Best of Friends

1027 Words
"Dabby, break muna tayo. Kakapagod magsagot ng e-mails e. Sira pa ang tools natin," pag-aaya ni Aliah. "Sige friend, se-send ko lang 'tong case na ito tapos gora na tayo. Need ko rin mag-chillax," pakikay na sagot niya. "Send mo na kasi. Ang tagal ha?" kunwaring imbyerna ni Aliah. Mukhang naiinip na talaga siya. O mas madaling sabihin na gutom na talaga siya. "Nagmamadali lang? May hinahabol ka bang deadline?" Nakataas ang kilay na tanong naman nito sa kaibigan. Palibhasa kasi pagkain lang ang nasa isip niya. Iyon kasi ang nagbibigay kasiyahan sa kaibigan. "Wala naman. Gutom na ako eh. Kumukulo na ang sikmura ko. Kaya bilisan mo na riyan kung ayaw mong hilahin na kita palabas. Huwag mo nang hintayin pa na ikaw ang makain ko." Hihimas-himas ang tiyang sabi niya. Tumunog na nga ang tiyan niya matapos ang pananalitang iyon. "Oo na. Hindi halata na gutom ka na nga. Lakas ng tunog e. Halika na. Na-send ko na po, mahal na prinsesa," sabay tayo na sagot ni Dabby kay Aliah. Magkahawak pa sila ng kamay na lumabas sa production floor. Maghahanap na naman sila ng lugar na makakainan. Nagtatrabaho sa isang call center ang magkaibigang sina Dabby at Aliah. Kasalukuyan silang inasayn sa isang e-mail account sa isang sikat na BPO industry sa Makati somewhere Gil Puyat and Makati Medical Center areas. Sa umpisa madali lang ang trabaho kasi parang chat support ang role nila. Kailangan lang nilang sagutan ang mga emails na pumapasok at gagamitin ang isang template in response to the customers concern. Minsan kailangan pa nilang i-personalize ang sagot dahil kung hindi, babagsak sila sa QA o Quality na chine-check ng kanilang Quality Analyst. Bestfriend ang turingan ng dalawa sa isa't isa mula nang magkakilala sila sa call center na iyon. Magka-batch kasi noong training days nila. Pareho rin kasi silang mga single at mga hilig sa buhay lalong lalo na ang kumain sa labas. Past time na nila palagi ang pagkain, na kapag gutom ay hahanap sila ng makakainan. Pinapatulan nila kahit pa ang mga street foods. Masarap naman kasi ang mga iyon gaya ng kwek-kwek at kung anu-ano pang tusok-tusok pantawid gutom na makikita nila sa tuwing naglalakad pauwi o kung may pagkakataon. Dahil hindi naman mahigpit ang account nila, malaya silang nakakapag-break ng ilang beses. Nagagawa din nila ang mga gusto nilang magliwaliw pansamantala. Pero hindi naman ibig sabihin ay pinababayaan nila ang trabaho o hindi na sila nagtatrabaho nang matino. Kapag pagkain kasi ang usapan, pagkain lang. Kapag trabaho naman ay focus sila pareho. Walang kaibi-ibigan minsan. Sa stats o productivity at month to date na lang sila nagkakaiba. Iba-iba ang mga rankings. "Oh, sa'n na tayo kakain?" tanong ni Dabby matapos bumukas ang elevator pababang ground floor. Nag-iisip naman si Aliah kung saan na naman sila hahanap ng kakainan. "Doon tayo sa tapsilogan. Mas malapit, marami pa ang pagpipilian. Hindi ba? At saka, baka makahalata na ang bisor natin kung panay ang alis natin sa station natin," nakangiting yaya niya sa kaibigan. May point nga naman si Aliaha kasi baka isipin ng kanilang supervisor ay inaabuso na nila ang mga breaks nila. Kaya tumango naman si Dabby. Basta pagkain, go na go ito. "KFC na lang kaya tayo, para malapit." Biglang pagtutol ni Dabby at nagbago ang gusto. Akala ni Aliah ay okay na ang friend pero hindi pala. Gusto niya sa KFC. "Aba! Aba! Ngayon ka lang yata hindi pumayag na kumain sa malayo ha? Hindi naman masyadong malayo ang Tapsilogan dito ah. Mga dalawa hanggang tatlong kanto lang. Mga 10 to 15 minutes lang ang lalakarin natin." Nakapamaywang na wika ni Aliah. First time nitong marinig sa kaibigan ang tumutol. "Friend, nakakapagod maglakad. Pawisan na ako niyan pagdating doon sa Tapsilogan." Nakangusong tutol ni Dabby. Napailing na lamang ito. "Ang sabihin mo Dabiana, ayaw mo lang mabawasan ang taba riyan sa bilbil mo. Tara na!" Hinila na niya ang kaibigan. Siya ang masusunod. "Dabiana talaga? Nakakahiya ka friend. Ang boses mo dinig ng ibang tao. Baka sabihin nila masyado talaga akong mataba sa ayos ko," laylay ang balikat na sagot ni Dabby. Nahihiya nga naman siya kapag maririnig na mataba siya. Nagpatianod na lang siya sa kaibihan. "Sorry na. Na-carried away lang ako sa sinabi ko. Gutom na kasi ako eh. At saka gutom na gutom ka na kaysa sa akin. Nag-aaway na ang daga at pusa pareho sa loob ng tiyan natin. Tara na kasi!" sabay hablot sa kanang kamay ng kaibigan. Wala ng nagawa pa si Dabby nang hilahin siya ni Aliah. Tatlong kanto lang naman kasi ang layo ng tapsilogan sa kanilang opisina. Para kay Dabby ay malayo na iyon. Hindi naman sa ayaw niya pumayat ng konti pero nakakapagod lang talaga ang maglalakad. Hindi naman siya sobrang mataba. Hindi rin katamtaman para sa kaniya. Seksi pa rin siya kung maituturing dahil litaw pa rin naman ang kanyang angking kagandahan. 'Yon nga lang mas litaw ang alindog ng kanyang kaibigang si Aliah. Mas seksi rin ito sa kanya. Pero kahit kailan ay hindi siya ikinokompara ni Aliah. Pantay ang tingin ni Aliah kay Dabby. Walang seksi, at walang maganda sa paningin nito. Pantay sila. Isang kanto na lang ang lalagpasan nila bago marating ang tapsilogan ng biglang may mabangga si Dabby. "Ay, pogi, sorry. Hindi ko sinasadya. Ako nga pala si Dabby. Kasalanan kasi ito ng nagmamadali kong bestfriend na si Aliah. Aliah name niya. Ikaw, anong name mo," walang prenong pagpapakilalang kinikilig na sabi ni Dabby. "I'm Jayrus," tipid na sagot ng lalaki. "Sorry din ha? Nagmamadali lang kasi kami eh. Nice meeting you Jayrus," sabay hilang sagot ni Aliah kay Dabby. "Bye, pogi. See you next time," kumakaway-kaway pang paalam ni Dabby sa lalaki. Hindi na nakapagpaalam ang lalaki sa dalawa. Sinundan na lamang niya ng tingin ang patawid sa kalsadang mga babae. Napatawa't napailing na lang ito at agad na dumeretso sa kaniyang trabaho - sa call center. "Mukhang nakuha yata ng Aliah na 'yon ang atensyon ko. Sana magkita kami ulit," bulong sa sariling wika ni Jayrus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD