"Kakasuhan ka namin ng child abuse!" "Tsaka corruption of minor!" "Homicide!" "Murder!" "Kidnapping-" "Ma! Pa! Tumigil na nga kayo. Nakakahiya na sa bisita," nanggigigil kong saway sa mga magulang ko na pinagtulungang i-bully si Leigh. Tama ang narinig ni'yo. Si Leigh na six footer ay kanina pa pinagbantaan at sinisindak ng Mama at Papa ko na kapwa five feet and three inches. Nakalimutan yata nila na 18 na ako at hindi na minor, hindi nga lang ako matangkad kaya nagmumukhang bata. Simula nang pagbuksan nila kami ng pinto at nagpakilalang boyfriend ko si Leigh ay parang interrogation ang naging eksena. Ito kasing lalaking ito, kung makaangkin sa'kin na girlfriend ay para bang maagawan siya! Di naman ako ganun kaganda, slight lang para may ibang magkagusto sa akin. Himala ngang