Luca’s POV Nang hapon na at pauwi na ako galing sa school ay nagpahinto ako sa convinience store para bumili ng kinakatakaman kong pagkain ngayon. “Huwag na kayong bumaba, sabihan mo na rin silang nasa ibang kotse. Saglit lang naman ako sa loob,” sabi ko kay Karlo. Tumango siya at saka kinuha ang phone para tawagan ang iba ko pang mga bodyguard. “Tumawag lang po kayo sa akin kapag kailangan niyo kami.” “Okay.” Bumaba na ako at saka pumasok sa convinience store. Natatakam kasi ako sa mga korean noodless nitong mga nagdaang araw. Gusto kong magluto niyon mamaya kapag umuwi ako. Kaya lang ay hindi ako mahilig sa maanghang kaya ‘yung plain lang ang bibilhin ko ngayon. Kasalanan ito nila Eli at Landon. Kapag nanunuod sila ng mga korean drama ay nasisilip ko kung minsan kung paano kumain ng m