RAINE’s POV Nang magising ako kinabukasan ay sobrang taas ng lagnat ko. Nakita ko si Tristan na naglalakad nang pabalik-balik at may kausap sa telepono. "s**t! Bakit ayaw mag-stop ng bleeding niya at mataas ang lagnat niya? Ano?! Pumunta ka na rito or else kakaladkarin kita papunta dito sa bahay ko!" Saglit siyang nakinig. "No! Sa akin ka matakot! Ano?! 15 minutes?! Make it 5!" Pinatay niya ang tawag at tumingin sa akin. "Baby," mahina niyang tawag sa akin habang naglalakad papalapit. Umiwas ako sa tingin niya. "I'm so, sorry, Raine. Wala ako sa isip ko nung may mangyari sa amin ni Erica." Umismid ako. "Galit ako dahil umalis ka na lang basta. Nangako kang mag-uusap tayo para magkaliwanagan pero paggising ko wala ka na. Raine, ayokong masira tayo. Ayokong masira ang pagkakak