CHAPTER 1

1856 Words
AUTHOR'S NOTE. EVERYTHING SAID IN THIS STORY IS ONLY BASED ON THE AUTHOR'S IMAGINATION. SO AS LONG AS POSSIBLE DO NOT DO IT OR IMITATE IT. I'M JUST A REMINDER. THIS STORY IS NOT TRUE. THANK YOU VERY MUCH! - FLAME Sa dawalang taon na lumipas mas lalo pang naging magulo ang buong mafia. Mas dumami pa nga ata kaaway ko. Hindi naman sekreto na ako ang pumi-p*ste sa mga dr*g lord yan. Actually sila talaga pinaka puntirya ko, yung iba naman ay pinag iisipan ko pa muna bago ko sila galawin. "Bukas na ang ika 21st birthday ni flame. Gusto ko lahat ay alerto naiintindihan ba?" And that's my lolo Alfonso Lavistre. One of my enemy, Why? malalaman niyo din very soon. "Good." sagot nito sa kausap niya.. Andito kami sa mansion n'ya dahil gusto niya andito kaming nga apo n'ya. Ang wala lang dito ay si kuya damon at kuya azi, mga kapwa mafia boss Yes you read it right. We are the most dangerous mafia in town with a couple good habit. Iba lang ang pamamalakad ko na kinaiinisan ng lolo ko. Gusto kasi n'ya merciless actually kaya ko naman, kayang kaya pero simula ng nalaman ko ang bagay na yun 2 years ago nag bago na ang pamamalakad ko. Hindi ako kakampi ang mga otoridad hindi rin ako kaaway. Nasa gitna lang ako Minsan kaaway at minsan naman kakampi. "Kahit anong ingat mo tanda. Ganun parin, marami parin makaka lusot sa security mas lalo kung nasa loob lang din naman ang kaaway." bored kong sabi habang nag hihikab pa. "Pfft." Kuya storm at umiling pa ng dahan dahan. "Ako ba Morjiana pinapa ringgan mo?!" Pasigaw na tanong ni tanda. "Natamaan ka ba?" this time nilingon ko ito at tiningnan ng malamig. "Umayos ka morjiana 'wag mo ako subukang bata ka!" banta nito. Nag kibit balikat na lang at kumain ng ubas. "I am just telling the truth tanda. And you know that.. mas lalo ngayon hindi mo na alam kung sino pa ang kakampi mo sa kalaban." hinagis ko sa ere ang isang piraso ng ubas at binuksan ang bibig ko para pang salo rito. "She's right lolo. Kaya mas maganda na rin na marunong talagang lumaban si flamie." That's kuya Ezekiel. One of our cousin "Hmm.. fine be ready tomorrow." muling utos nito. Kahit ikaw ay kaaway ko at mas lalong wala akong tiwala sayo.. Gusto ko sana sabihin pero hindi na muna. Saka na pag may ebidensya na ako. Kung totoo man na s'ya ang pumat*y sa papa ko at mama ko at kina tita at tito pag babayarin ko s'ya ng malaki.. "Akyat na ako mga kuya." Paalam ko sa kanila at nag umpisa ng mag lakad paakyat, patungo sa kwarto ko dito sa mansion. Ito ang pipeng saksi sa kahay*pan ni lolo sa akin noong bata pa ako. Ang mansion na ito ang witness kung paano n'ya ako saktan, gutumin at ikulong sa bahay ng mga alaga n'yang aso. Dahil simula ng ibinigay ng lola sa akin ang lahat ng ari arian n'ya. Dun na rin nag simula ang empyerno ko sa bahay na to. Naka alis lang ako dito nung nag 18 ako. Pag ka kuha ko ng minana ko nag pagawa ako ng bahay mansion din. Naka locate ito sa lugar kung saan hindi ganun ka daming tao. Inshort bundok. Binili ko ang buong lugar na iyon for my own safety at mas lalo sa mga naka tira sa bahay kasama ko. Nang maka pasok ako ay agad akong nag hubad ng damit at dumeretso sa cr upang maligo. Agad kong tinapos din ang pag ligo dahil pagod na ako buong mag hapon sa pag ta-trabaho sa kumpanya dahil ang magaling kong kuya thunder ay hindi pumasok. Sa murang edad nag trabaho na ako. Tumigil ako sa pag aaral dahil tamad ako makinig at laging natutulog sa klase and worst? hmm ayoko din gampanan ang pamamalakad ng pitong kumpanya. Masyado silang masakit sa ulo. Nag bihis na ako ng pan tulog at nahiga na hinayaan kong basa ang buhok. Nang maka tanggap ako ng text message, Kinuha ko iyon at binuksan. It's lance. my right hand and close friends too. From; L . A " flame may hinahandang pasabog ang kalaban hindi alam kung sino. Ang lolo mo ganun din anong plano mo? " Basa ko dito. Nag tipa ako ng message dito bago isend. " Then h*llcome to my party. Let them L" Reply ko at pinatay ang cellphone ko saka natulog na. Kinaumagahan maaga akong nagising dahil sa malakas na katok mula sa labas ng kwarto ko. "Bwiset! ano ba!?" sigaw ko at padamog na bumangon saka nag tungo sa pintuan at binuksan ito ng marahas. "Pinapatawag na ho kayo sa baba para sa umagahan.." yuko nitong sabi. Napa irap na lang ako at umiling. "Fine." Ines na sabi ko at lumabas na lang ng walang ayos. ni pag sipilyo ay hindi ko na rin ginawa. Pag ka baba ko agad na bumungad sakin ang nga admadong bodyguard ni tanda.. na hindi naman bago sakin, Agad akong dumeretso sa dining at padamog na naupo sa pwesto katabi ang kuya storm. "Mamaya isukat mo na ang isusuot mo morjiana. Para makita agad kung may problema o wala." wika ni lolo. Akmang pag sasandukan ako ng katulong ng pinigilan ko ito at kinuha sa kanya ang sandok. "Morjiana? narinig mo ba ako?" tanong ni tanda. Kumuha muna ako ng hotdog at egg and tocino. "Sa tingin mo? sa lapit hindi ko pa ba maririnig?" pambabara ko dito at tiningnan ito ng malamig. Nag igting ang panga nito at hindi na muling umimik pa. Nag patuloy ako sa pag kain ng tahimik ganun din ang mga kuya ko. Kinahapon agad na nag handa ang lahat maliban sakin na bored na bored na. Dahil una ayoko yung gown oo birthday ko pero kailangan ba na halos hubad na ako? Hindi naman porket na maganda ang hubog ko eh ganun na lang din. "Young lady suutin n'yo na po ito. Nag hihintay na po ang lahat sainyo sa shangri-la garden.." lakas loob sabi ng inutusan ni tanda na mag ayos sakin. Hindi ako kumibo at tumayo saka nag hubad ng robe sa harap nila at sinuot ang strapless dress ball gown ruffle dress. Naramdaman kong tinaas ng babae ang zipper sa likod at inayos ito. "Bagay na bagay ho sa inyo. Dahil na rin ho ang puti n'yo ng kutis n'yo." ngiting sabi nito. Maya maya dumating ang isang babae may dala ito YSL white and gold heels. Lumuhod ito sa harap ko at isinuot sa paa ko. Tapos na akong ayusan sa mukha ko kanina kaya handa na akong lumabas dahil panigurado nag hihintay na ang itim limousine ng pamilya. "Young lady ito na po ang inyong gun holster." sabay bigay ng babae sakin ang gun holster. Lumabas na ako ng hindi nag papasalamat sa kanila. Una dahil kung sino ang tauhan ng lolo ko s'yang kaaway ko rin. Dahan dahan akong bumaba sa grand staircase ng salubungin ako ni dithard isa sa mga tauhan ni lolo. Inilahad nito ang kamay nito pero tinapik ko iyon at kusang bumaba ng mag isa hanggang sa maka labas ako. Pinag buksan ako ni Daniel ang anak na lalaki ni dithard. Pumasok agad ako sa limousine at inayos ang gown ko. Buti may slit ito sa kanan kaya na ilagay ko din ang aking gun holster sa kaliwang hita ko at ni-reload ang bala sa magazine. "Handang handa miss flame ah?" natatawang tanong ni dithard. Tiningnan ko ito ng malamig bago sumagot. "Kasi nasa paligid lang ang kalaban...ramdam ko" malamig kong sabi rito at tumingin sa labas ng bintana. Narinig ko itong nasamid kaya napa ngisi ako ng palihim dahil doon. Sabi nga nila .keep your friends close and your enemies closer Ang ibig sabihin sila iyon. Alam kong may plano si lolo nararamdaman ko iyon. Nararamdaman ko kapag nasa panganib ako. Ang hangin ang nag bibigay sakin ng babala. Kung lahat ba ay alam ang kakayahan ko? Ang sagot ko ay hindi. Hindi sila maniniwala. But kung ayaw maniwala ipakita mo na lang ng maniwala. Walang pilitin ito kung ayaw edi ayaw. - "Miss flame andito na po tayo. Hindi na po kami sasama sa loob miss." wika ni dithard. kahit hindi ko to lingunin alam kong naka ngisi ito. Bumaba na ako ng walang imik at pumasok deretso sa loob. Maraming tao ang naka tingin sakin. At alam kong naka tingin parin sakin ang mag ama. Nag panggap akong humarap sa elevator at ng bumukas ito ay pumasok ako pero hinarang ko ang nguso ng b*ril ko para hindi tuluyan mag sara ito. Agad agad kong nilagay sa teinga ko ang earpiece at kumunekta sa mga tauhan ko ngunit mukhang hawak na nila ang iba sa kanila. Nang maka lipas ang isang minuto lumabas ako at pumunta sa gawing kana palabas sa likuran.. "Mika handa na ba ang sasakyan ko sa likod?" mahinang bulong ko sa earpiece ko. "Yes miss flame itim na Lamborghini monster iyon." sagot ni mika. Saka ako tumakbo papunta sa likod ng mabilis. "Status?" Tanong ko at hinanap ang sasakyan ko na nakita ko naman agad. "Hawak ng grupo ni kevin sila lance miss flame pati ang dalawang Kuya mo." pag bibigay ng impormasyon nito. "Okay kilala ko ang hukluban na yan hindi n'ya gagalawin ang mga yan ako ang kailangan n'yan.. now call asahina, samanta and wendy at ang grupo ni barbara. papuntahin mo doon now!" Utos ko at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan ko. Habang nag mamaneho nakita ko ang na send na location nila kuya thun at agad din pinaikot ang kotse ko inshort nag drifting ako sa gitna ng kalsada. Alanganin dahil may ibang sasakyan na dumadaan pero wala akong pakialam. Bilisan ko pag papatakbo na halos paliparin ko na ang Lamborghini ko. Ilang minuto naka rating ako agad kinuha ko ang Sr-47 ko at kinasa ito saka lumabas na ng sasakyan. Mabilis kong pinag papa-putukang mga bantay sa labas ng abandonadong building na ito. Dahil pagabi na hindi ko na ito maaninag. "Miss flame naka handa na sila sa hudyat mo." rinig kong sabi ni mika. "Mga lint*k na 'to pinag gown pa ako dito lang pala nila ako balak surpresahin!?" ines na usal ko habang nag lalakad. Pumasok ako sa loob ng abandonadong building at amoy ko agad ang sang-sang ng amoy ng sigar*lyo at alak pati na rin ang g*n powder. "Maligang kaarawan mahal kong apo." Biglang bumukas ang ilaw.. Agad kong nakita ko ang matandang kinulang sa pansin na naka tayo sa itaas ng bundok na kahoy sa gilid kita ko sila kuya, nanay fely at iba pang kasama namin sa mansion ko. "What do you want? fight?" bored kong tanong at naupo sa isang upuan na wala ng arm rest. "No. what I want you to do is surrender your position to me. Then pakakawalan ko kayo ng buhay." hibang na sabi nito. Hindi ako matinag ng tingin dito. Nag labasan ang mga tauhan ni tanda. Na lalong kina ngisi ko at umiling ng marami. Continue.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD