Kylo’s POV Nang makalayo na kami sa bahay ni Luca ay nakahinga na ako nang maluwag. Dinala ko muna siya sa condo ko. “Dito muna kita itatago, Luca” sabi ko sa kaniya. Nakita kong kumunot ang noo niya. Bigla itong tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. “Wait, gusto kong pumunta sa birthday party ng papa mo,” sabi niya habang nakasimangot ang mukha. “Hindi naman siguro makakapasok doon ang hindi invited. Hindi ako makikita roon ng asawa ko at ng mga tauhan niya,” sabi pa niya. “Kung ganoon ay maghintay ka muna rito. Pupunta ako sa mall. Ibibili kita ng susuotin mo,” sabi ko kaya nawala na ang pagkakunot ng noo niya. Naupo na itong muli sa sofa niya. “May food ba rito? Baka magutom ako sa kakahintay sa iyo eh.” “Marami akong stock sa fridge. Mamili ka na lang kung anong gusto mong