-
FLAME
"anong plano mo?"
bungad na tanong ni kuya thunder sakin habang kumakain ng umagahan.
"Nothing hayaan mo muna s'ya. Hayaan mo s'yang mabaliw sa pag iisip kung gaganti ako."
walang emotion kong sagot.
I have nothing to do this day.
Kaya mag papahinga ako dahil wala talaga akong maayos na tulog.
"Alam nating pareho na hindi uso sumuko na matandang yun." kuya storm.
"I don't care. " sagot ko. totoong wala akong paki alam
Pero galawin niya pa mga tao dito sa mansion na walang ginagawa sa kanya.
Sa ulo ni Veronica tatama ang bala ng b*ril ko hindi ako nag bibiro.
And who's Veronica? she's the lover of my grandpa.
"May race pala mamaya sasali kayo? tutal 20 kana flamie maari ka ng mag pakita ng mukha sa kanila." wika ni kuya storm.
Inilingan ko ito kasi ayoko yung idea n'ya.
"Depende kung anong sitwasyon saka lang ako mag rereveal ng sarili ko. Tapos na ako balik na ako sa kwarto ko."
sagot ko at tumayo na saka nag lakad papunta sa taas..
Pag pasok ko pumukaw sakin ang kahon na itim sa may balcony ng kwatro ko.
Agad kong tinungo ito at yumuko para kunin.
Pero bago ko pa maiangat ng buo agad na may nahulog..
Nagulat ako ng makita kong isang pug*t na ulo ng tao ito napa atras ako at naihagis ko ang kahon at pinag masdan ang mukha ng lalaki.
Oo lalaki.
Kumabog ng malakas dibdib ko ng titigan ito, hindi ko s'ya kilala. Agad agad kong pinindot ang alarm ng bahay para umakyat sila kuya.
Hindi ko ugali sumigaw sa ganitong bagay lang, Pero tao parin ako marunong magulat at matakot.
"What happened?? oh sh*ot!! storm! avel! ken!" malakas na sigaw ni kuya thunder at hinila ako papasok sa kwarto ko.
"Sino may gawa nito? ganito na ba sila ka desperado?"
Ines na tanong ni kuya at tiningnan din ang pug*t na ulo.
"Well it's for you to find out brother." baliwala kong sagot at tiningnan ang paligid ng labas ng pader ng mansion.
Sa laki nito impossible na maka pasok din sila rito.
Una dahil private property ito at walang mga bahay sa paligid dahil nasa bundok ito.
Tanging matataas na puno ang makikita mo lang.
Pero may hindi kalayuan dito isang vacation place kung saan pwede silang mag pahinga. Tawag ng lahat doon ay daraitan.
"He said are you ready to face your h*ll miss lavistre?" kuya thunder. Dumating naman ang iba.
"Bakit kuya? oh f*ck!" kuya storm at hinawakan ang braso ko saka nilagpasan ako.
Ganun din sila avel at ken.
"Sh*t masyado silang agrisibo." ken said at tinitingnan pa ang mukha ng bangkay na 'to.
"Wala na bang mas-ilala ang empy*rnong pinag lalagakan ko?" ines na tanong ko saka tumalikod na at nahiga sa kama ko.
"Kayo na bahala d'yan." sabi ko at pumikit na.
-
Nagising ako mga alas dos na ng hapon pakiramdam ko nakabawi na ako ng lakas.
Bumaba ako upang kumain ulit naabutan ko sila kuya.
"Buti gising kana.. ito oh." kuya storm.
at inabot sakin ang isang maliit na brown envelope kung saan litrato lang ang kasya.
"May gustong mag higanti sa'yo ah? Wala ka bang naalala na naka laban mo 2 years ago?" kuya thunder.
"Wala masyado na 'yang matagal para isipin ko pa." sagot ko at tiningnan isa isa nasa litrato.
"D*th kill? they're are mafia or not?" paniniguro kong tanong..
"They are all assassin at the same time yakuza." kuya storm na ang sumagot.
"Ano naman kailangan nila sakin? Sila ba nag padala ng pug*t na ulo na 'yon?"
sunod sunod kong tanong at naupo sa arm rest ng couch.
"Malaking posibilidad na oo dahil ito pa lang ang unang beses na may nag padala sayo ng ganyang d*ath threat."
sagot ni kuya storm at naka de kwatro pa itong upo na naka tingin sakin.
"Then hayaan na lang natin sila mismo ang lumapit."
sagot ko at hinagis sa center glass table ang litrato ng mga lalaking iyon. Hindi klaro ang mukha nila
"What? are you serious?" tanong ni kuya sa storm and kuya Thunder. and yes sabay sila.
"Yeah. Hindi lahat ng oras ikaw ang dapat sumugod." sabi ko at tiningnan silang dalawa.
"Mas magandang galitin sila muna dahil sa pambabaliwala ko.." putol ko sa sasabihin ko at tumalikod na
"Dahil ang pagiging ganid sa pag hihiganti yun ang madaling paraan para sila mismo ang papat*y sa sarili nila." dugtong ko sabay lakad paalis sa sala.
Dumeretso ako sa firing ground at nakita ko ang ibang tauhan kong nag iinsayo kasama sila lance.
"Magandang umaga apoy." bati ni kuya harold na asawa ni ate Sky na kapatid di namin.
Apat kaming mag ka-kapatid panganay ate sunod si kuya thun(thunder) sunod si kuya storm and ako ang bunso. Iba iba din ina namin.. Si kuya thun and storm lang ang halos iisa ang ina si ate hindi pure pilipino ang mama n'ya.
Ako naman ay half blood chinese and Russian.
"Magandang umaga din. Wala bang balita sa pinahahanap ko?" tanong ko at kumuha ng isang bar*il at inayos ito saka kinasa.
"Wala parin boss." sagot nito na kinaing ko na lang.
Wala akong choice kundi puntahan ang taong iyon.
Kailangan ko malaman ang punot dulo ng gulo na ito alam kong hindi lang dahil sa will o ano man..
"Aalis muna ako wag n'yo na ako sundan kaya ko sarili ko."
paalam ko at nag lakad papunta sa loob ng mansion.
Ni isang tao ay wala na akong naabutan sa loob. Umakyat ako sa taas at nag bihis ng natural na sinusuot ng mga pareho ng edad ko.
Lumaki ako ng may matured na environment at marahas na mundo.
Natuto akong maging tuso, kumilos bilang lalaki mag isip bilang lalaki.
Dahil ang mundong ginagalawan ko ay puro lalaki ang nag hahari.
Bakit hindi natin baliktarin? na ang babae naman ang mag papakilos sa mga kalalakihan?
Matapos kong mag bihis ay kinuha ko ang susi ng motor ko at bumaba na sa garahe.
It's my baby actually Yamaha R25
"Kuya danny yung gate."
utos ko at sinuot na ang helmet ko at kinapa ko muna yung wallet ko sa bulsa ko at sumakay na.
Pinaandar ko ito palabas ng gate. Dahil delikado ang location ng bahay ko dahil pababa ito at ang gilid nito at mataas na bangin.
Dahan dahan lang muna, tinanguan ko si kuya danny hangang malakas ako sa mismong gate at doon ko pinaha-rurot pababa ito.
Balak ko pumunta ng mall dahil gusto ko lang kumain sa paborito kong kainan doon at mag gala na rin.
Pagka rating ko pinark ko agad ito at bumaba ng motor at nag lakad papasok sa loob..
Sumakay ako ng escalator paakyat sa ikalawang palapag ng mall.
Bumungad sakin ang chinese restaurant na alam na ninyong lahat iyon kung ano..
Pumasok ako ay dumeretso sa counter upang mag order.
"Good afternoon ma'am what's your order?" ngiting tanong babae sakin.
Sinabi ko agad ang lahat ng order ko at binigyan ako nito number saka nag hanap ng bakante.
Agad kong nakita ang isang mesa na kalilines ng lalaki at dumeretso ako doon.
Perfect sa likod ito ng maraming tao at dikit pa sa salamin.
Naupo ako agad doon kahit hindi pa tapos ang lalaki.
"Magandang umaga ma'am." nginitian bati ng lalaki sakin nginitian ko ito bago sinagot.
"Magandang umaga din." bati ko pabalik dito at umalis na ito agad.
Pinatong ko ang siko sa ibabaw ng mesa at sumalumbaba habang nakatingin sa mga taong dumaraan..
"Hi. Pwede maki table dito?wala na kasing bakante."
napa lingon ako sa nag salita. Nang makita ko ito lalaki pala ito.
"Sure.. This table isn't mine." sagot ko at binalik ko ang tingin sa labas.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko sa lalaking ito hindi ko pa alam kung ano ito.
Pero alam kong tama ako na hindi ko dapat ito kausapin o lapitan..
I feel danger in his presence..
"Ma'am ito na po ang order n'yo. Pasensya na sa pag hihintay.."
hinging paumanhin ng lalaki. nilingon ko ito at nginitian saka tinulungan itong mag lagay sa mesa ko.
"It's okay wala iyon. Salamat." sagot ko at umalis na ito agad kaya kumain na ako.
Panalo talaga ang chicken dito hindi maalat tama lang yung shanghai masarap sobrang bagay isaw saw sa sweet and sour nilang sauce..
Habang kumakain narinig ko ang hagikhik na lalaki sa harap ko.
Tiningnan ko ito ng nag tatanong. Saka naman ito Nag salita.
"Para ka kasing bata. Anyway I'm blake shin." pakilala nito. Tiningnan ko ito at ang kamay nito.
Base sa nakikita ko humahawak ito ng mabibigat na bagay. tulad ng mga guns and iba pang deadly weapon like swords and dagger..
"Ahmm sorry.." wika nito at binawi ang kamay.
Tiningnan ko ang ibang parte ng katawan nito..
"Isa ka bang gangster?" deretso kong tanong na kina gulat n'ya.
"H-huh?? h-hindi ah? Bakit mo natanong?" umiwas ito ng tingin saka sumubo ng pagkain.
"Nakikita ko lang.. maaring hindi ka isang gangster maybe mas lala ka pa o kayo.
Kung ano man pakay mo sa pag lapit sakin mas mabuting mag stop kana." sabi ko rito at nag pa tuloy sa pag kain
Hindi ito umimik sa sinabi ko. Hindi ko man na babasa ang isip ng tao pero kaya ko mabasa ang pisikal nilang galaw, pananalita at ang mga mata nila.
Matapos kong kumain nag iwan ako ng tip sa ibabaw ng mesa at lumabas na ng kainan.
-
Habang nag lalakad nag tingin tingin ako ng mga damit at sapatos na gusto kong bilhin.
Pumasok ako sa isang woman store at nag hanap ng jeans at ilang t-shirt and jacket.
Hindi ako mahilig sa dress but depende kung may nagustuhan ako like pang office.
Naka pukaw ng paningin ako ang isang terno long sleeve jacket and pants kulay light brown ito. Nilapitan ko ito at agad tinanong sa babae.
"Ah miss mag kano ito?" tanong ko sa babae na malapit sakin.
"Ah ma'am nasa 1k po iyan." sagot ng babae.
"kukunin n'yo po? anong size?" tanong ulit nito. Tumango ako at hinarap ito.
"Bigyan mo ako ng limang ganyan. Medium size ang gusto ko pag dating sa long sleeve na ito then 24 sa waistline sa pants."
sabi ko dito at nag lakad papuntang counter.
"Anong kulay ho? Ito po ang available color ma'am.."
sabi ng babae at pinakita sakin ang iPod nito na may ganung design.
"This.. Baby pink, light brown, Royal blue, black and red." turo ko sa kulay at nginitian ito.
Hangang sa naramdam kong may bumangga sakin.
"Geez! tumingin ka nga sa dinaraanan mo! paharang harang! "
malditang sabi ng babaeng naka shade may kasama itong mga lalaki.
"Babe stop ang inet ng ulo mo." suway ng lalaki na tingin ko nobyo ng babae.
Pag lingon ko nakita ko yung lalaki kanina.
Napa iling na lang ako at tumingin pa sa kaliwa ko upang mag hanap pa.
"Eh paharang harang 'tong poor na 'to bakit ba kasi hinahayaan n'yong pumasok itong hampas lupa na 'to dito? god!" angil ng babae na kina lingon ko.
"Bago ka mag salita ng hampas lupa baka gusto mo muna lihain yang dila mo? masyadong matalas." tiningnan ko ito ng deretso.
"Miss I'm so---" naiwan sa ere ang salita nito ng mag salita ako.
"You don't need. S'ya dapat ang gumawa non ganyan na ba talaga ngayon?
kung sino pang edukada S'yang walang naman ang utak? mas poor ka balik ka muna ng grade 1. aralin mo ang good manners and right conduct." malamig at mahaba kong sabi dito
Nang dumating ang binili ko padamog kong binaba ang black card ko at nilingon yung babae na ngayon nag alis ng salamin at tiningnan ang card ko.
"Thank you ma'am!" pasasalamat ng nag assist sakin.
Tumalikod na ako para lumabas ng may naalala ako
"By the way.." pani mula ko na at humarap sa kanila at ganun din sila.
" Saka ka mag yabang kung pera mo na ang gamit mo sa pag sha-shopping.
Dahil hindi porket may mayaman kang boyfriend lustay ka ng lustay hindi ka mundo para ikutan lang ng tao. Matuto kang pag hirapan ang mga nabibili mo..."
mahabang lintaya ko at nag lakad na.
"Dahil wala ng libre sa panahon ngayon."
Dagdag ko at lumabas na.