Maingat kong inilagay sa estante ang kinalalagyan ng dila ni Niko. Ilang segundo ko pa muna rin iyon tinitigan bago ko naisipang ilagay na sa lalagyan. Nasisiyahang pinagmasdan ko ang magkatabing garapon; ang kamay ni Roberto at ang dila nga ni Niko. Dalawa na sila! Nakangiting dumiretso ako ng pinto at pinatay ang ilaw. Kampante akong madaragdagan pa ang mga ito sa darating na mga araw. Makalipas ang dalawang taon... Pilit na kinakalma ko ang sariling huwag saktan ang lalaking kinukuhaan ko ng BP. Kanina pa kasi niya ako pinipilit na ibigay ang cellphone number ko. At kanina pa rin ako nagtitimpi sa lalaking ito mula pa ng tinitimbang ko siya. Bukod kasi sa may amoy ang katawan niyang kailangan na atang humiga habang-buhay, kaamoy rin ng patay na daga ang kaniyang hininga. Take note, m