dalawang lalaki na nakaitim na damit ang nabungaran n'ya, napaawang pa ang kanyang labi lalo na mukahang hindi taga roon ang dalawang lalaki. Magtatanong pa sana si Harold kung ano ang kailangan ng mga ito. Pero nauna ng magsalita ang isang lalaking kanyang kaharap. "Nandyan po ba si Ms. Lexa Gonzales?" Agad na tanung nung isang lalaking nakaitim na may suot na cap. Nagulat pa si Harold sa tanung, kaya hindi kaagad nakapagsalita. Nang biglang tumayo si Lex, para magtanung kung sino ang dumating. "Harold, sino ang dumating? Sino ang kausap mo? Papalapit sa pintuan, habang nagsasalita. "Kayo, po ba si Ms. Lexa Gonzales?" Mahinahon namang tanong nung kasamahan nito na medyo mahaba ang buhok at nakapusod. "Ako nga po, ano pong kailangan nila?" Bilang sagot ko. Magalang naman sila, lalo na at nakita nila ang malaking tyan ko, pero katakot pa rin kasi kilala nila ako, at alam nila ang bahay ko. Pero hindi ko naman sila kilala at hindi taga rito. Magtatanong sana muli ako ng magsalitang muli iyong may suot na cap. "Ms. Lexa pwede po bang sumama po kayo sa amin?" Mahinahon niyang sambit pero, bigla akong nakaramdamn ng takot. Hindi ko sila kilala, bakit kailangan kong sumama? Sino sila? Humarang sa harapan ko si Harold. Naging lalaki bigla ang bestfriend ko, ang laki ng boses sa pagsasalita. "Anong kailangan n'yo kay Lexa? At bakit kailangan n'yo s'yang isama?" Matapang na tanung ni Harold. "Ay sir, wala naman po kaming gagawain na masama kay Ms. Lexa, para po mapanatag kayo, sumama na rin po kayo sa amin, hindi naman po talaga kami masasamang tao." Napakamot sa ulo ung dalawang lalaki habang nagpapaliwanag kay Harold ang isa. Hindi naman makakapalag itong si Harold, at kahit lalaking tingnan at magsalita kanina, kita ko rin ang namumuong pawis sa noo n'ya. Wala na rin naman kaming nagawa kaya sumama na lang kami. Kasama din si baby Kate. Dinala nila kami sa isang ospital, nagulat naman ako at kunabahan? "Sinong andito?" Tanung ko sa isipan ko. Kumatok sila sa isang private room, at dahan-dahang ibinukas ang pinto, nakita ko ang babaeng mahaba ang buhok, naalala ko na kung sino s'ya, si Jenny. Pinapasok kami nung dalawang men in black at inisinara ang pinto. Naiwan sila sa labas. Nag-angat ng mukha si Jenny, at biglang nagulat ng makita ang baby bump ko, tinitigan n'ya ako, pataas na hagod hanggang makarating sa mukha ko. "Ilang months na ang baby mo?" Bigla n'yang tanung na parang hindi nakikita si Harold at baby Kate sa tabi ko. "Five months." Matipid kong sagot. "Maupo muna, kayo" nagulat pa s'ya ng pagkakasabi, nakalimutan n'ya yata na paupuin kami, sabay turo sa couch, sa loob ng kwarto n'ya sa ospital. Hindi pa rin naman ako nagtatanung kung bakit n'ya ako pinatawag. "Lexa sorry." Basag n'ya sa katahimikan, na hindi ko naman alam ang dahilan. Hindi pa rin ako makapagsalita, sa isip isip ko para saan ang sorry na yon. Hanggang sa sinundan na ulit ang sinabi n'ya. "Lexa sorry, hindi ko sinasadya na sirain kayo ni Luke, alam kong mahal na mahal ka n'ya. Buhat ng makilala ko s'ya, minahal ko s'ya pero hindi ganun ang paramdam n'ya. Naging kami, pero iba naman sa kilos n'ya. Nang mapag-usapan ang kasal, lalo na s'yang nagbago, kaya gumawa ako ng paraan, para matuloy ang kasal namin." Mahaba n'yang paliwanag, wala pa rin naman akong naiintindihan kasi s'ya naman talaga ang girlfriend ni Luke, kaya nga ako umalis at bumalik ng probinsya. Nang may kumatok na nurse at biglang pumasok, napatingin na lang ako sa nurse ng nagsalita s'ya. "Ma'am, pwede nyo pong bisitahin si baby mamaya, papapunta na lang po ako, ng pwedeng umalalay sa inyo." Nakangiting wika noong nurse na pumasok. "salamat" matipid na sagot ni Jenny sa nurse, bago ito lumabas ng pintuan at isinara muli ang pinto. Hindi pa rin kami nagsasalita ni Harold, walang lumabas sa bibig ko at naghihintay ng susunod na mangyayari, nagsalita ulit si Jenny. "Ako talaga ang dapat pupunta sa probinsya para, sunduin ka at kausapin, kaso bigla akong napaanak ng wala sa oras." Matipid n'yang sagot. "Bakit mo ako, pinapunta dito? Umalis na ako, at ayaw ko ng makagulo sa inyo ni Luke, tapos ngayon, nagkaanak pa pala kayo. Anong dahilan at pinaluwas mo pa ako ng Maynila, wala na akong balak manggulo, tahimik na ang buhay ko sa probinsya." Mapait na wika ko kay Jenny habang nakayuko ang ulo ko. "Hindi ako ang mahal ni Luke, ikaw ang mahal n'ya Lexa." Mahinahon n'yang sagot sa akin. "Kahit ako ang mahal n'ya, kung totoong ako nga, kaya kong magparaya, ayaw kong mawalan ng tatay ang magiging anak n'yo." Matapang kung sagot, kahit parang ganun din naman ang sitwasyon ko, mawawalan ng tatay ang anak ko. "Paano yang ipinagbubuntis mo? Papayag ka bang mawalan s'ya ng ama?" Tanong pa niya, na hindi ako makakuha ng tamang salita na dapat kung isagot. Hindi ako nakapagsalita, sa tanung n'ya iniisip ko pa lang, nasasaktan na ako. Biglang nagbago ang awra ng mukha ko, gusto kong umiyak. "Ako na ang bahala kay Lex, masaya na naman s'ya sa probinsya, bakit ba ginugulo n'yo pa ang kaibigan ko?" Matapang na sagot ni Harold, pero andun pa rin ang pagkamahinahon. Bumuntong hininga si Jenny, sabay salita. "Ang swerte mo Lexa at may kaibigan kang katulad n'ya." "Aalis na kami." Bigla ko na lang sabi at tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Jenny. "Wait, Lexa.!" Madiin n'yang salita kaya napatitig ako sakanya. " Lexa, pinapunta kita dito, para kay Luke, bumalik ka na sakanya." "Paano ang baby n'yo? Hindi ako makakapayag, hindi ko kayang sumira ng isang relasyon lalo na, at isang buong pamilya na ang masisira, kawawa ang mga bata." Nang biglang tumawa si Jenny ng matamis. Nagkatinginan na lang kami ni Harold, habang si baby Kate at nakatulog na sa pagkakabuhat ni Harold. "Kaya, pala mahal na mahal ka ni Luke, hindi kita kilala ng lubusan, pero sa nakikita ko, alam ko na kung bakit, baliw na baliw s'ya sayo. Hindi anak ni Luke ang anak ko. Ginamit ko ang bata para hindi n'ya ako iwan. Pero ng nagkaproblema sina daddy sa company, hindi ko kayang maghirap ang pamilya ko, humingi ako ng tulong kay Luke, para mabalik ang kompanya. Sinabi ko na ang lahat sa kanya, sinabi ko ding ibabalik kita sa kanya." Mahaba n'yang paliwanag. "Kung mahal n'ya ako, dapat pinuntahan man lang n'ya sana ako." Malungkot kung sagot. "Hinanap ka n'ya, ako ang may kagagawan kaya hindi ka n'ya makita. Lahat ng imbestigador n'ya, hinaharang ko at binibigyan ng dobleng halaga, para magbigay ng maling impormasyon tungkol sayo. Patawad" malungkot ang kanyang boses habang nagsasalita. Hindi ko akalaing magagawa n'ya yon. Pero nagmahal lang din naman s'ya, ng taong hindi s'ya ang mahal. Nalungkot ako para sa kay Jenny. Kung hindi ko tatanggapin ang paghingi niya ng tawad. Alam kong magagalit din sa kanya si Luke. Pero dahil mahal ko si Luke at ayaw kong magkaroon ng galit sa puso ko. Masaya akong maging kaibigan ni si Jenny. Kung tutuusin mayaman lang sila pero malungkot ang buhay niya. Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Luke, nagawa niyang maglasing. One night stand ang nangyari sa kanila ng ama ng kanyang anak. Hindi niya ito kilala. Hindi din naman niya hinanap. Masaya na rin daw siya ngayon, na napatawad ko na siya, at napatawad na rin siya ni Luke. Ngayon hihintayin ko na lang ang pagbalik ni Luke. Pagkatapos nitong tulungan ang pamilya ni Jenny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD