Kylo’s POV “Dalawang araw akong walang pasok. Dalawin natin ang mama mo sa sementeryo,” aya ni Papa sa akin. Nagulat ako na narito na pala siya. Hindi ko alam na ngayong araw ang uwi niya. Mabuti at hindi pa gising si Luca. Kaninang madaling-araw kasi ay dito kami umuwi pagkatapos naming magbantay sa hospital. “Bakit hindi mo ako ginising, Kylo?” Napatingin ako sa likuran ko dahil nakasunod na pala sa akin si Luca. Palipat-lipat tuloy ang tingin ko kay Papa at Luca. Hindi naman sa kinakahiya ko si Luca sa kaniya, pero hindi ko kasi alam kung ano ang mararamdaman ni Papa kapag nalaman niyang may kasama akong gaya ni Luca sa kuwarto ko. “S-sino siya, anak?” tanong tuloy ni papa. Nang tignan ko si Luca ay gulat na gulat din siya. “Maganda umaga po, Sir Leonard,” bati ni Luca sa kaniya.