Unedited "Marunong ka palang magluto Jerviz?" Pang-aasar na tanong ko sakanya. "Hehehehe sana nga magustuhan mo medyo matagal-tagal narin akong hindi naka pagluto eh, upo ka." Sabay hila nito ng upuan at hinawakan ang mga balikat para umupo. "Parang masarap naman sa paningin ko pero titikman ko muna." Isang masaganang lutong bahay ang pinagsaluhan namin ni Jerviz ngayon. Nagluto ito ng kanin, ginisang gulay, pritong isda, mayroon ding ibat-ibang klase ng prutas at orange juice na nakalagay na sa mga baso namin. Isang simpleng luto ngunit na pakasarap nito. Halatang luto na galing sa puso. Nilagyan nito ang plato ko ng kanin at gulay pati narin ang pritong isda. Dinampot ko naman ang kutsara at tinidor na nasa magkabilang gilid ng plato at saka nagsandok ng pagkain na nasa plato k