Luca’s POV Mainit ang ulo ni Karlo nang makita ako. Sa dami ng sugat na natamo ko dahil sa paglaglag ko sa bangin ay hindi talaga maikakaila na may nangyaring masama sa akin. Ayoko na sanang sabihin pa sa kaniya ang nangyari, pero nasabi na agad ni Kylo sa kaniya ang ginawa sa akin ni Roderick. Muntik pa tuloy sugurin ni Karlo si Roderick. Pinigilan ko lang dahil masisira ang plano namin ni Kylo. “Hindi ko po maipapangako na hindi ko siya masasaktan kapag nagkita ang landas namin. Kapag nalaman kasi ito ng mama mo, Sir Luca ay kami ang malalagot. Tiyak na masasampal kami niyon dahil nangako kami na kailanman ay hindi ka masasaktan ng kahit na sino man kapag kami na ang nagbantay sa iyo,” sabi ni Karlo kaya napapangisi si Kylo. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Naaamoy na