Natigilan si Leslie sa sinabi ni Jayson. Ngunit agad din siyang nakabawi. Tumawa siya ng tumawa hanggang sa sumakit na nga ang kanyang tiyan. Siya na isang pokpok? Magugustuhan nito? Malabo yon?! Ang alam niya siya lang ang may lihim na pagtingin dito at imposibleng mainlove sa kanya ito. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, hinihiling niya na sana nga ay totoo na lamang iyon ngunit higit kanino man, batid niyang imposibleng mangyari yon. Hindi siya dapat na umasa pa na may magkakamali sa kanya. Pinagtitripan ba sya ng lalaking ito? Kung oo, hindi ito nakakatuwa. Kaya biglang nagbago ang timpla nya. Naiinis siya na ewan dito. Gusto yata nitong mabara, sige pagbibigyan niya ito. "Mahal mo ako? Nagka-amnesia kana yata Jayson! Pokpok ako! POKPOK! Naiintindihan mo?!" tila napipikon na