Malakas na sampal ang inabot niya mula kay Esteban. Muli siyang napasubsob sa sementadong sahig. Nalasahan niya rin ang sariling dugo na nagmumula sa putok niyang labi. "God damn it!" nanggagalaiting palatak ni Esteban habang sapo nito ang p*********i. Sumilay ang nang-uuyam niyang ngiti. Hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagkagat sa ari nito. He deserved it! Kahit na nakakasuka. Bigla na lang bumaliktad ang sikmura niya sa isiping nakakita siya ng ganoong bagay na dapat sana ay makikita niya sa magiging asawa. Natutop niya ang bibig. Naduwal siya ngunit wala namang lumalabas sa bibig niya. "What the f**k!" Esteban cursed again. Isang malakas na halakhak galing kay Alonzo ang pumunong ingay sa bawat sulok ng silid. Umirap siya rito. Halatang tuwang-tuwa ito sa nangyayar