Prologue

1639 Words
PROLOGUE Yvaine's P.O.V "Beks, paano ba ma-inlove?" tanong ko kay Rachelle Manuel na best friend ko. Nandito kami ngayon sa labas ng Winston University. Kaka-enroll lang namin. Kasalukuyan kong hinihintay si Kuya Zach, kasi sabi niya magbabanyo daw siya. Si Kuya Zachary ay kakambal ko, pero kuya ang tawag ko sa kaniya at meron pa kaming isang bunsong kapatid na si Charm. Apat talaga kami pero namatay ang panganay sa amin. Napansin ko namang hindi niya ako pinansin kaya kinalabit ko siya. “Huy!” "Kapag feeling mo sobrang special niyang tao," walang ganang sagot ni Rachelle habang naglalaro ng mobile legends sa cellphone niya. Kaya pala hindi mo maistorbo, busy pala maglaro. "Teka? Paano bang special? Never ko pa na-feel, pwede mo ba i-explain, further explanation," sabi ko kay Rachelle. "Tsk! Naagaw ‘yong turtle--tanong mo kay Sab," iritang sambit ni Rachelle nang hindi tumitingin sa akin dahil focus sa paglalaro niya. Mukha kasing matatalo na siya. Ano ba ‘yan pasa-pasa sa tanong ko, ka-imbyerna! Si Sabrina Manuel ay kapatid ni Rachelle pero adopted lang siya. Busy naman si Sab sa pagbibilang ng Barya galing sa alkansya niya. Hayst, buti pa siya nakakaipon samantalang ako, nga-nga, kain paa. “Ha? Bakit ako? Wala akong alam diyan,” tanggi ni Sab. “Wala raw, sinungaling!” inis na sabi ni Rachelle. Napatitig ako kay Sab na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Bumuntong hininga siya bago magsalita. "Special, ‘yon yung gusto mo lagi siyang makita at excited ka lagi kapag makikita mo siya tapos kakaibang saya ang mararamdaman mo kapag nasa tabi mo na siya o kahit naiisip mo lang siya. Iba ‘yong treatment mo sa kaniya kumpara sa ibang tao tapos kapag may ibang tao ang umaaligid sa kaniya nagseselos ka. In short, in love ka na," sabi nito at hinagisan ako ng piso sa mukha ko. Bastos! "ARAY!" daing ko saka pinulot ang piso na nahulog sa dibdib ko--este sa simento. Palagi kasi nilang sinasabi na wala akong dibdib at ang dibdib ko raw ay flat kaya hinahalintulad ako sa pader o ‘di kaya sa simento. "Hindi ko alam na may lovelife ka pala, Beks. Kalimutan na ba? friendship over?" pang-aasar ko at ibinalik sa kaniya ang piso. "Syempre! Nagka-jowa din ako noong highschool," sabi ni Sab at umirap pa sa akin. Bakit pakiramdam ko napapag-iwanan ako? Paano ba kasi magmahal ng lalake? Paano makaramdam noon, kaya rin ako tinatamad manood ng romance na pelikula o ‘di kaya teleserye, wala kasi akong maintindihan sa nararamdaman nila kasi hindi ko pa naman nararanasan. “Tomboy ka ba talaga? Bakit naman gano’n, mas nauna ka pa pala nagkaroon ng boyfriend sa akin?” tanong ko. “Isang beses lang iyon, hindi na ako umulit. Mahirap makipagrelasyon, masakit.” Iyon nga ang kadalasan kong nakikita, naririnig, napapanood. Masakit daw magmahal. Kahit naman masakit, gusto ko pa rin ‘yon maranasan. "Landi, sana all muna ako. Pahingi nga ng sampung piso diyan! Bibili ako ng Buko Juice sa vendor," sabi ni Rachelle at inilahad ang kamay kay Sab. "’Yoko nga! Pambili ko ‘to ng bagong rubber shoes, ang tagal ko ‘tong iniipon," nakanguso niyang sabi at inilayo kay Rachelle ang pera. "Sus! Pabili ka na lang kay Daddy Seb, hindi ka naman iba, kapatid kita," sabi nito at binalik ang tuon sa kaniyang cellphone. "Hindi mo naman kailangan magbilang ng ganyan, mahihirapan ka lang," dagdag pa nito. Kahit na hindi sila tunay na magkapatid, aakalain mo silang magkadugo dahil sa closeness at cuteness nilang dalawa. Para lang kami ng kakambal ko pero madalas kasi bwisit si Kuya Zach. "Ayoko namang umasa na lang palagi sa kanila, kaya ko naman, ako sa sarili ko," sabi ni Sab at nagkibit-balikat naman si Rachelle, hindi na sumagot. "Tagal ni Kuya, siguro tumatae ‘yon! Dito pa naglabas ng kayamanan e’ pwede namang sa bahay na lang," sabi ko kaya natawa sila Rachelle. "Gano’n talaga kapag hindi na kayang pigilan," sabi ni Sab at tumawa ng malakas. Totoo naman kasi, minsan talaga bwisit si kuya. Feeling cute kasi, binusted naman ni ate Julia. "Ang utot, pagtae, at pag-ihi parang pag-ibig, kapag nandyan na hindi mo na kayang pigilan," banat ni Rachelle at kinurot ako sa pisngi. "Sana nga dumating na ‘yang utot, ihi, at pagtae para maranasan ko na. College na ako, wala pa rin, panget ba ako?” pagda-drama ko. “Hindi, siguro takot lang sila sa Dad mo,” sagot ni Rachelle. “I agree, anak ka ng isang Blake Roxas, sinong hindi matatakot na ligawan ka,” ani Sab. “Sabagay, baka nga… pero ang tagal ni Kuya. Gaano kaya kadami ang inilabas ni Kuya?" bulong ko at napahalukipkip. "Kayamanan na itim ang ilalabas niya!" sabi ni Rachelle at tumawa nang malakas . "Malay mo kulay green," sabi ni Sab saka tumawa. "Oo nga! Alien kasi si kuya e’, Mukha siyang aso kasi may gusto si Luffy sa kaniya," sabi ko. Naalala ko kasi, sabi niya may gusto raw sa kaniya ‘yong aso namin na shitzu na si Luffy. Nag-iisang aso namin ‘yon dahil regalo namin ni Kuya kay Charm noon. Si Charm ay bunso naming kapatid ni Kuya Zach. "May girlfriend na ba ‘yong kuya mo?" tanong ni Sab sa akin. Uy interesado sa buhay lovelife ni kuya na walang kwenta. "Wala pa, hindi siya sinagot ni Julia," sabi ko. Months na rin kasi ang lumipas mula noong binusted ni Julia si Kuya, at buong buhay ring single si kuya. Torpe rin kasi. "Gusto mo ba si Zachary?" tanong ni Rachelle kay Sab. Nagulat naman si Sab sa tanong ni Rachelle. "Hoy hindi ah! Kay Lucas lang ako, ‘no!" sabi ni Sab at inayos ang sling bag nito at pera. “Nadulas ka ata?” tanong ko. "I smell something fishy." Nagkatinginan kami ni Rachelle. "O to the M to the G!" sigaw ko. So? Si Lucas Roxas pala ang crush nitong si Sab?! Ngayon lang nya ni-reveal, huh? "Quiet lang kayo mga Beks. Sasapakin ko kayong dalawa!" pagbabanta ni Sab at pinakita ang kamao niya. Okay, takot kami sa muscles niya. Ibang klase talaga ang babaeng ‘to, napatawa na lang kami ni Rachelle sa kaniya. Sobrang sporty na akala mo tomboy pero may minamahal! Kung manamit rin kasi siya ay akala mo mas gentleman pa sa lalake, palaging nakapusod ang buhok niya. Nag-aaral siya ng teakwando at nag-ge-gym. "Pero balang araw talaga magkaka-jowa rin ako!" pagmamayabang ko. "Taba nga ng pisngi mo, tignan mo, oh!" sabi ni Rachelle at pinisil ang kaliwa kong pisngi. “Baby na baby ka pa, ayaw ka pa biyayan ng jowa.” "ARAY! Marami lang talagang pagkain sa bahay naming," sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa akin. Nagtawanan ang dalawa. Nakakainis, ha? Ayaw nila maniwala na magkaka-jowa rin ako. ‘Yong mga batang Elementary nga may mga jowa na, ako pa kayang College na? "Bawal daw magjowa ang baby,” pang-aasar ni Sabrina at pinindot ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. "Grabe kayo sa ‘kin! Ayoko na sa inyo! Chubby is the new sexy na kaya!" sabi ko at umirap. "Baby fats nga mayroon ka, baby!" sabi ni Rachelle at tumawa. "Nag-da-diet na kaya ako, kahit hindi halata," bulong ko at tumingin sa relo. Wala pa rin si kuya Zach, saan lupalop kaya napunta ‘yon? "Sige, push mo ‘yang diet-diet kuno na ‘yan, sinasabi ko sa ‘yo, mahirap ‘yan," sabi ni Sabrina at tumawa. Palibhasa kasi fit siya, si Rachelle naman natural na payat, sexy, walang tiyan. Ako naman, may katabaan ng kaunti, aaminin kong may baby fats nga ako, double chin, medyo malaki ang braso at hita. But, I love the way I am already, sometimes, hindi maiiwasan ang selos sa ka-sexy-han ng iba. "Puntahan ko na muna si Kuya Zach ah? Baka na-flash na ‘yon sa inidoro," sabi ko at tumayo. "Mag online ka ah?" Tumango lang ako sa kanila at naglakad na papunta sa loob ng Winston University. Malaki kasi ang school na ito kaya mahirap hanapin si Kuya. Isa ito sa pinakasikat na skwelahan. Naglalakad na ako ngayon sa covered court ng school nang makita ko si Kuya na naglalakad sa hallway, nakabusangot ang mukha niya. Siguro hindi siya nakatae ng maayos? Kaya nakasimangot ang loko. "KUYANG PANGET!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya, tumingin siya sa akin at binigyan ako ng iretableng tingin. "Anong nangyare sa ‘yo?" tanong ko nang tuluyan akong makalapit sa kaniya. "Badtrip," bulong niya at sinipa ang batong maliit na nasa daanan niya. "Oh? Bakit naman? Hindi ka ba nakatae nang maayos?" tumatawa kong tanong. "Hindi ako tumae! May nakita kasi akong babae kanina tapos binu-bully siya ng mga highschool student lang siguro? Ewan ko ba! Basta mga bata satin, tapos nakaupo lang ‘yong babae sa damuhan, ni-hindi nga niya pinagtanggol yung sarili niya. Nakakainis lang kasi pinagtanggol ko siya tapos--tapos hindi man lang nag-thank you? Wala siyang sinabi after ko magmagandang loob, tinakbuhan niya pa ako.” "Baka kasi hindi ka naghugas ng kamay pagkatapos mo magbanyo! Nabahuan kasi sa ‘yo," sabi ko at tumawa nang tumawa. Pero mukhang napikon si Kambal kaya tumahimik na ako. Trip ko talagang asarin si Kuya Zachary, ito an gaming bonding. Makulit rin si Kuya kagaya ko, pero mas matured ako mag-isip sa kaniya. Mas matalino lang siya academically. "Bahala ka! ‘Wag ka kakain mamayang gabi, itatago ko ulam," aniya. "Hala! Kambal, joke lang ‘yon!" sabi ko at sinundan siya. Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong duguang babae na naglalakad sa covered court. Nakasuot ito ng uniporme ng eskwelahang ito. Napalunok ako ng sarili kong laway habang nakatingin sa kaniyang sinapit. “Kawawa naman,” bulong ko. Yes, this is my secret and special talent. I see ghosts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD