Ilang araw rin ng hindi ako pumasok sa L'CASA. Iniiwasan ang nangyari at ang gustong mangyari sa akin ni Miss Jean. Pinagpipilitan sa akin ang kontrata na maghahatid sa akin kay Prince. Okay sana kung hindi ko kilala, at least makakapagtrabaho ako ng maayos, kaso hindi eh.. Naiimagine ko na kung ano ang magiging reaksyon niya kapag makilala niya ako. Siguradong ikakahihiya niya ako at pagtatawanan dahil sa isang mababa ang lipad na babae.
" Kumusta Jaz?". Si Kate na busy sa kanyang negosyo. Iba rin talaga itong kaibigan ko na ito, kahit hindi na magtrabaho sa L'CASA, mabubuhay ang pamilya niya. Naka corporate attire na at papasok na sa opisina niya.
"Ito Kulilat na sa trabaho, ..hehehe... Walang client ehh.", . nagulat kaagad siya sa sinabi ko. Dahilan ko yan palagi sa kanila kung bakit ako madalas nasa bahay lang.
" Imposible.", kaagad siyang tumabi sa akin. " Siguro may boyfriend ka na,kaya ka umiiwas sa trabaho. Malaki na ba ang ipon mo?", seryoso niya pang sabi sa akin. Sana nga ganoon lang kadaling mag ipon kung may pinaggagastusan kang libo libo taga araw, hinding hindi yun madali.
"Ano?... Ilang milyon na ba?.. ", nakangisi niya pang sabi sa akin. Tumalikod kaagad ako at agad na binuksan ang tv para manood.
"Hoy,... Jennifer Asher, Ano?... nag seseckreto ka na?.. KAya pakampakampante ka na diyan?"
Natawa kaagad ako ng banggitin niya pa ang buong pangalan ko.
"Ahhh.. May boyfriend ka talaga noh?.. Ano mayaman ba?.Kaya ka ng buhayin pati sina Tita at Tito?.. ANo?.."
Naisip kaagad si Prince. "Wala no. Paanong magkakaboyfriend eh, hindi naman ako gusto ng gusto ko. Tapos manyak pala yun. Kaya nakakaturn off na din.", Napabuntong hininga kaagad siya at agad ring tumayo para pumasok na.
" Talaga lang huh?... Kapag ikaw naglihim sa amin Jaz, Makikita mo, hindi kayo magkakatuluyan ng lalaki mo.. Cgeh ka.. Sabi pa niya bago pa makapunta sa pinto an.
" Parang tanga.. Wala nga.. Huwag ka ring mag alala, dahil kapag may lalaki man ako, ipapagisa ko sa inyo.", Confident ko pang sabi sa kaniya para manahimik na.
" Recorded na yan sa utak ko.. geh na.. May klase ka di ba?",
" Mayroon. Mamaya pang hapon. Bye bye!", Nakangiti ko ng sabi sa kanya at agad naman siyang tumango , nagpaalam narin sa akin.
Mag aalas onse pa ng umaga kaya may time pa akong maghanda ng tanghalian.
Agad akong naghanda. Since pumasok na silang lahat, ako nalang mag isa, Sunubukan kong magluto ng Adobo na manok.
Babaunin ko ito ang matitira hanggang mamayang gabi kasi may practicum din kami sa hospital.
Nagluto lang ako, kumain at naligo na para maghanda at pagpasok.
Gamit ang bag kong LV galing Paris, inayos ko ang aking puting uniform at nakangiti ng nakaharap sa salamin.
Kinuha ko ang baon ko at inilagay lahat sa bag ko.
" Ang linis linis mo tingnan Jaz.", sabi ko pa sa sarili.
Agad kong inalis ang masasamang bagay na nasa aking isipan at sinikap na maging maayos ang araw ko sa skwelahan. Though may possibility talaga na magkikita kami ni Prince... Sana naman hindi na. Ayaw ko siyang makita, ayaw ko siyang makausap.
. Gamit ang pulang sasakyan, pumasok kaagad ako at agad na nagdrive.
I even open my favorite playlist at agad na kinalma ang kumakalabog kong puso.
Nagmamasid pa muna ako bago ako lumabas ng makarating ako sa parking area. Ayaw kong makasalubong si Prince at maalala ang nangyari sa aming dalawa.
" Cleared. ", prenti na ako sa paglalakad ng hindi ko inaasahan na makakasalubong ko ang kanyang sasakyan.
" Goodness gracious.", nagugulat kong sabi ng walang tigil ang pagbusina ng iilang sasakyan sa harap at likod ko. Paano ako kikilos kong isang ito, hinaharang ang sasakyan niya sa harap ko.
Nakaharang ako dahil sa pagkabigla habang lumabas na sa sasakyan si Prince para daluhan ako.
" Are you Okay Ash?", seryoso nitong sabi. Agad siyang nakita ng iilan kaya agad silang tumahimik at naghintay hanggang matapos kami.
"Ohh akay lang ako. ", nagmamadali akong umiwas at napapayuko pang tinalikuran kaagad siya.
Wala siyang nagawa kundi ang magpark ng sasakyan niya. Nagawa niya pa akong habulin kaya mas nagulat akong mahinahon, malambing at matamis ang ngiti niyang nakaharap na sa akin. Ibang iba sa Prince na nakikila ko nong mga nakaraang araw. Iyong Prince na nakangisi at malagkit akong tingnan.
"It's been days ng huling kita natin Ash, . How have you been?. Nagmamadali ka ba? Can we have our lunch later", casual niyang sabi. Kumunot ang noo ko.
Ito yung pinakamahirap sa lahat, iyong nagmamadali kang makarating sa room mo, nagkataon pa na dalawang hagdan ang lalakarin ko makapunta lang doon.
" Ash!. ", tawag niya pang muli ng maiwan ko siya. Lakad takbo ang ginawa ko para lang hindi siya makausap pa.
" Nagmamadali ako eh. Mamaya nalang. Bye." Nagtatakbo kaagad ako at iniwan siya doon.
Kung noon, masayang masaya akong nakikita , nakakausap siya, ibang iba na ngayon, . He is secretly wearing his true self where he is acting like the good model, smart and a perfect gentlemen, but the truth is, he is the villain of my own story. He is the obsess maniac and an aggressive beast I've known.
Tinignan ko pa siyang naglalakad na patungo sa kanyang room at pumasok na ako sa aking room.
Lutang pa ako sa loob ng klase. Mabuti nalang kahit hindi ako nakikinig ,advance ako sa lahat ng bagay kaya kahit tanungin O gawin ko pa ang dapat kong gawin sa harap nila, I can easily answer it confidently.
..............
Matapos ang lahat ng aking subject nagpractikum sa hospital , pumunta kaagad ako sa aking kotse para umuwi na. I dont want to go to L'CASA, I still need time for myself.
Miss Jean Calling...
Inignora ko yun. Hindi ko pinansin at nagdirederetso lang sa aking kotse. Ilang araw rin aong tinatawagan, nagbibigay ng mensahe sa akin and even ask my friends, tanging pagtanggi ko lang ang ginagawa palagi.
Ilang miscalls rin ang ginawa na hindi ko talaga sinasagot. Umiiwas ako sa pinagpipilitan nilang kontrata na hindi ko pweding tanggapin. Though kailangan ng ama ko ang pera, sa laki ng ipon at pinapadala ko kela mommy, siguro naman ,Pass mona ako sa mga ginagawa ko sa L'CASA.I need a time to think and compose myself para bumalik ako sa dati. Iyong wlanag pakialam basta magkapera lang.
Hanggang sa makarating ako sa bahay, nakita ko ang pamilyar na kotse . Katabi sa kotse ni Kate.
Pagkapasok ko palang, si Miss Jean na kaagad ang sumalubong sa akin. Nakakunot ang noo ko at hindi makapaniwalang she personally get here para lang makausap ako.
" Bakit ka nandito?.. Paano mo nalaman ang bahay namin Miss Jean?", nakakunot ang noo kong sabi sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at agad akong sininyesang pumasok.
Nakita ko pa si Kate na naka postura na at may client daw siyang aasikusahin.
" Ikaw ba ang nagsabi sa bahay natin Kate?", galit kong sabi.
Sa kakaiwas ko, hindi ko pala nasabi sa kanila that ilang araw na akong hindi pumapasok.
" May tracking device tayo Jaz, malamang, yun ang ginamit ni Miss Jean para mahanap ka. Hindi ka pala nag rereport sa L'CASA ehh. ", nakakunot niyang sabi sa akiin. " HIndi mo rin sinabi sa amin na umiiwas ka pala. Na may dinadala kang problema. Nag usap pa tayo kaninang umaga, nakalimot kaagad? ANo? ", dugtong niya pa na nagpaguilty pa sa akin.
" Ayaw ko lang nag aalala kayo. Masosolutionan ko naman ito eh.Kailangan ko lang ng time. .. ", nakasimangot kong sabi.
' Stiill, kahit hindi mo sabihin Jaz, alam naming may problema ka talaga. Kaya sana, hayaan mo kaming tulungan ka para ma resolba natin ang lahat. HIndi yung, maglilihim ka at pinagpaalala mo kami. ", hindi ako nakapagsalita.
" At isa pa, mag uusap tayo pagkatapos ng trabaho namin, sasabunin ka pa nong isa. Alam mo na kung sino. ", dugtong niya pa at agad na nagmamadaling lumabas. Si Henz ang tinutukoy niya.
Napa buntong hininga ako at agad na hinarap si Miss Jean, dala ang papel na nakita ko noon pa ay agad ko siyang tiningnan ng seryoso.
" I told you Miss Jean. Hindi ako pipirma sa kontrata na yan. Kahit magkano pa yan. I can't be with him.. Hindi ko kaya. MAsyado syang aggresibo sa akin. Nong minsan nga, muntikan niya nang makita ang mukha ko. Paano pa kaya kug palagi na kaming magkikita, sigurado akong hindi yun titigil makita lang ako. ", may diin na sabi ko sa kanya.
Umiling lang siya at agad na nilatag ang papel at ballpen sa aking harap.
" You don't have choice Jaz just to accept it. It is directly coming from the higher ups. He wants you , only you for his night time and when he needs some normal and extra services from you. Its a billion peso contract na dapat hindi mo tatangihan. .. Kaya pumayag ka na para matapos na ito. ", Desidido niyang sabi.
" Isang billion?..Talaga?... Ang laki naman yan P*ta.. Baka scam yan Miss Jean. ",hindi ako makapaniwala that Prince will spend that kind of money for his satisfaction. Talaga nga namang iba ang baho ng isang yun. Subrang nakakaturn of niya talaga.
" This is true. You have your forty percent share directly deposited in your bank and your not allowed to take another client aside from this Person. He will give you his contact number at he will directly contact you if he needs you. If not, then that is your off with pay Jaz. Think carefully, you will only give your dignity to the one person, nothing else. ", seryosong sabi ni Miss Jean na nagpabigla sa akin.
" This is a best option for you. Kahit hindi ka na kumuha ng clients, this person will give you enough money for all your needs. How about your Dad?.. Hindi ka na mamomoblema sa pagpapagamot sa kanya. ", dagdag niya pa.
Tahimik lang ako at agad siyang tininganan ng seryoso, Kung tatanggapin ko ito, hindi ko alam kong ano pa ang mnagyayari sa kasalukuyan sa sarili ko. Pero ang Daddy ko?.. Maiging kampante ako para sa kanya. Na kahit ano pang suhestion na pagpapagot para sa Daddy ko, walang magiging problema sa Pera. Pati na rin sa pag aaral ko.
" Just give me enough time to think properly Miss Jean. Kahit hanggang bukas. ", tanging sabi ko bago ko binalik ang papel sa kanyang kamay.
....................NEXT...............