Luca's POV Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Pagdilat ng mata ko ay madilim pa ang paligid. Dito na ako nakatulog sa isang room sa resort. Hindi ko na matandaan kung bakit ako napunta rito. Maaaring dito ako dinala ng mga bakla o kaya naman ay si Terrence. Bumangon ako at saka kinuha ang phone na nasa table. Pagkakita ko sa oras ay pasado alas tres na pala ng madaling-araw. Nasaan na kaya sila? Saan kaya natulog sina Eli, Landon at ganoon na rin si Terrence? Tumayo ako at saka lumabas ng room. Maliwanag pa sa labas ang mga ilaw ng poste ng resort. Naghanap ako nang maiinom. Uhaw na uhaw kasi ako. Pakiramdam ko ay maaga akong dinapuan ng hang-over. Nadismaya ako nang makita kong hindi nakabukas ang prigider sa food area. Ayokong uminom ng maligamgam kapag ganitong may hang-over