Chapter 23

1326 Words
 Nagising ako sa malakas na katok sa cottage ko, tatayo na sana ako ng biglang napasapo sa ulo ko   Omg ang sakit! Kaya sumigaw nalang ako   Sinuyan? Bakit? Mam Aby ako po ito pinamatawag po kayo ni mam andito na po sila mag breakfast nadaw po   Sige po manang susunod na sigaw ko nalang habang nakapikit pa ang mata ko, naandito na pala ang ibang mga bisita namin ang sakit ng ulo ko parang hindi ko kayang bumangon   Pero pinilit kung tumayo para makaligo na at makasabay sa breakfast Kay mama at papa   Anu ba naman at hindi ako makaalis ng kumot ko pinilit kung imulat ang mata ko nakita ko na hindi pala ako ng iisa sa bed ko nakadagan pala  si Maine sa kumot habang nasa may carpet sa baba si Allen at Edward nakayapos pa ang bakla  Natawa nalang ako ng maalala yung nangyari kagabi   Naligo na ako at nagbihis at nagpunta kila mama para mag breakfast hindi kona sila ginising bahala nalang sila magkagulatan sa mga posisyon nila pagmagising sila hahaha   Oh anak nakangiting bati ni mama na nasa Isang lamesa kasama pala nya ang mga elder De Lucas kasama si tita Emily na hindi ko ineexpect   Hi po tita bati ko sabay beso at ganun din ang ginawa ko sa iba at naupo sa tabi ni mama   Mom! Tawag ni Elton nakababatang kapatid ni Edward habang palapit sa table namin   Humalik ito kay tita Emily sabay kinuha ang orange juice ni tita at ininom   Have you seen kuya I've been calling him for so many times hindi sya nasagot nalowbat na nga ata ang phone nya dahil hindi na matawagan I went also to his cottage but his not there   Halos mabuga ko yung iniinom ko sa tanung nito, pasimli kung pinunasan ang labi ko   Ayaw ko na sanang sabihing nasa cottage ko si Edward dahil nakakahiya baka kung anu ang isipin nila pero baka naman mag alala sila kung nasan na ito kaya agad akong nagsalita pero hindi na nag angat ng tingin para hindi ko makita ang reaksyon nila   His at my cottage medyo mahina kung sabi   Sabay napabuga ng iniinom si Elton at si Papa na masama ang tingin sakin   What?! Mataray kung sabi para mawala ang tensyon   It's not what you think it is we slept together with my friends   Napasipol naman si Elton   No wonder Edward wait for eleven years your full of excitement nakangising sabi ni Elton   Ikinataas naman ng kilay ko dahil sa malisya nito sa sitwasyon   Were just so drunk last night that's why we end up in my cottage medyo napalakas ng kaunti ang boses ko dahil napipikon ako kay Elton dahil sa pagiging green minded nito   Elton! Saway naman agad ng daddy nya ng mahalatang hindi ko nagustuhan yung joke nya kung joke man un   Naku Aby iha pagpasensyahan nyo na tung si Elton at lumaki sa antibiotics yan kaya ganyan yan sabay hampas kay Elton ni tita Emily   Nag taas ito ng dalawang kamay, relax future sister in-law I'm just kidding don't take it so serious ang taray! Nakangising pang aasar pa nito na ikinairap ko ulit   Sunod sunod nagdatingan ang mga pinsan ni Edward si Liam na kasama si Alex na medyo may kalakihan na Ang tiyan at si Marcus at Yung si Jen at Lilet na mga kaibigan ni Alex   Nagpaalam na din akong babalik sa cottage ko kase parang gusto ko pang matulog sa sakit ng ulo gawa ng hangover    Pagdating ko sa kwarto wala ng ibang tao na pinagpasalamat ko pero nangingiti ako habang naiisip kung Anu Ang mga naging reaksyon nila ng magising I just can believe sa mga ginawa ni Edward kagabi I know dati palang may angking kakulitan si Edward hindi ko lang lubos maisip na nakipag sabayan sya sa kakulitan ni Maine at lalu na Kay Allen hindi mawala sa isip ko ang pag sexy dance nya sa harap ko ng topless at kung gaano sya kaseryoso sa opisina nya napailing iling nalang ako   Haiz pabagsak kong higa sa kama i supposed to be in joy today because I'm getting married and I should be thankful because it was him who I love the most wala naman talagang ibang pumalit siguro nakukunsensya lang ako dahil kahit nasaktan ko sya dati we will still end up together   I smiled do I deserve him? It doesn't matter I will do everything to be deserving...nakatulog na ako ng hindi namalayan...   Malalakas ng katok ang gumising sakin   Anu ba yan gigibain nyo ba ang pinto ng cottage ko! Sigaw ko   Naku gurl pasasabugin kona talaga ito kung hindi mo bubuksan sigaw na pabalik ni Allen   Jusko bie alas tres na malate kana sa wedding mo! Sigaw naman ni Maine   Hala napatingin ako sa phone ko ng makitang three twenty na pala napabalikwas ako ng bangon at agad binuksan Ang pinto ko   OMG ka bakla totoo ba ni hindi ka pa naliligo at sleeping beauty ka parin sabi ni Maine   Hala sige pasok na Cr at maligo tawagin kona yung make up artist kaloka ka! Sabi ni Allen habang pinagtutulakan ako sa cr   Pag labas ko sa cr nakahanda na ang mga make up artist pati ang mga susuutin ko   At pag labas ko palang ay hinila na ako ni Allen at nakitulong na ang dalawa sa pag make up sakin para mapabilis   Parang manager ng mga make up artist si Allen sa pag ka hands on sakin simula sa buhok sa make up at sa pag suot ng wedding gown ko   I just can't help naiiyak ako hindi ako masyadong naging mabuting tao aminado ako dun I always wanted more attention kaya kung anu ano ang naiisip ko just to seek for someone attention I've always wanted to a center of everything madalas hindi ko na appreciate kung anung meron ako dahil kadalasan tinignan ko kung ano ang meron ang iba lalu na si Alex na dapat laging mas lamang ako, wala rin ako dating maturing na totoong kaibigan dahil sa ugali ko na laging gusto ko ako ang nasusunod that's why I was so thankful na napag tiisan ako ni Allen at Maine   Hinuli ko ang kamay ni Allen at Maine na ikinagulat naman ng dalawa na aligaga parin sa pagmamadali sa pag ayos sakin   Thank you mga bie naiiyak kung sabi   Nakita ko namang naluha rin Yung dalawa   Para kang tanga! Sabay iwas  ng tingin at punas ni Allen ng luha   Uo nga! sabi din ni Maine na agad din nag punas ng luha, masisira ang make up natin kaya napatawa kaming tatlo   Hindi ko alam kung naging mabuti ba akong kaibigan sa inyo pero gusto kung malaman nyo na thankful ako dahil naging friend ko kayo at lagi kayong nakasuporta sakin kahit minsan may pagka impakta talaga ako gusto ko lang malaman nyo Mahal na Mahal ko kayong dalawa at nagyakapan kaming tatlo   Tama na bie masisira ang make up mo sabi ni Allen kainis ka nagpakahirap kami maging dyosa ka lang eh...habang nagpupunas ng luha   Alam mo naman kung ganu ka naming kamahal we're more than a real siblings kaya tangkap naming abnormal ka talaga sabi pa ni Allen na kina tawa ulit namin habang nagpupunas ng mga mata   Anu kaba bie wedding day mo kung maka drama ka parang hindi na tayo mag kikita kita pagpinagbawalan ka ni Edward makipagkita samin kame ang magfifile ng annulment nyo sabi pa ni Maine   Naku ka Abygail tama na nga tignan mu kaya ang itsura mo bestie sobrang ganda mo I'm so proud of myself   Binatukan ni Maine si Allen   Proud of yourself talaga?!   Ok fine! I'm so proud of our team at nagkipag apir pa sa mga make up artist   Tumayo naman ako para silipin sa full body mirror ang pinag malaki nila Allen   And to my surprised! OMG! Alam kung maganda na ako pero I just can't believe is this really me?   Bigla tuloy akong na excite na makita ako ni Edward...

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD