Sa aking taranta, hindi na ako nag isip pa sa aking suot. I immediately go where William is. Nasa kalsada, basang basa sa ulan.
Dala ang payong, nasa likuran ko si Jaz at Henz, ginising ko si William.
He immediately looked at me from head to foot. Nakakunot ang noo at halatang nanlalamig na dahil sa ihip ng hangin at subrang lakas ng ulan.
" Bakit ganyan ....ganyan ang...suot mo?", nahihirapan niyang sabi, galit at walang lakas para hilahin ako. I wearing a thin red lace shorts and lace slip night dress. Sa lahat ng pwede niyang sabihin, pinuna niya pa ang suot ko.
" Saan ba ang phone mo?. Tatawagan ko ang kapatid mo. Ang init init mo . Bakit ka ba hndi umuwi muna?.. Pwedy ka namng bumalik kapag maganda na ang panahon. Hindi itong, nagpapakamatay ka dito para lang sumama ako sa yo, ", galit ko pang sabi habang nag scroll na sa mga contacts niya.
" Get...Get inside ..Kate Jasmin... I am telling you.. if someone sees you like this... I am gonna kill someone..", kahit nahihirapan, sinigawan niya pa rin ako.
This possessive beast....
" Huwag kang mag alala, ikalma mo ang sarili mo, walang taong dumaan dito dahil exclusive to para lang sa amin. Nagtaka nga kami bakit hinayaan kang pumasok.", sabi pa ni Henz na may tinatawag na rin.
" The ambulance will come now in any minutes.Let's go Kate. Hayaan na natin siya dyan", dugtong niya pa
Hindi ko sila pinakinggan. I saw the name Mela on the register call on his phone. William is so damn hot. Nanginginig na itong nakayakap sa akin. Nababasa na rin ako at alam kong nakikita na ang katawan ko dahil sa manipis kong sout.
" See?. I make you wet from me Kate. Pumasok ....pumasok ka na. I'll be fine here.", tinulak niya ako ng bahagya. Kahit hirap na hirap, he try to stand. Pero hindi talaga kaya.
" Isuot mo Kate, baka ikaw pa ang magkasakit niyan. Ang tagal ng ambulance mo Henz. Baka mamatay yan dito sa harap natin.", si Jaz na ibinigay sa akin ang aking robe.
" Better. Thanks.", si William ang nagsabi nang tingnan akong nakabalot na at nakangiti pang nakatingin kay Jaz.
" Sino tong Mela?", nakakunot kong sabi. This is his private phone. Maliban sa akin, May tinawagan siyang babae.
Halos hindi ko mapigilan ang pag usbong ng galit sa mukha ko.
" William, may gana kang magalit sa akin na may kausap akong lalaki kagabi tapos may kausap ka....", galit kong sabi sa kanya. Naputol ito ng halikan niya ako sa labi. Nakita yun nina Henz and Jaz kaya mas lalong lumukot ang mukha ko.
"Don't get jealous, That's my sister. ", .nang sabihin niya yun, para akong natanga at hindi makapaniwalang nasasabi niya ito in front of my friends.
" Isa papala itong possessive din.", .. si Jaz yun.
Tiningnan ko kaagad siya sa galit na paraan. I saw how she raised her two eyebrows at sinenyasan akong kumalma.
Maya maya rin ay narinig ko ang tunog ng ambulance.
" Pumasok na tayo!", seryosong sabi ni Henz na hinila pa ako para maghiwalay kay William.
" Kate, come with me.", malumanay niyang sabi, nakahawak sa aking pulsuhan.
" I texted your Sister about you. Tatawagan ka non.", sabi ko at agad na pumasok sa bahay. Nasa gilid ako ng pinto habang nakatanaw sa labas.
Dumating ang ambulance at agad na isinikaso si William. Inilagay sa isang bed at doon pinasok.
Hindi ko alam kong saang ospital siya pupunta.
" Kate..", si Henz na nakahawak na sa balikat ko. Nakangiti ko siyang tiningnan
" Okay lang ako Henz. Okay lang ako.", sabi ko at agad na pumasok sa aking kwarto para doon magpahinga.
...................
" Mag ingat ka doon.Contact us. and extend my regards to tita and tito.", si Henz na nakahawak na sa kamay ko. It's been two days after the incident. Hindi ko alam kung anong nangyari kay William. Para maging kalmado ako at maka move forward ng tuluyan, I went to my hometown. Alam nila Nanay at ng ama ama na uuwi ako.
" Five days lang ako doon just to unwind. Hehehe.", nasabi ko.
Niyakap ko kaagad sila isa isa. I saw the message of my phone. Another money transfer from william.
26th day nga pala ngayon ng buwan. Sa ganitong araw palagi nagbibigay sa akin si William.
Napabuntong hininga ako at agad na nagpaalam sa mga kaibigan ko.
Excited akong makauwi. Ilang taon din akong hindi nakakauwi dahil sa mga nangyari.
I am planning to explore there. Babalikan ko ang mga lugar na baka nakalimutan ko ng puntahan.
Palawan is the place where the great beaches found.
I am proud that I am leaving near to that beaches.
Almost an hour din ang byahe ng makarating ako.
Tanaw ang malaking banner na hawak ng mga kapatid ko, naiiyak akong nilapitan kaagd sila.
" Manang Kate...", sigaw pa sa isa sa close kong kapatid.
" Manang!.. ang ganda ganda mo na. Para kang Koreana na nakikita ko sa TV.", Si Hazel na pang anim sa amin.
Graveh, ang lalaki na nilang lahat. May mga dala dala pang mga sanggol ang iba at masayang masaya.
" Kailan kapa nag asawa Kenneth?.", nakakunot kong sabi ng makita ang asawa niyang nasa gilid.
Siya ang magiging pulis namin soon. Hindi pa ito nakapagtapos, at may dala ng anak?.
" Ate, ..", nag aalalangan niyang sabi.
" Kate anak, ..Umuwi na muna tayo..Pag usapan natin yan sa bahay. Naghanda kami na maliit na salo salo sa bahay. ",si Nanay na pinipigilan na ako.
Kahit labag sa loob ko ang sinabi ni Nanay, ay agad akong tumango..
" Anak.. Akin na yang mga gamit mo.", nakangiting sabi sa akin ng ama ama ko.
" Cgeh Po. Salamat.", kalmado kong sabi.
Kita ko ang malaking sasakyan. Ito yung pinabili sa akin ni Nanay three years ago. Service daw ng Ama ama ko. Makintab, parang bagong bago pang tingnan.
Nakangiti akong tiningnan silang lahat.
Hindi pala sayang ang lahat ng pinaghirapan ko. May napupuntahan pala talaga ang lahat.
Ang bango sa loob, ang linis at my TV pa sa loob.
" Ang ganda nito Hah.", nasabi ko. Katabi ko si Hazel, habang nasa likuran naman ang iba. Si nanay syempre nasa harap
" Oo anak. Service ito ng Ama ama mo sa negosyo ko. Iyong sinasabi ko sayo na may mga delivery kami ng mga pangpaganda. Nag invest ako doon at isa na akong ng produkto. ", nakangiting sabi sa akin ni Nanay.
Sa kanya akong mas natutong magnegosyo aside sa pangarap ko talaga. I saw my mother working so hard just to give us a food to eat sa hapag.
" Pasalamat ako at matapos ang tatay mo, itong Ama ama mo naman ang minahal ko. Magaling din ito.eh.",
" Ano ka ba mahal, nakakahiya sa panganay mo, mas magaling.yan sa atin no", . natatawa nitong sabi.
Hindi ko napigilan ang maging emotional. Sa halos na isang dekada ko sa pagtatrabaho sa L'CASA, may napupuntahan palang maganda ang pagsasakripisyo ko.
Ito yun. Magkaroon ng masayang pamilya.
........
Makalipas rin ng ilang oras na byahe, nakarating rin kami. Halos manlaki ako sa bahay namin.
Hindi ko lubos maisip na may mansyon na pala kaming bahay. Maraming mga bulaklak, may pool at halatang may tagalinis dahil sa sobrang ganda ng paligid.
May malaking grocery at isang shop sa gilid at may nakaparadang mga service truck rin.
Tiningnan ko kaagad sila isa isa.
" Dito kayo nakatira lahat di ba?.", nasabi ko habang manghang mangha paring pumapasok na.
" Oo naman ate, nandyan pa si Manang Letty nakatira rin. ", nakangiting sabi sa akin ni Rose.
Si Manang Letty ang isa sa tiyahin naming matagal na naming kasama.
" Ang laki ng bahay natin Nay."..Nasabi ko pa ng makapasok sa loob.
" Oo naman anak. Malaki ang pinapadala mo sa amin. Kaya naibili ko ng Bahay at lupa dito. Tapos, malaki rin ang kita namin sa negosyo kaya nakaya ring mas palakihin pa. ",
Nang sabihin yun ni Nanay ay agad ko siyang niyakap.
" Humihingi man ako palagi anak, ginagamit ko talaga ito sa maayos para hindi ka maghinayang na tulungan kami ng mga kapatid mo. ", naiiyak nitong sabi.
Nakita ko kung paano naging emotional narin ang mga kapatid ko.
I even saw Leni habang naka uniporme pa ng pang nurse nang pumasok ito sa bahay.
Ang dami dami namin kaya masayang masaya ang puso ko dahil buo kaming pamilya..
Kumain pa muna kami at masaya silang nagkukuwentuhan sa mga nangyayari sa bahay.
May mga nagsumbong about sa kanilang mga grades, mga ginagawa sa bahay and even talk about sa pangungupit ng ibang kapatid ko.
" Talaga nga namang ikaw pa na isang naging militar ang numero unong nangungupit hah!, Leno.", natatawa kong sabi.
" Magtigil kayo hah, High school pa ako non, at tsaka sa dami natin, nakakalimutan na akong budgetan ni Nanay ng baon", depensa niya sa sarili.
" Pero sino naman itong Nag iiyak dahil hindi binilhan ni Manang Kate ng Ipad kuno. Elementarya pa , ambisyosa na." nang aasar na sabi ni Kenneth sa kapatid naming pang tatlong si Mae Ann na ngayon ay isa nang magaling na modelo at artista.
See?. successful na sila sa mga kani kanilang mga pangarap sa buhay.
" Haller, nakakaya ko na ngayon yan without any help from all of you. Manang Told me to work hard oara makabili ako. And I did. Di ba manang? You are proud of me.", Tumango kaagad ako at siyang tinapik sa balikat.
" Pero hindi ko nagugustuhan ang nakapanty at bra mong Magazine. Hindi ka respetuhin ng magiging asawa mo na yan.", seryoso kong sabi sa kanya na.ngayon ay nakangising aso na.
" Hehehe. Napagalitan nga ako. Kaya last na yun.", kumunot ang noo ko.
" May boyfriend ka na?. Ang bibilis niyo naman. Pag asawahin niyo na muna ako bago kayo.", nakangiwi kong sabi. Kay bilis nakapaghanap ng mga boyfriend ang mga ito, hindi naisip na dapat ako ang nauuna,
" Ang bagal ni Manong William hah. Sabi non, this year daw.", napatingin kaagad ako sa sinabi niya.
" Napunta dito si William? Kilala niyo? Paano?", tiningnan ko kaagad sila isa isa hanggang mapatingin kaagad ako kay Nanay.
" Palagi yun anak, pinagsisilbihan kami palagi non.Sabi, busy ka daw masyado at hindi na nakakaya pang sumama. ", si Nanay na nagtataka sa akin. " Hindi mo pala alam dahil secret lang dapat.", dugtong niya pa na halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng puso ko.
" Ang bait bait ni Manong, gwapo ..mayaman, perfect na perfect para sayo Manang. ", dugtong pang hirit ng bunsong kapatid namin.
Hindi ako makaimik. Hindi ko alam na nag eefort ng maigi si William para kilalanin ang pamilya ko.
Nag usap pa muna kami ng iba pa habang kumakain pa. Panay pa rin ang pagdadaldalan nila habang nakatingin na ako sa mga messages na galing kay William. May mga missed calls paroon na hindi ko masagot sagot sa nakaraang araw.
Kumusta na kaya siya ?.
Kahit itanggi ko sa sarili, namimiss ko siyang umaaligid sa akin. Pero mas rumerehistro parin palagi sa akin ang mga bagay na hindi ko magawang kalimutan. Lalong lalo na ang pananakit niya sa akin sa walang katuturang bagay.
.............NEXT......