Chapte 30 : Hindi inaasahang pangyayari

2012 Words

Luca’s POV Nakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas ay umuwi na sina Kylo. Pinakain ko lang sila ng almusal at pagkatapos ay umalis na sila. Imbis na saya ang mangyari ay pagod lang ang dulot nang nangyari para sa akin. Masyadong maaga ako nang magising kaninang umaga kaya bumalik na ako sa mansyon para umakyat sa kuwarto ko. Masakit ang ulo ko at may hang-over pa kaya masama ang pakiramdam ko. Pinipilit ko nga lang gumalaw kanina para maasikaso ang mga bisita ko e. Hapon na nang magising ako. Ngunit gaya kanina, masama pa rin ang pakiramdam ko. Hindi nawawala ang sakit ng ulo ko kaya mukhang kailangan ko nang uminom ng maraming tubig. Kapag hindi pa rin nawala ay baka inuman ko na ng gamot. Madalang kong gawin ‘yun. Kapag matindi ang hang-over ko ay saka ko lang iniinuman ng gamot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD