Luca’s POV
Ang daming tao sa mansyon nang umuwi ako. Ang daming nakikiramay sa pagkawala ni papa. Pagtingin ko sa kabaong niya ay halos madurog ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na wala na ang papa ko. Nakita ko si mama na nakaupo malapit sa tabi ng kabaong. Nakita ko kung gaano siya katamlay. Maga pa rin ang mata kaya mukhang iyak din ito nang iyak nang makauwi rito kanina.
Lahat ng tao roon ay nakatingin sa akin. Wala akong pinansin kahit isa sa kanila. Wala naman kasi akong kakilala sa kanila. Tumuloy ako sa kabaong ni papa. Doon na tumulo ang luha ko nang makita ko siya. Tinitigan ko siya ng matagal. Ngayon ko lang napagtanto na mas kamukha ko pala siya kaysa kay mama. Guwapo si papa kaya alam kong sa akin siya nagmana.
“Anak?”
Lumingon ako kay mama nang tawagin niya ako. Lumapit ako sa kaniya dahil tila gusto niya nang makakayakap. Niyakap ko siya at doon na kami parehas na humagulgol. “Tayong dalawa na lang ngayon ang magmamahalan, Luca.”
“Tayong dalawa na nga lang po ang magkakasama, pero pinalipat niyo pa ako sa bagong bahay,” sabi ko sa kaniya. Umiling siya at saka nagpunas ng luha.
“Anak, hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi na tayo magkakasama. Siyempre, gagalain din kita at ganoon din ang gagawin mo sa akin. Sa totoo lang ay ang papa mo ang may utos nito. Ang gusto niya ay kapag nasa tamang husto ka na ng edad mo ay hahayaan ka na naming matutong mamuhay sa sarili mo. Sa ganoong paraan ay kapag wala na kami ay makakaya mo na ang sarili mo. Tulad nito, wala na ang papa mo. Ako na lang ang natitira sa ‘yo. Mas lalo mong tatagan ang loob mo dahil alam kong hindi na rin ako magtatagal pa.”
“Huwag niyo pong sabihin ‘yan!” putol ko agad sa sinasabi niya.
“May sakit ako sa puso, anak. Ngayon pa lang din ay na-stress na ako dahil sa pagkawala ng papa mo. Anak, maging handa ka sa maaaring mangyari. Hindi natin masasabi kung anong mangyayari pa sa hinaharap. Basta, kapag sumunod na ako sa papa mo ay naka-ready naman na ang lahat-lahat ng papel natin at ang pamana namin sa ‘yo. Sa ‘yo lang din naman mapupunta ang lahat ng ‘yun. Nag-iisa ka lang naming anak e.”
Lalo akong naiiyak sa mga sinasabi ni mama. Parang namamaalam na rin ito. Ang sakit pakinggan. Lalo akong nadudurog.
“Ma, magpapahangin lang po muna ako sa labas,” paalam ko sa kaniya. Paraan ko ito para matigil na siya sa mga sinasabi niya. Ang pangit kasi pakinggan. Ngayon pa talaga niya sinabi sa akin ang mga ito gayong unang burol pa lang ni papa. Hindi ba niya alam na durog na durog pa ngayon ang puso ko?
Paglabas ko sa mansyon ay nagtatakbo ako sa swimming pool area namin. Walang tao roon. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumigaw ng malakas habang nagmumura. I hate this f*cking feeling. Iyong alam kong unti-unti na kaming nagkakahiwa-hiwalay. Ang pangit ng ganito. Tang-ina! Wala na nga kaming masyadong bonding, maaga pang magsisilisan ang mga mahal ko sa buhay. Ang daya nila. Patay na si papa, pero si mama parang gusto na ring sumuko.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa likuran ko.
“Nandito lang ako, anak. Hindi ko kayo pababayaan ng mama mo.”
Si Manang Rosita pala ang dumating. Hinahagod niya ang likod ko habang patuloy akong umiiyak.
“Manang, kahit si mama na lang po ang alagaan ninyo. Huwag niyo na po akong alalahanin. Iyon lang ang tanging hiling ko. Pagaangin at kumbinsihin niyo po siya na mabuhay pa ng matagal. Gumawa po kayo ng paraan para maging masaya siya. Hindi ko po kasi magagawa ‘yun sa kaniya dahil ang gusto niya ay mamuhay na akong mag-isa. ‘Yung pala ang plano nila ni papa sa akin. Bilang anak nila at bilang ‘yun ang gusto nilang mangyari ay susundin ko para maging masaya sila. Kaya naman habang wala ako sa tabi ni mama, kayo po muna ang bahala sa kaniya.”
“Okay, anak. Ako nang bahala sa mama mo. Huwag ka na ring mag-alala. Huwag ka na ring malungkot pa. Siguro ay may dahilan kung bakit nangyari ito. Pero, anak, if you need me, huwag kang mahihiyang tawagan ako o puntahan. Darating agad ako kapag kailangan mo ng tulong. Mahal na mahal kita, Luca.”
Naisip ko na hindi ko kayang magtagal dito sa mansyon gayong nakaburol si papa. Mas masakit pala kapag maya’t maya mong nakikita ang kabaong nito kaya nagpasya ako na sa bago kong mansyon na lang ako magpalipas ng gabi. Nagpahatid ulit ako roon sa driver ni mama.
Pagdating ko sa mansyon ko ay narinig kong nagsisigawan sina Eli at Landon sa swimming pool area. Pinabayaan ko na lang muna sila roon. Tumuloy na ako sa loob-papunta sa kuwarto ko. I need to rest.
**
I went to bed early so I woke up early too. Bago ako bumangon ay nag-cellphone muna ako. Ganoon ako kapag gusto kong mag-inin. Nanlaki ang mata ko nang bumungad sa notification ko ang pag-accept ng friend request ko kay Kylo Sanders. Tang-ina! Seryoso ba ito? Napa-upo tuloy ako bigla. Hindi ko inaasahang i-a-accept niya ako. Pumunta ako sa profile niya. Nakita ko na marami siyang followers. Ibig sabihin ay hindi ito masyadong nag-a-accept ng mga friend request. Gusto kong sumigaw. Bakit kaya niya ako in-accept?
Maganda ang bungad ng umaga ko. Tuluyan na akong bumangon. Pagdating ko sa ibaba ng bahay ay naamoy kong may mabangong pagkain na tila bagong luto lamang.
“Good morning, Madam Luca!” bati sa akin ni Landon. My eyes widened. Hindi ko na napigil ang tawa ko dahil sa itsura niya ngayon.
“Anong eksena ‘yan, bakla?” Nakasuot kasi si Landon ng pang-maids na damit. Napakagago niya talaga.
“Siyempre, ako rin, madam,” sabi naman ni Eli na ganoon din pala ang suot. May hawak-hawak pa itong sandok na tila sila nga ang nagluluto ngayon ng umagahan namin.
Napag-alaman ko na hiningi nila ang uniform na ‘yon sa secretary kong si Toriana Esteban. Siya iyong secretary ko sa resort dito sa tabi ng mansyon ko. When we got to the dining area I saw a lot of food on the table. Hindi ko inaasahan na ganito pala ka-talent ang mga bakla pagdating sa pagluluto.
“Seryoso ba ito? Kayong dalawa ang nagluto ng lahat ng ito?” I asked as my eyes widened.
“Hindi po, madam. Wala po kaming niluto diyan. Ang totoo po niyan ay ininit lang naman ang mga ‘yan. Tira-tira lang kasi ang mga ‘yan sa catering kahapon. Nang maglipit sila kahapon ay sinabi kong itabi ang mga natirang pagkain at ilalagay ko na lang sa prigider,” sabi ni Landon kaya nalaglag ang panga ko. Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya sinabunutan.
“Gaga ka! Why did you do that? Hindi kami nagpapatira ng pagkain. Nakakahiya ang ginawa mo!” bulyaw ko sa kaniya pero may halong tawa ang pang-a-award ko sa kaniya dahil sa kagagahan niya. Baliw talaga siya.
“Sayang naman kasi. Ang dami kayang natirang pagkain,” sabi naman ni Eli habang nagsasalin ng gulay sa isang plato.
“Oh, siya. Nariyan naman na kaya kumain na tayo,” sabi ko na lang habang natatawa pa rin. “This is the first time na kakain ako ng init-init,” dagdag ko pa.
“Ang arte talaga ng sister naming ito. Sabagay, bilyonaryo ang pamilya ninyo kaya hindi na ako magtataka,” sabi ni Landon na naglalagay na ng kanin sa plato ko. Pinanindigan na nila ang pagiging maids ngayong umaga. Gusto nila ‘yan kaya i-push na nila.
“After nito, tigilan ninyo na ang paggalaw sa bahay na ito. Ibalik niyo na rin ang mga uniform na ‘yan kay Toriana. Hindi ko kayo gagawing katulong dito. May kukunin ako para diyan.”
“Ano ka ba. Gusto lang naman naming pasayahin ka. Kagabi kasi ay sinilip ka namin sa room mo. Nakita namin na basang-basa ng luha mo ang unan mo. Pero hindi kami sure kung luha nga ba ‘yun o baka laway mo lang. Charot! Pero, seryoso na, nakita namin kagabi kung gaano ka kalungkot kaya naisipan namin na pasayahin ka ngayong umaga. Mabuti nga at may ganitong mga cosplay costume sa resort mo,” kuwento ni Landon habang pinagtitimpla naman ako ng kape.
“Luca, para saan pa at pinatuloy mo kami rito. If you need someone to talk to, we’re here,” sabi ni Eli. “Magang-maga ang mata mo, oh. Sa totoo lang ay pinipilit lang din naming maging masaya, pero kapag nakikita ka naming nalulungkot, nahahawa din kami. Alam naman namin na hindi mo kayang magsaya sa ngayon. Mahirap ang mamatayan ng mahal sa buhay. Ang sa amin lang ni Landon, narito lang kami para pagaangin ang loob mo. Kaya naman magsabi ka kapag nalulungkot ka,” dagdag pa niya.
“Kaya mamaya, may pakulo kaming dalawa sa ‘yo,” sabi ni Landon kaya napataas ang kilay ko. Wala akong tiwala sa mga tiwamang ito kaya kinakabahan tuloy ako.
“Kung kalokohan na naman ‘yan, huwag niyo nang ituloy at baka masabunutan ko lang kayo,” saway ko agad sa kanila.
“Hindi ah. Pangpawala ng stress itong gagawin namin. Pero sa ngayon ay secret muna. Abangan mo nalang mamaya,” sabi pa ni Eli.
Hinayaan ko na lang sila. Titignan ko kung ano ang pakulo nilang dalawa. Baka nga makatulong iyon sa kalungkutan ko kaya aabangan ko na lang.
Nang mag-umpisa na kaming kumain ay natahimik na ang mga bibig nila. Nakakatuwa. Okay naman palang kumain ng init-init na pagkain. Masarap pa rin at parang sumarap pa nga lalo. Medyo pangit na nga lang ang itsura. Hindi na maganda ang pagkaka-plating kaya medyo nag-aalinlangan ako sa lasa
“Anyway, kilala niyo ba si Kylo Sanders? Pamilyar ba kayo sa lalaking ‘yun?” tanong ko sa kanila.
“Of course. Pagdating sa mga famous na guwapong hot na lalaki ay hindi kami pahuhuli. In-add ko nga siya sa social media account niya, kaya lang ay hanggang ngayon ay hindi niya ako ina-accept,” sagot ni Eli.
“Kilala ko siya, pero hindi ko siya ina-add sa social media niya. Wala akong time sa mga social media na ‘yan,” sabi naman ni Landon.
Inilabas ko ang phone ko. Pinakita ko sa kanila ang pag-accept sa akin ni Kylo.
“Ay, syet! Totoo ba ‘yan?” Nanlalaki ang mata ni Eli.
“Yes. Kaka-accept niya lang sa akin kagabi. Hindi nga ako makapaniwala. Akala ko ay nanaginip lang ako. Crush na crush ko na kasi ang lalaking ito. Nang una ko siyang makita sa picture, alam ko na agad na magiging crush ko siya. Alam niyo na, trip na trip ko ang mga lalaking badboy look. Isama pa ang pagiging guwapo at matipuno ng katawan nito na marami pang tatto. Hindi ko naman inaasahang I-a-accept niya ako. Nararamdaman ko na tuloy na hindi na ako magiging no-boyfriend-since-birth,” pagmamalaki ko sa kanila kaya nakita kong tumawa si Landon.
“Hindi masamang managinip ng gising, Luca,” kontra niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Bakla, hindi naman niya siguro ako i-a-accept kung hindi niya ako trip. Tignan mo ang profile niya. Daang-daang libo ang followers niya kaya doon pa lang magtataka na ako kung bakit in-accept niya ako. Tignan mo, isang araw magiging kami na niyang si Kylo,” sabi ko pa kaya pumalakpak si Eli. Support lang siya, habang si Landon naman ay parang hindi. Hindi naman sa ayaw ko na ganoon siya. Si Landon kasi ‘yung tao na seryoso pagdating sa pakikipag-relasyon sa mga lalaki. Kaya lang ay hindi na ngayon. Madalas kasi siyang makaranas ng heartbroken, madalas maloko at madalas ding perahan ng mga lalaki. Ngayon, wala na siyang siniseryoso. Ang tumatak na ngayon tuloy sa isip niya ay pang-lokohan lang ang mga bakla. Pang-kuhanan lang ng pera. Pang-gaguhan lang. Kaya naman go-with-the-flow na lang siya ngayon. Kung may lumandi man sa kaniya, laban lang, pero hindi na niya binubuhos ang lahat ng effort at pera niya. Nang sa ganoon ay hindi na siya nasasaktan kapag iniiwanan na siya nito. Iyon siguro ang ayaw niyang maranasan ko kaya ngayon pa lang ay wina-warning-an na niya ako para hindi ko maranasan ang nangyari sa kanya.
Pero iba pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Sigurado ako na hindi lahat ng lalaki ay ganoon. Hindi lahat ng lalaki ay pera at libog lang ang habol sa bakla. Sigurado ako na mayroon din ay hanap ang true love. At iyon ang inaasahan ko kay Kylo. Target ko na siya ngayon. Mag-uumpisa na akong lumandi. Malaya naman na ako. Ayokong tumanda nang walang experience sa pagmamahal. Ayokong mamatay ng virgin.