Hiro's POV "Mag ready na kayo, mag bibihis na ako" Sabi ko at akmang aakyat na ng kwarto para magbihis pero bigla akong nakarinig ng malakas na sigaw Napatigil kaming lahat sa aming ginagawa "May tao" Sambit ni Bryan , sabay sabay kaming nag teleport papunta sa pinto Nagulat ako ng makita si Yvaine. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking ilong. Agad ko namang pinunasan iyon "Siya ba?" Bulong saakin ni Kuya Daniel Tumango ako habang nakatitig kay Yvaine na ngayon ay nabasa na ng ulan "YVAINE! PUMASOK KA MUNA DITO PALAKAS NA ANG ULAN" sigaw ni Bryan at inalalayan si Yvaine sa pag pasok ng bahay Napalingon naman ako sa ibang direksyon ng makita kong hinawakan ni Bryan ang kamay ni Yvaine Pero? Ano kayang ginagawa niya dito? Anong pakay niya? Paano siya naka punta dito