Aliah's POV Kanina pa ako ring nang ring ang cellphone ni Dabby pero hindi naman ito sumasagot. The number you have dialed is out of coverage area. Ano ba naman yan. Nasaan na si Dabby? Bakit laging out of coverage area ang phone niya? Kasasabi ko lang sa kaniya kahapon pa na tawagan niya ako pagkauwi na pagkauwi niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag. Naghintay ako buong gabi na halos nakalimutan ko na ang pagtulog pero walang Dabiana na nagbalik ng calls ko. Hindi ko pa siya makontak. Nakatulog ba ito kagabi o may masamang nangyari sa kaniya. Knowing her, hindi iyon basta-basta natutulog kung hindi siya pagod. Kinakabahan na talaga ako. Katatawag ko lang sa kaniya kahapon habang nasa bus siya pero bakit hindi siya sumasagot. Arghh. Nakakainis. Napapasabunot pa ako