Ito yung hinahangad ko, ang magkaroon ng bagong buhay kasama ang mahal ko.
Nakawala narin ako sa L'CASA, Financially stable at higit sa lahat, hindi ko na kailangan pang sumayaw sa harap ng mga lalaki, lumasap ng kanila para lang magkapera. Though it was really helped me, let me finish my degree, may mga kapatid akong nakapagtapos at may sariling bahay at lupa ang mga magulang ko,may enough savings, negosyo at masaya kahit nakakawala ng dignidad ang naranasan ko sa L'CASA.
" Morning Baby!", ..
Napangiti kaagad ako ng makita ang lalaking nagpabago ng buhay ko, suot ang pinili kong damit para sa kanya, nakangiti itong pinagmamasdan ako habang may dala ng supplement para sa akin.
"You're okay?", dugtong niya pa kaya tumango kaagad ako. Kinamumuhian ko noon, magiging ama na ng dinadala ko ngayon.
" You look stress again, Kate.... Baby..Bawal sayo ang masyadong stress". Nag aalala niyang sabi. Sa nakaraang araw ko pa nalaman na nagdadalang tao ako. At first, nakakatakot dahil ito ang pangalawang beses na magkakaroon ako ng baby. Am I ready to have this child ? Marami akong what if. Pero hindi ko inaasahan that William will let me understand ,that having this baby in our lives is our best blessings and reward for our hardship. Na hindi dapat ako nabubuhay sa nakaraan namin. We've learned and we correct that mistakes.
" You're thinking too much again. ",dugtong niya pa. Napailing ako at agad na ngumiti ng kaunti.
" Naalala ko lang , Henz and lea are still in L'CASA, Jaz is still nowhere, nagtatago at malaki ang problema. Hindi ko pa din nasasabi sa kanila na huminto na ako, na hindi na ako parte ng L'CASA., Magiging asawa mo at ina na ako ng magiging anak natin."
Napangiti kaagad siya sa sinabi ko. Nakahawak na sa aking tiyan habang hinihimas na ako.
" Find a right timing for everything. Ibibigay yun sayo. Just don't over think , Okay?". tumango kaagad ako. Tama si william. I will find the right timing for everything. Nasabi ko nga ang lahat sa pamilya at natanggap nila kalaunan. Hindi malayong, matatanggap rin at magiging masaya rin ang mga kaibigan ko sa pinili ko na ngayon na buhay.
" Mr. Sandrejas, Saan na yan napupunta ang kamay mo?', natatawa kung sabi. Ramdam ko kasi ang bawat haplos niya sa aking hita. Lumusot sa paborito kong shirt niya.
" Magiging Mrs. Sandrejas kana sa susunod na buwan. So stop addressing me that. ", natawa kaagad ako ng agad siyang sumimangot.
" Pang ilang beses mo na yang sinasali sa usapan Hah! , William. Hindi pa ako nakaharap sa altar. Wala pag I do. " I teased him at agad naman siyang umiling iling sa akin.
"Minamadali ko na nga. Para hindi mo na ako inaasar ng ganyan. ", niyakap niya kaagad ako at agad akong hinalikan sa gilid ng leeg ko. His breath was hot. His kisses are soft, kaya hindi ko mapigilan ang sariling mapaungol ng kaunti. We are here in the sala, waiting for the breakfast to be serve.
" I am just happy, that finally, you're in my arms. Sa tagal kong hinintay ang sandaling ito, araw araw akong may celebration dahil sa decision na patawarin ako at piliin mo ako, Kate. I love you so much.", emotional niyang sabi.
Kung gaano siya ka lagim at walang puso noon, ganito pala siya kung magmahal ng wagas ngayon.
" Williammmmmm..Ayos na ba ang breakfast natin?", napatingin kaagad kami ng makitang papasok si Ate Mela. Bagong gising ito at mukhang nagmamadali nanaman.
" Ohhh, Buntis, mag ayos kayo, pupunta dito ang anak ko.", nakangisi nitong sabi. Nagkatinginan kaagad kami.
" Si Renz ba ate? Kumusta pala kagabi?", . nagtaka kaagad ako. Ito ba ang sinasabi ni Ate Mela na anak niyang inilayo sa kanya ng mga Sandoval. Tagapagmana ng isang malaking corporation , iyong pamilya ng yumaong asawa niya ?
" Ayon, may babae pala. At alam niyo ba, mahal na mahal ng anak ko. Sobra pang ganda." natatawa niyang sabi. nagulat kaagad kami. Hindi ko pa yun namemeet, pero sa pagka intindi ko sa bawat kwento sa akin ni Ate Mela, isa yung basagulero at masakit sa ulo.Ang nakakabilib lang, sa murang edad, nagawa niyang makapag tayo ng sariling kompanya na ngayon ay malaking malaki na. Kasing laki ng kompanya ng Daddy nito.
" So ibig sabihin niyan Ate Mela, he will inherit everything kapag makasal silang dalawa?. ", kita ko ang pagngisi ni William ng walang pag aalinlangan tumango si Ate Mela.
" Oo naman. Deserve nang anak ko ang lahat since graveh ang pinagdaanan niya sa kamay ng mga matapobreng Sandoval na yun. ",
" Sandoval ka rin Ate, baka nakakalimutan mo.", kumunot ang noo ni Ate Mela kaya natatawa na akong pagmasdan na naman sila.
" Iba ang asawa ko. Masipag yun, matalino at mabait. Namumukod tangi yun. Hinding hindi ko makakalimutan kong paano nila pinatay ang asawa ko. Kaya pag dudusahan nila ang ginawa nilang pagkasira ng pamilya kong iniingatan kong mabuti. ", galit nitong sabi.
Hindi man kasing yaman ng dating asawa ni Ate Mela ang pamilyang Sandrejas, malaki pa rin ang kompanyang pinamamahalaan nila.
They were the no.1 shipment worldwide, kaya namumukod tangi rin itong magkapatid sa larangan ng negosyo,
Malaki na rin ang negosyo kong Hotel. And I am planning to pursue another business which is a toy store. Suportado ako ni William He believe at me as usual at parating approve ang lahat ng proposal ko sa kanya.
Napatingin nanaman ako kay Ate Mela na ngayon ay seryoso na sa pag lalagay ng iba't ibang pagkain. Tinutulungan ang kasambahay nila.
Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang nangyari sa asawa ni Ate Mela. Ang alam ko lang, nanatili ang anak niya dahil kagustuhan iyon ng asawa niya. At mapapa sa kanya ang lahat lahat kapag naging engineer ang anak niya na pangarap ng asawa nito, at magkaroon ng minamahal na asawa kagaya niya.
" Kate Ija, Okay lang ba kung sasamahan mo kami bago ka pumunta sa hotel mo?",
Napatingin kaagad ako at agad na tumango." Oo naman, I can manage through online Ate. I can stay here for how long ba sila mag stay?",
" May mga pasok pa yun bukas, kaya uuwi parin siguro. Inaya ko na para mas makilala pa ang babae ng anak ko. Nakalimutan ko nga ang pangalan eh ",
" Baby, pwede kang mag stay nalang. We can go shop later if mabored ka sa pamangkin ko na yun. I can be with you. " ngumiti kaagad ako.
" Cgeh. Marami akong bibilhin at kailangan ko ang may kasamang taga bitbit. ", nakangisi kong sabi sabay pisil ko sa kanyang pisngi.
.....................
Almost half an hour din kami naghintay nang marinig ang busina ng sasakyan.
We are here in our room, I wear a normal dress at nag ayos na din si William.
Natawa pa ako ng pilit niyang sinasabi na mamasyal na lang kami. He really love to spoil me like his my sugar daddy. hahahahaha.
" Sugar Daddy, kailangan nating e.welcome ang pamangkin mo. ", natatawa ako pang sabi sa kanya habang inaasar ko na siya. Kita ko ang pag simangot niya kaagad. Our gap is only six years. I am twenty four at thirty naman siya.
" Stop that. Hindi nakakatuwa.",nakasimangot niyang sabi. inalalayan niya ako habang papunta na kami sa dining. They are already there, seating comfortably.
Kita ko ang pamilyar babae. Likod palang alam ko na kung sino ito.
" Henz.", nagugulat kong sabi ng makarating kami sa dining. Napatingin pa sa akin si William at agad ring nagulat sa aking sinabi.
Napatingin kaagad sila Ate Mella, yung lalaki at si Henz na ngayon ay malaki na ang mata. Napatingin pa muna ito nang paulit ulit sa aming dalawa ni William bago ito napatingin ng husto kay William. Kita ko kung paano rumihestro ang galit sa kanyang mukha. On how she stand at nakakunot na ang noo habang nakikitang nakadikit sa akin si William.
" Walang hiya ka. Hindi ka talaga nakuntento sa pagpapahirap sa kaibigan ko, dinala mo pa talaga dito sa bahay mo.. Para ano?.. Buntisin nanaman?, pahirapan?.. ", nanlaki kaagad ang mata ko ng makitang nakadapa na si William. Sinuntok siya , as usual ni Henz. She knows on how I got suffered from the hands of William. Kung paano niya ako nagawang saktan ng husto noon. Henz was there, but not right now.Her expression was still the same, mad and furious kung bakit kasama ko si william ngayon. She probably think that william kidnapped me again.
HIndi ko din pa pala nasabi sa kanila that I forgave him, that despite of what happen, pinili ko parin siyang mahalin. Na binigyan ko siya ng pagkakataon na magiging ama ng anak namin. Na pareho kaming biktima ng miscommunication at pagkakataon.
"Lumayo ka dyan KAte. Kaya ko yang patumbahin katulad noon. Halika dito. ", galit na hgalit nitong sabi.
Hindi ko mapigilan ang maiyak, the moment she mention again our first baby, nalaglag dahil na rin kagagawan ko rin, na hindi ako nag iingat,kung paano pinagbuhatan ako ng kamay ni William ,nong paano niya ginawa ng miserable ang buhay ko dahil lang sa nalaman niyang nagtatrabaho ako sa L'CASA. Akala ko okay na ako, na naka move on na ako. hindi pa pala.
" Shit... Baby... Ate Mela,. call the doctor... ", naririnig ko ang natataranta na boses ni William. He is trembled again the same before.Kung paano niya ako binuhat noon, ganoon din ngayon hanggang sa hindi ko na alam kung ano pa ang nangyari. All I think right now is what happen last five years ago. During my last school year of college. Where Me and william meet in a broad daylight..
................NEXT...............