The News

1030 Words
"Grabe ka friend. Andami mo namang in-order? Kasya ba 'yan sa tiyan mo? Baka masira ang pigura mo sa mga fats," gulat na tanong ni Dabby sa kaibigan habang pinagmamasdan isa-isa ang inilalapag ng serbidor na pagkain sa kanilang mesa. "Pwede ba, minsan lang ito, Dabiana. Kulang pa nga ito sa'yo eh. Ha-ha," nang-iinis na sagot ni Aliah. Halatang gulat ito sa mga pagkaing nasa harapan nila. "Friend, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayaw na ayaw kong tinatawag mo ako sa real name ko? Nagmumukha na akong baboy kapag tinatawag mo akong Dabiana." Naka-cross arm na ito at galit-galitang sa harapan ng matalik na kaibigan. "Baboy? Ooppsss! Ikaw nagsabi niyan ha? Ha-ha. Kumain na tayo. Ala una na ng umaga. Marami pa tayong cases na sasagutan. 'Wag ka na magreklamo okay?" Pag-aalo ni Aliah kay Dabby. Pinanlilisikan pa rin siya nito. Hindi na nagsalita pa si Dabby. Napagod na rin kasi siya sa kadadaldal at gutom na gutom na rin siya. Tocilog, chiksilog, at tapsilog ang in-order ng kaibigan kaya wala siyang choice kundi ang lantakan na ang mga ito. Halos hindi makalakad ang dalawa pabalik sa kanilang opisina matapos ubusin ang pagkaing sarap na sarap na kinain nila. Tinawanan na lamang nila ang nangyaring kabusugan kanina habang naglalakad pabalik sa opisina. Pagka-akyat sa 5th floor ay dumeretso muna sila sa rest room para magretouch at after magretouch ay balik work mode na sila. Isa-isa nilang sinagutan ang mga e-mails na inilagay ng supervisor sa kanilang mga work basket. Pokus na muli sila ss pagsagot sa mga ito. Pansamantala nilang kinalimutan ang pagiging magkaibigan nila. Alas siyete na ng umaga nang pinatawag ang lahat ng graveyard e-mail agents para sa isang pagpupulong mula sa kanilang supervisor. "Friend, bakit biglaan yata ang meeting?" Bulong ni Dabby kay Aliah. Nagkibit-balikat na lang ito. Pareho lang naman silang walang alam "Hindi ko alam. Hindi ba magkasama tayong dalawa? Ako talaga ang tinanong mo. Baka iaannounce na may adjustment." Palihim na lamang itong ngumiti sa kaibigan. "Wish lang natin," mahinang tugon naman nito. Sana nga ay may adjustment kasi may mga araw na kaunti na lang ang mga cases na nagagawa nila at ang pagkakaroon ng adjustments ay malaking tulong na rin upang umangat ang kanilang mga stats. "Pinatawag ko kayong lahat dahil sa isang malagim na balita." Kinilabutan bigla ang lahat sa pagsisimula ni Ms. Brigit. Kaniya-kaniyang tanong ng mga agents sa katabi. "Malagim ang balita dahil isang ahente ng RR Incorporated industry ang natagpuang patay at hinalay pa na palutang-lutang sa creek side ng Chino Roces area kaninang madaling araw," pagsisimula niya. Nagkatinginan agad ang magkaibigan nang marinig ang lugar kung saan nangyari ang krimen. "Ma'am, anong oras po nangyari?" nakataas ang kamay na tanong ni Dabby. Nagbabakasakali itong iba ang maisasagot ng supervisor sa kaniyang naiisip. "Between 12 in the morning at 1 in the morning Ms. Dabby," sagot naman ni Ms. Brigit. "Thank you po," nakapagtatakang sagot ni Dabby. Mabuti na lang at iba sa iniisip niya kanina. Pero malapit lang din naman kasi ang lugar sa kung saan sila kumain. "Kaya ko kayo ipinatawag dahil ang biktima ay isa sa ahente ng kompanyang ito. Mayroon tayong food and catering services sa 3rd at 5th floor para hindi na kayo lumabas dis-oras ng gabi. Kaya, please lang, kung bibili kayo, dapat malapit lang sa office natin. Huwag sa malayo lalo na at madaling araw ang mga breaks ninyo Ayokong isa sa inyo rito ang matulad sa babaeng iyon. Hope you all understand what I am trying to cascade. That's all for now. Meeting is adjourned," pagtatapos ni Ms. Brigit. She just wanted to warn her agents. Pagkatapos ng pagpupulong ay kaniya-kaniya na ng bulong-bulungan ang mga ahente. May mga hindi maipinta ang mukha. May iba namang hindi nasindak sa balita. Pero para sa dalawang magkaibigang Dabby at Aliah ay isang napakalaking tanong iyon. Tanong kung bakit nangyari at kung sino ang may gawa. "Aliah, hindi ka ba nagtataka?" mahinang bulong ni Dabby sa kaibigan. Inilapit na lang nila ang mga tainga at mukha habang nagbubulong-bulungan. "Ang alin?" hindi nagpahalatang sagot ni Aliah. Part of her mind is fear and the other one is just forgetting it. "Ang weird hindi ba? The incident happen sometime before or after tayo kumain sa tapsilogan. At malapit lang ang Chino Roces area sa kinainan natin. Eeee!" Nangingilabot na wika ni Dabby. Kunwaring tumatayo mga balahibo niya sa mga braso. "Oo nga eh. Pansin ko rin. Kani-kanina lang nangyari tapos natagpuan agad ang bangkay? Siguro naroroon pa rin ang mga pulis para mag-imbestiga. Mamaya o hindi kaya bukas sa mga diyaryo, telebisyon, at radyo malalaman natin ang buong laman ng balita," nagtataka ring sagot ni Aliah habang nakatingin sa kaniyang computer monitor. Hindi siya makapag-focus kaya hindi niya muna sinagutan ang isang email. "8 in the morning shift, logged out!" sigaw ng isa nilang kasamahan. Hindi na nila namalayan pareho na out na nila sa work. Bumalik na lang sa puwesto niya si Dabby para i-log-out ang kaniyang station at binalikan si Aliah. Sabay silang lumabas ng opisina at nag-abang ng masasakyan sa tropical. Going Guadalupe si Dabby samantalang si Aliah ay going Cavite ang route pauwi. Naunang nakasakay ng bus si Dabby at nagpaalam na ito sa kaibigan. Agad na ring sumakay si Aliah sa bus na papuntang Cavite na kararating lang at nagpapababa ng mga pasahero. Nang lahat ay makababa, umakyat na rin siya sa bus. At dahil wala pang masyadong tao sa loob ay palinga-linga muna siya upang makahanap ng magandang puwesto. Sa gitna siya umupo sa window area. Ayaw niya kasing maistorbo kaya pinili niya ang window seat. Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman na ni Aliah na paalis na ang bus. Isinaksak na niya sa kaniyang dalawang tainga ang headset ng kaniyang cellphone at isinuot ang shades panlaban sa sikat ng araw mayamaya. Ang hindi niya alam ay may isang lalaki palang kanina pa siya pinagmamasdan na nakaupo sa dulo at hulihan ng bus pagkapasok na pagkapasok niya sa bus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD