Chapter 2: Saved
(Trigger Warning: This Chapter Contains, Cheating, Attempted Murder and Strong Words)
Be aware before you proceed with reading!
Pinanood lang nila Joaquin at Elisa ang pagkalat ng apoy na nilikha nila sa townhouse nila Elise. Ilang oras din silang naghintay bago tuluyang nawala ang apoy.
At dahil nag-iisang townhouse lang ang nakatayo sa lugar na iyon ay hindi sila nahirapang gawin ang plano nilang iligpit si Elise dahil walang ibang makaka-alam sa krimen na ginawa nila.
Balak lang sana nila na matapos nilang iligpit ang mga magulang ni Elise ay paiikutin lang nila si Elise para magamit din nila ang yaman na iniwan ng mga magulang ni Elise sa kanya.
Akala kasi ni Elisa ay may ipapamana rin sa kanya ang mga adoptive parents niya kung ililigpit nila ito ni Joaquin. Kaya sobrang galit ang naramdaman ni Elisa ng malaman na hindi siya sinama sa will of testament ng mga magulang ni Elise.
Hindi man ganun kayaman ang pamilya Garcia ay sapat na ang yaman ng pamilya nila para masabing isa ang pamilya Garcia sa mga kilalang mayaman sa bansa nila.
Salamat na lamang kay Elise at hindi kumalat sa media ang pagkamatay ng mga magulang niya at hindi iyon naging malaking issue dahil pinagbantaan ni Elise na ipapakulong niya ang kung sino mang magkalat ng issue tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya.
Hindi na sana sasaktan ni Elisa si Elise dahil naisip niyang ibibigay naman ni Elise ang lahat ng kailangan ni Elisa kaya hindi na talaga nagplano sila Joaquin na iligpit si Elise kung hindi lang nadiskubre ni Elise ang affair nila Elisa at Joaquin.
Wala namang magiging problema si Elisa kung ililigpit niya si Elise dahil ilang taon pinag-aralan ni Elisa ang hand-writing ni Elise. Iyon kasi ang magiging paraan ni Elisa para makuha ang yaman ni Elise.
Gagawa sila ng pekeng will of testament ni Elise kapag naipaalam na nilang namatay si Elise. Papalabasin din nilang aksidente ang nangyari kay Elise para hindi paghinalaan si Elisa at Joaquin na tinaka nilang patayin si Elise.
Nang mawala na ang apoy na lumukob sa buong townhouse ay mabilis na bumalik sila Joaquin at Elise sa loob ng townhouse para masiguro kung nasunog na ang buong katawan ni Elise at kung patay na nga ba talaga ito.
Pagka-apak nila Elisa at Joaquin sa loob ng townhouse kung saan nila iniwan ang katawan ni Elise ay nakita nila ang sunog na katawan ni Elise ngunit hindi ito napuruhan sa apoy dahil natamo lang ni Elise ang third degree burn.
"Hindi na ba siya humihinga?" seryosong tanong ni Elisa kay Joaquin.
Mabilis namang tinapat ni Joaquin ang daliri niya sa ilong ni Elise bago bumaling kay Elisa. "She's still breathing," sagot naman ni Joaquin.
Napamura naman si Elisa sa kanyang isip dahil akala niya ay may maililigpit lang nila ng madali si Elise. Napakagat na lamang sa kanyang kuko si Elisa saka binalingan si Joaquin.
"Akala ko ay mamamatay na ang babaeng iyan sa sunog! Mas mabuti pa siguro kung itapon mo na lang ang katawan niyan sa ilog malapit dito. Sigurado namang hindi na iyan makakasurvive sa tubig. Malulunod na lang ang babaeng iyan at wala namang makakakilala sa kanya kapag natagpuan nila ang katawan niya dahil sunog na sunog na ang buong katawan niya," instruction naman ni Elisa.
Tumango na lang si Joaquin saka kumuha ng kumot na hindi masyadong nasunog sa apoy at saka iyon binalot sa katawan ni Elise. Nang maibalot na nang tuluyan ang katawan ni Elise sa kumot ay binuhat ito kaagad ni Joaquin.
Nagsimulang maglakad sila Joaquin at Elisa patungo sa ilog na malapit lang sa townhouse para doon iwan ang katawan ni Elise.
At nang makarating sila sa bangin kung saan banda ang ilog ay unti-unting naimulat ni Elise ang mga mata niya ngunit hindi niya maimulat ang mata niya ng todo dahil naramdaman ni Elise ang paghapdi ng buong katawan niya pati ng mukha niya.
Hindi maipaliwanag ni Elise ang sakit na nararamdaman niya sa buong katawan niya at nang makita si Joaquin ay napaluha na lamang si Elise na hindi namamalayan ni Joaquin at Elisa.
Gustong magsalita ni Elise at murahin ang mga ito pero hindi niya magawa dahil nawalan na nang lakas ang buong katawan ni Elise. Na-realize ni Elise ng mga sandaling iyon na nakatamo siya ng sunog sa buong katawan niya.
"Ihulog mo na ang babaeng iyan," seryosong sabi ni Elisa.
Nang marinig ni Elise iyon ay agad namang naramdaman ni Elise ang pagbitaw ni Joaquin sa katawan niyang buhat-buhat nito. Naramdaman na lang ni Elise ang sariling bumabagsak sa ere at na-realize lang ni Elise na hinulog siya sa ilog ng maramdaman ni Elise ang tubig sa buong katawan niya.
Hindi nagawang lumangoy ni Elise dahil iyong hapdi ng katawan niya kanina ay mas naging doble pa dahil sa pagbagsak niya sa tubig. Kaya hinayaan na lamang ni Elise ang sarili niyang lumubog sa tubig.
At habang unti-unting lumulubog ang katawan ni Elise ay pilit niyang pinapanalangin sa isip niya na kung may pagkakataon man na ibibigay sa kanya para mabuhay ulit ay hindi niya na iyon sasayangin.
'Pinapangako ko sa sarili ko na kapag nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay ulit ay maghihinganti ako sa ginawa nila sa akin! Mas doble at triple pa ang ibabalik ko sa ginawa nila sa akin! Tinangka man nilang patayin ako ay sisiguraduhin kong mas mahihirapan sila sa paghihiganting gagawin ko kapag nabigyan ako ulit ng pagkakataong mabuhay!'
Pagkatapos sabihin iyon ni Elise sa kanyang isip ay naramdaman niya na lang ang mga luha galing sa mata niya na humalo sa ilog at saka niya ipinikit ang mga mata niya nang tuluyan ng malagutan na siya ng hininga.
***
"Nagkaroon na ba nang malay ang pasyente?" tanong ng isang doctor sa nurse.
"Hindi pa doc, nakita ko lang na gumalaw ang daliri ng pasyente kanina pero hindi pa rin ito nagkakamalay," sagot naman ng nurse.
Hindi alam ni Elise kung anong nangyayari sa paligid niya pero isa lang ang alam niya. May naririnig siyang nag-uusap sa paligid niya kaya marahang iminulat ni Elise ang mga mata niya at agad naman siyang nasilaw sa liwanag ng ilaw sa kisame.
"Doc, nagising na ang pasyente!" sabi naman ng nurse kaya agad na sinilip ng doctor si Elise.
Nakita naman ni Elise ang medyo matandang lalaki na dumungaw sa mukha niya at nakita niyang tiningnan pa ng matandang lalaki ang mga mata ni Elise.
Chineck ng doctor gamit ang eye pen light pupil gauge ang mga mata ni Elise bago nito kinaway-kaway ang kamay sa mga mata ni Elise.
"Miss, naririnig mo ba ako?" agad na tanong ng matandang lalaki kay Elise.
Marahan namang tinango ni Elise ang kanyang ulo ngunit na-realize ni Elise na hindi niya na masyadong maigalaw ang kanyang leeg dahil may bandages pa lang nakalagay sa buong mukha at katawan niya.
"She's really awake now. Pakitawag ang ibang staff natin para matulungan nila akong asikasuhin ang pasyente," utos naman ng matandang lalaki na siya pa lang doctor na tinatawag ng nurse kanina.
"N-n-nasa-an a-k-ko?" hirap na hirap na tanong ni Elise sa doctor at nakita naman ni Elise na sumeryoso ang mukha ng doctor.
"Nandito ka ngayon sa Fortune Medical Hospital at ako naman si Dr. Noah Castillo, isang plastic surgeon. Ako rin ang nakakita sa'yo sa tabing ilog hindi kalayuan sa vacation house namin. Dinala kita rito sa syudad para matingnan ka kaagad ng mga doctor na kilala ko dito sa Fortune Medical Hospital. Natagpuan kasi kitang palutang-lutang sa ilog kaya akala ko nun ay patay ka na. Kaso nung tiningnan ko ang pulso mo ay tumitibok pa rin ang puso mo kaya sinugod kita sa hospital," paliwanag nito kay Elise.
"Hindi ko man alam kung anong nangyari sa'yo pero ikinalulungkot kong ipaalam sa'yo na nakatamo ka ng third degree burn sa buong parte ng katawan at mukha mo. May ilang hibla rin ng buhok mo ang nasunog pero may pag-asa pa namang tumubo ulit ang buhok mo. Iyon nga lang ay kailangan mo na sumailalim sa plastic surgery kung gusto mong maibalik sa dati ang balat sa buong katawan mo. That's why I'm here to help you. Willing akong tulungan ka na maibalik sa dati ang katawan mo dahil alam kong mahihirapan ka na mamuhay ng normal kung hahayaan natin ang nasunog mong katawan. Huwag kang mag-alala, hija dahil hindi kita sisingilin sa magagastos ko basta sabihin mo lang sa akin na willing ka pang mabuhay." dagdag pa ng doctor kay Elise.
Agad namang nag-unahan ang luha sa mga mata ni Elise ng unti-unting na-realize ni Elise ang mga pangyayari. Muntik na pala siyang mamatay sa mga kamay nila Joaquin at Elisa ngunit dininig ng maykapal ang panalangin niya.
Muling nabigyan si Elise ng pagkakataon na mabuhay at hinding-hindi na ito sasayangin ni Elise. Hindi man alam ni Elise kung bakit napakabuti ng lalaking nagligtas sa kanya pero naisip ni Elise na magandang oportunidad na rin iyon para humingi siya ng tulong para makapaghiganti siya sa mga nanakit at gumawa nun sa kanya.
"T-t-tulungan n'yo p-po ako..." umiiyak na sabi ni Elise.
Agad namang lumambot ang ekspresyon ng doctor sa sinabing iyon ni Elise. "Ano iyon, hija? Bakit kailangan mo ng tulong ko?"
"G-gusto k-ko p-po ng bagong b-buhay... T-tulungan n-n'yo po akong m-makapaghiganti s-sa mga t-taong gumawa n-nito sa akin!" mariing sabi ni Elise kaya agad na nanlaki ang mga mata ng doctor.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ka naaksidente sa sunog? At hindi rin coincidence na nakita kita sa ilog? Ibig bang sabihin may nagtangkang patayin ka ganun ba ang gusto mong sabihin sa akin?" hindi makapaniwalang sabi ng doctor kay Elise.
Napaiyak lalo si Elise ng marinig niya ang sinabi ng doctor. Tumango si Elise nang marahan at nakita naman ni Elise ang galit na ekspresyon ng doctor.
"Mga hay*p ang gumawa nito sa'yo!" mariing sabi ni Noah saka hinawakan nang marahan ang kamay ni Elise. "Huwag kang mag-alala hija, kung ano mang gusto mong gawin sa kanila ay magagawa mo iyon. Sinisiguro kong tutulungan kita sa abot ng makakaya ko para makapaghiganti ka. Sa ngayon ay aayusin at papalitan muna natin ang appearance mo para kapag binalikan mo sila ay hindi ka na nila makikilala!" seryosong sabi ng doctor kay Elise.
Hindi na napigilang mapaiyak lalo ni Elise dahil hindi niya aakalain na mabibigyan siya ng pagkakataong mabuhay ulit at hindi rin akalain ni Elise na mabuting tao pa ang tutulong sa kanya para makapaghiganti kila Joaquin at Elisa.
Kaya naman pinangako ni Elise na gagawin niya ang lahat para hindi masayang ang ibibigay sa kanyang tulong ng mabubuting tao na tumulong sa kanya para mabuhay ulit.
At sa pagkakataong handa na siya sa lahat ng plano niya ay sisiguraduhin ni Elise na hindi siya titigil hangga't hindi niya naibabalik ng triple ang sakit na dinulot at binigay sa kanya ni Joaquin at Elisa bago niya ipakulong ang mga ito para mabulok sila sa kulungan at pagbayaran ang mga krimen na ginawa nila.
---