chapter 4

891 Words
Natapos ang buo kong maghapon na lumilipad ang utak ko! Di pa rin ako naka-move on sa Leigh na iyon. Hay buhay , ang hard ng life! " Oy! Lindy! Kanina ka pa ah... saan na naman nagbakasyon iyang utak mo?" sita sa'kin ng kaibigan kong si Shane. " Hindi siya nagbakasyon... wala siya pera pamasahe!" nakairap kong sagot. "Iyon naman pala eh! So bakit tulala ka? Halos makalbo sayo si Sir Ramos nang tawagin ka niya pero ayon at para kang tangang nakatingin lang sa kanya!" " Shane, may kilala ka bang Leigh?" "LEIGH??! As in Leigh Ryan Enriquez? Ang anak ng may-ari ng LRU, -ang pantasya ng halos lahat ng mga babaeng humihinga ...ang kinababaliwan ng lahat- ang-" "STOP!!!Information overload! Yes or no lang ang sagot ng tanong ko," nayayamot kong putol sa litaniya ng magaling kong kaibigan. " Kinumpleto ko lang upang ma-inform ka naman sa mga nagaganap sa paligid mo!" pairap nitong sabi. " So, kilala mo pala siya-" " Ou noh! At kilala sya ng lahat..., well maliban sayo kasi nga taga Mars ka!" Sikat pala ang lalaking iyon? Sino kaya iyong babaeng kaanohan niya? Siguro, girlfriend niya iyon. " Teka lang mah-friend! Bakit mo nga pala natanong sa'kin si Leigh? Paano mo nalaman ang existence niya dito sa earth? Nagkita ba kayo? Nagkausap? Nagkakakilala?" parang imbestigador na tanong nito sa'kin with matching taas kilay. "Anu? Hindi ah- narinig ko lang diyan oh! Usap -usapan." Naperfect ko na talaga ang art of lying. Parang nagdududang napatingin sa'kin si Shane. Masyadong mala-Sherlock Holmes ang ugali ng babaeng ito kaya dapat mag-ingat ako sa isang ito. " Kailan ka pa nagkainteres sa usap-usapan diyan sa tabi- tabi?" Sabi ko na nga ba eh, malakas pang-amoy ng isang ito. "Alam mo Shane masyado mong pinalaki ang isyu eh! Masama ba magtanong about sa Leigh na iyon?" galit-galitan kong sabi. " Ou! Masama!!" biglang sabat ng isa sa mga kaklase kong kulay blond ang buhok! Nakapamaywang ito sa harapan namin ni Shane kasama ang mukhang mga alagad nito dahil magkasing kulay ang buhok nila. Uso pala dito sa classroom ang malamais na buhok! " Hindi kayo namin ka-level kaya bawal niyong banggitin ang pangalan ni Leigh at bawal ninyo siyang tingnan at pangarapin!" maarte nitong pahayag. " Ay, di pala pangmatalino si Leigh para lang siya sa mga di masyadong marunong... Oy! Lindy pasok ka don sa level nila kasi di ka naman katalinuhan!" parang nang-aasar pa na sagot ni Shane. Ou nga top sa klase namin si Shane pero minsan ay naisip ko kung kaibigan ko ba talaga ito? Mukha kasing pinapahamak ako ng babaeng ito eh! " Eeew!! No way na maging ka-level namin ang babaeng iyan! Ou nga at di kami kasing talino mo pero magaganda at mayayaman kami noh!" pagyayabang pa nung kasama ni blond girl na mala Paris Hilton ang beauty. "Ou nga naman noh?" Confirmed, baliw na itong si Shane! Sumang-ayon pa siya sa mga babaeng ito. "Ay, Lindy... huwag na lang nating pag-usapan si Leigh, ipaubaya na lang natin siya dito sa mga barbie dolls na ito! Hay, kawawang Leigh, mapunta lang sa mga nagpa- plastic surgery!" naiiling pang pahayag ni Shane. "Anong sabi mo?" galit na sigaw nung isang barbie, este isa sa mga blond girls. " Walang sinabi si Shane, sabi niya ay aalis na kami maghahanap kami ng plastic na barbie doll-" agap kong sagot sabay takip sa bibig ni Shane at kaladkad sa kanya palayo sa mga tila papasugod na mga chaka dolls!! "Aray, ano ba Lindy! Kung makakaladkad ka parang sako lang ako hah!" " Ikaw kasing babae ka, ba't mo pa pinatulan ang mga iyon?" "Excuse you, di ko sila napatulan kasi nga kinaladkad mo na ako paalis." " Hayaan mo na kasi ang mga iyon!" " Anong hayaan?? Kaibigan, si Leigh na ang pinag-uusapan dito! Di ako papayag na pati ang pagpapantasya ko kay Leigh ay pakikialaman ng mga walking plastic barbie dolls na iyon! Over my dead skin cells!!" "Leigh na naman! Kailan ka pa naging isa sa mga sinasabi mong nagpapantasya sa lalaking iyon?" " Matagal na noh! Ngayon mo lang nalaman kasi ngayon ka lang naging tao at nalaman ang presensiya ng isang Leigh!" "Bakit ba ang dami niyong nababaliw sa lalaking iyon?" nakasimangot kong tanong. May girlfriend na kaya iyon.Nakita ko pa nga silang nag-aanuhan kaya nga hinanap ako ng lalaking iyon at tinakot dahil naisip siguro nito na ipagkalat ko iyong nakita ko. Erase, erase,erase...bakit ba kasi di matanggal- tanggal sa isip ko iyong mataba at mahaba niyang ano. Iyon kasi ang una kong na eyes to eyes bago ang mga mata niya! " I can give you hundreds of reasons-" "Heeep! Sarilinin mo na lang iyang reasons mo dahil I'm not interested. Ang mabuti pa pakopyahin mo ako sa homework mo sa Math." "Ano? Ang dali-dali lang ng homework na iyon pero mangungopya ka pa rin?" " Madali lang sa'yo iyon pero para sa'kin sobrang hirap na no'n!" Di naman ako gano'n kabobo pero di rin ako kasing talino nitong kaibigan ko. Average lang iyong utak ko katulad na lang nitong ganda ko, average... in short walang kapansin-pansin! Pangkaraniwang mukha, usong-usong hitsura. Asahan mo ako sa ibang subjects wag lang sa merong numbers, parang awa niyo nah... dumudugo ang ilong ko basta merong numero!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD