Nagulat ako pagbaba ko ng stage at bigla akong hilahin ni Alex
Anu ba Alex let go of me medyo pakaladkad kase ang ginagawa nya lalu tuloy akong nahihilo at dahil lasing na nga ako at hindi na ako nakapagpumiglas pa at mabilis nya akong nadala sa di mataong lugar Kita pa naming nagulat si Edward sa pag hila nya sakin lalot alam nito na hindi kame ok
Sinenyasan naman ni Edward si Liam na sumunod dahil alam nyang magpapang abot ang magkapatid
Anu sa tingin mo ginagawa mo! engagement party nyo tapos tignan mo ang itsura mo! Galit na sabi ni Alex
Pumalakpak naman si Ako, " Ang galing andito nanaman ang magaling na anak alam mo ikaw ok na ako eh tapos darating ka nanaman at agawin mo nanaman ang attention ng lahat sakin eh," alam mo bakit kaya hindi ka nalang maglahong tuluyan ha oh kayo bakit hindi nalang kayong mag ina maglaho ng tuluyan
Hindi nakapagpigil si Alex ng marinig na pati ang anak nya ay dinadamay ng ko na hindi ko rin alam kung bakit lumabas ang mga salitang yun
Napalakas na mag asawang sampal ang ibinigay ni Alex
Jusko nabingi ako
Impakta ka! Sigaw ni Alex
Sumugod naman ako ng sabunot
Lumaban din si Alex at nagsabunutan kame mabuti nalamang at mabilis kaming naawat ni Liam at Edward pero nag abutan parin kame ng sipa
Ganyan kana ba dinala inggit mo ha Aby hindi na napigilan sumbat ni Alex napaka makasarili mo hinayaan kita alam mo Kung ano ang totoo pero nanahimik ka inisip mo ang sarili mo nihindi mo ako pinagtanggol kila mama at papa pinabayaan mo ako Aby naghirap ako mag Isa habang nagdadalang tao walang pera walang tuluyan at higit sa lahat walang kakampi napaka sakit na pati ikaw kinalimutan mo ko anung klase kang kapatid tinalikuran mo ako para magmukha kang mabuting anak! Hindi na napigilang hagulgol ni Alex
Ngumisi naman ako habang natulo ang luha bakit akala mo ikaw lang ang naghirap ako din ginawa ko ang lahat para maging deserving na anak ginawa ko ang lahat para mahigitan ka sumunod ko lahat ng gusto nila mama at papa tinalikuran ko ang lalaking Mahal ko nagpaka subsob ako sa pag aaral kinuha ko ang course na gusto ni papa para sakin nagpakasubsob ako sa trabaho kinalimutan ko lahat ng magpapasaya sakin ginawa ko lahat para mapantayan ka! Oh shall I say ginawa ko lahat para mahigitan ka! And I did tignan mo ako ngaun CEO na ng company ni papa tumawa ng malakas pero natulo ang luha
Pero masaya ka ba naman?! Ha Aby masaya ka ba naman hila ni Alex sakin sa braso habang hawak kameng pareho ni Liam at Edward sa braso nakamasid lang saming dalawa
Anu Aby tumingin ka sakin masaya ka ba naman! Sigaw na ni Alex sakin
Humagulgol ako ng malakas," hindi! hindi! Sobrang lungkot Alex mag Isa ako para akong robot kailangan ko laging patunayan ang sarili ko hagulgol ko parin kailangan ko maging malakas kailangan ko maging matalino kailangang lagi paganahin ang utak hindi ko naga wa ang gusto ko hindi katulad dati nalagi kang naanjan may taga salo may tagapag tanggol ginawa ko lahat para mahigitan ka para mabaling lahat ng atensyon sakin nila mama at papa," pero Alam mo ba papa always saying panu kaya Kung andito si Alex matutulungan ka nun magaling si Alex jan lagi nyang sinasabi even mama naging malulungkutin na dahil wala na ang Alex na bubbly na nakapagpapatawa sa kanila nawala kana pero laging ikaw parin
Nangpalayasin ka ni papa isang linggo lang pinahanap kana nila pero sinabi ko na ayaw mo ummuwi dahil galit ka sa kanila...
Aby Aby how could you do that buhos ng luha ni Alex... naghirap ako Aby nagtiis mabuti nalang anjan si Lilet tinulungan ako kung hindi naisip mo ba Kung anu nangyari saming mag ina
I'm so sorry Alex lumuhod na ako sa harap ni Alex wala akong lakas ng loob sabihin kila mama at papa dahil siguradong itatakwil nila ako dahil ikaw ang nag suffer ng lahat ng katangahan ko nagawa ko lang naman lahat un kase sobrang inggit ko sayo pero maniwala ka miss na miss na kita hagulgol ako miss a miss kita hawak ko sa kamay ni Alex I'm so sorry...maniwala ka hindi ko gusto Ang nangyari sayo Mahal kita Alex...
Hindi nakatiis si Alex agad niyakap ako ssshhhh....ok na yun naiintindihan Naman Kita kaya nga hindi ko rin sinabi na kila mama at papa Yung totoo dahil alam kong magagalit sila sayo, alam mo namang lahat gagawin ko rin para sayo...I miss you too sabay halik sa pisngi at hinawi ang buhok sa mukha tapos sabay nagtawanan habang nagpupunasan ng luha
Now I know bakit favorite ka nila mama at papa kase ngaun favorite na rin Kita sabay yapos ko Kay Alex
Hindi ko alam parang sobrang martir nitong kakambal ko sa lahat ng nagawa ko ni hindi manlang nagtanim ng galit sakin kaya ngaun ako nakukunsensya sa lahat ng nagawa ko sa kanya kaya ngaun hindi kona talaga masisisi sila mama kung bakit laging si Alex ang matalino feeling ko tuloy talagang utak ipis ako haiz buti nalang talaga at maganda ako geeze...
Umalis na si Alex kasama yung Isang pinsan ni Edward and I smelled something to them
Habang ako eto parin nagpupunas ng luha habang nakaupo kame ni Edward sa Isang bench malapit sa swimming pool
Stop crying nag kaayos na kayo hindi ba Tsk...
Eh bakit ba eh gusto ko pangang umiyak kung gusto bumalik kana dun sa party at ako ay uuwi na
Wait ihahatid na kita sabay hawak sa braso ko, nagulat sya ng makitang may kalmot ako sa braso malapit sa siko oh may sugat ka pala
Oh my gosh ang balat ko medyo may kahabaan at parang malalim pa yung kalmot at napatingin din ako sa kuko ko na nabali ang Isa
Parang bata akong nagpapadyak at napasigaw pa
Nakakainis ka talaga Alex! Ggrrrr! Huhuhu baka mag peklat yung nasa braso ko at ang kuko ang tagal ko tung inalagaan
Ggrrrr! Nakakainis super ka cheapan talaga makipag sabunutan! My gosh yung braso ko maarte ko ulit na maktol
Napailing na nakatingin lang sakin si Edward na parang natatawa sa pag hihisterikal ko
Tinatawanan mo ko?! Mataray kong sabi
Sinung hindi matatawa sayo para gasgas lang at para kuko lang tutubo pa naman ulit yan
Sayo kuko lang pero mahirap pagandahin ang kuko hindi mo kase alam singhal ko kay Edward
Tsk tsk oh eh what we gonna do?
Wala! Dahil wala kang magagawa bwisit!
Narinig ko nalang ang paghagalpak nya ng tawa habang nagwalkout na ako sa party namin
Wait for me I'll send home sigaw ni Edward habang tumatawa parin