"S-Salamat bok, d'best ka talaga kahit kelan. Lagi kang andiyan lalo pa kapag nasa bingit ako ng alanganin," nakangiti niyang wika dito tsaka tumayo sabay yakap sa dito. Niyakap din siya nito ng mahigpit. "Alam mo namang hindi ko maaatim na solohin mo lahat diba. Mahal kita, alam mo yan. Ikaw lang ang nakakaintindi sakin diba. At andiyan ka rin palagi para damayan ako, lalo na nong time na lubog na lubog ako. Ikaw lamang ang natatanging dumamay sakin, kahit nga nong dipa naman tayo talagang close ei, diba yong about don sa wrong call?" nakangiting wika nito. Natawa siya, pati ito ay natawa na rin. Halos buong magdamag ba naman siya nitong tawagan ng tawagan dahil akala nito ay siya si Charlotte. Pero atleast nakatulong siya kahit papano dito. Hindi na rin talaga masamang lumalim ang