CHAPTER 29

1654 Words
- BLAKE SHIN Pag dating namin sa bahay nila maka laglag ito ng panga sa ganda at laki. Hindi ko na itatanong paano nila nalaman ang planong pag papat*y samin ni don alfonso. Dahil sa klase ng buhay nila alam kong madali silang maka kuha ng information. "Wow ang ganda parang palasyo tapos ang ganda ng hagdan.." nginiting ngiti wika ng kapatid ko Pinag halo itong gold, white off white at ang sahig hindi basta basta tiles kundi marmol ito yari na parang abuhin ang kulay o design nito. Nag kalat ang malaking chandelier na yari mukha sa ginto. "Miss flame.. Totoo pong ginto yang chandelier?" tanong ng kapatid ko. "Yeah." tipid na sagot nito. Tiningnan ko ito halata itong namumutla ito. "Hija saan ito nabili mo? Ang ganda at ang design ng bahay so elegant.. Puro glass yari." tanong ni tita shobe mommy ni hanz ito kasama si tito Christan na kapatid naman ni tita Christine. "Hmmm yung house sariling design ko ho ito at yung gamit ako mismo pumili. Mga 75% i think sa Bahrain po yan kinuha." sagot nito na kina gulat ko. Tiningnan ko sila tris at ganun din sila. "Architect ka ba hija?" tanong ni mommy. Mabilis itong umiling at tumango pero ngumiwi din agad. "Sorry hindi ko po kasi tinapos kaya ganun ang reaction ko." sagot nito. Natawa naman ako kaya pala ganun ang ginawa niya. Napansin ko sa second floor may babaeng naka silip nakatago s'ya sa likod ng poste. "Who is she? she's hiding kasi." turo ko sa babae. Nilingon ito ni flame "She's winter helliana. Bunso namin bumaba ka dito. Walang kakain sa'yo dito." malamig na sagot at utos nito. Kumilos naman ito agad at dahan dahan bumaba ng hagdan.. "She's cute.." rinig kong bulong ni hanz at cyrus. "Wag ka mag kamali kung ayaw mo ilibing ka ng ate n'yan ng buhay.." paalala ko dito na kinasimangot nito. " Hi I'm winter po." nag taas ito ng kamay at agad nag tago sa likod ng ate n'ya.. She's scared? for what? Pero pansin kong naka tingin ito kay crystal. "Gumagana po iyan miss flame?" tanong crystal kay flame.. Naka upo kami ngayon sa sala at napaka laking sala nila na may malaking flat screen tv din. Habang si flame naka tayo lang at maka sandal sa pianong naka display sa medyo kalayuan. "Yeah pati yung isa sa taas na kulay brown. Tatlo ito yung isa puti naka tago name naman nun is white horse.." paliwanag nito at pinatugtog ang piano ng ilang nota. "Meryenda muna kayo pasensya na natagalan." sabi ng babaeng tingin ko ay katulong ito.. "Okay lang ho iyon." sagot ni mom at tinulungan pa ito. "S'ya po pala si nanay fely at sila ate joan at joyce. nay mga ate sila po makaka sama natin sa bahay.. " Pakilala ni flame samin dito. Tingin ko hindi katulong ang tingin niya sa mga ito.. Tumango at ngumiti lang ang mga ito at umalis agad.. "Ate flame pwede ko po s'ya maging kaibigan?" tanong nung winter sabay turo kay crystal.. Nilingon ito ni flame at ngumiti.. Ang ganda niya kapag ngumi-ngiti pero madalang niya itong gawin. "Sure.. But ask her first." sagot ng ate nito . Sa gulat ko bigla itong lumapit kay tal at hinawakan ang kamay nito at hinila. "Hey! hindi laruan yan tao yan." maagap na suway nito sa kapatid na kina tawa namin. "Sorry.. Tara sa kwarto ko dali." hinila na naman nito si tal.. "Winter helliana lavistre!" muling tawag nito sa kapatid. Kaya lumingon ito. "Ate. Pwede share kami ng room?" tanong ulit nito. Mukhang makulit ang isang ito. "I don't know just ask her if she willing to sharing room too." sagot nito. Kaya nag usap yung dalawa biglang tumango silang pareho at tumawa. So i think settle na ang lahat. "Okay daw po." ngiting ngiti ng kapatid nito. "Fine. Bumaba kayo dito para kumain ng hapunan." utos nito na agad naman ang takbuhan ang dalawa. "Kayo po kailangan niyo po muna mag pahinga may 2 hours pa para sa hapunan." magalang nitong sabi sa amin "Okay hija kung may maitutulong kami ha willing ako.." mommy said. Tumango naman ang dalawa kong tita. "No need po pahinga po kayo yun okay na ako. Ate jo at joyce? paki dala naman po sila sa magiging kwarto nila." tumayo ito ng maayos at lumapit sa dalawang babae "Okay flame.. Tara po sa taas." wika ng babae. "Ako po si joyce s'ya naman si joan.." pakilala nila samin habang naka ngiti "Mabait ba ang amo niyo?" tanong agad ni mom. She's super interested kay flame simula ng makita niya ito sa mall. "Si flame po? Ayaw niya pong ituring namin s'yang amo or I ma'am namin s'ya minsan po nadudulas." sagot ng joan. "So family kayo dito?" tanong ni mom ulit.. Nang ilibot ko ang mata ko masasabi kong maayos ang lahat minimilist ang second floor nag mumukha itong malines lalo at malawak. "Parang ganun nga po. Hindi po kasi gusto ni miss flame na katulong ang tawag samin." sagot ng joan ulit. "Uy jo. Dito sila ma'am christine at sir leo sa kwartong ito.. Guest room po ito pero ginawa naming kwarto kanina inutos kasi samin ni nay fely. Tara po." aya nung joyce kaya sumunod na lang din kami. "Ayun po yung bathroom two doors po iyan una ang toilet may sariling pinto ho iyon. Pangalawa kung saan po kayo maligo kumpleto ho iyan sa loob.." ngiting paliwanag nito. Tiningnan naman ito agad nila tita. Ang ganda ng kwartong ito. Gray lang ang kulay pero hindi ito panget tingnan. Kung papasok ka dito at tatambay t'yak tulog ka agad. "At ito po ang walk in closet. Wag niyo po hilahin ha. Just push very very soft mag open po iyan." idinemo pa nito ang gagawin nakaka mahangha. "Grabe ang ganda ng kwarto na ito. " manghang sabi ni mom. Totoo nakaka mangha para sa isang 21 year old may ganitong bahay at mansion pa. At ang mga gamit halatang pinag isipan. "Lahat ba ng kwarto ay ganito?" tanong ni tristan. "Oho sir. Maliban sa room ni miss flame kasi yung kanya po kasi pag pasok mo wala ka pong makikitang closet kama lang study table. Mirror at mga iilang gamit.." si Joyce ang sumagot. "Huh? Bakit?" takang tanong ni kaito. "Kasi po. Nasa likod ng pader ang kanyang walk in closet bawal kami pumasok doon pero nakita na po namin iyon. S'ya lang po kasi pwede doon s'ya din nag lilines." paliwanag nito Masyado naman s'yang estrikto. "Aah.." tanging sagot na lang ni kaito at nag kamot ng ulo. "Pero maganda ang kwarto niya kahit medyo nakaka antok sa loob. Hirap po kasi s'ya matulog kaya ganun ang kwarto niya. Gusto n'ya daw pag pasok niya tulog agad.." ngiting paliwanag ni joan Mukhang may insomnia pa ata yung babaeng iyon.. "Gusto ko na tumira dito.. Ay mga day asan yung mga kuya n'ya?" tanong ni mom. Feeling close na agad ito. "Mom too much question.." awat ko dito. Tiningnan lang ako nito. "Ah sila sir? Baka po hindi uuwi iyon ngayon hindi ko lang po alam.." sagot nito kaya tumango si mommy. "Uy Joan dalhin mo na ang boys sa kwarto nila ako na bahala kina madam." tulak nito sa kaibigan "Maka tulak naman 'to. Tara na po mga sir." aya nila at sumunod naman kami agad. "Ah miss pwede bang iisang room kami?" tanong ni yj. "Po? ay hindi na banggit ni miss flame. Wait po itatawag ko." lumapit agad ito sa parang speak sa pader na naka dikit. "Nay ni miss flame?" tanong nito. "Nasa pool. Doon ka kumunekta." utos nito kaya agad din may pinindot na number. "Flame speaking..." malamig na sagot nito "Ma'am pwede po bang iisang room daw po ba ang boys?" agad na tanong nito. "Pwede pero isang kama lang iyon. Kung kaya nila itulak yung kama lang sa katabing kwarto pwede iyon. Buksan mo lang yung ang sisilbing pader." paliwanag nito "Paano kaya iyon?" tanong na pabulong ni hanz. "Okay ma'am kaya ko po iyon." sagot ng babae at pinatay na. "Tara po.." ngiti nito at sumunod kami ulit. Pumasok kami sa isang kwarto na bungad ay kama agad. Masasabi kong naka laan ito para sa lalaking gagamit.. Nagulat ako ng biglang Bumukas ang pader at niluwa nito ang isa pang kwarto at ganun din ang mga sumunod. "Teka! Hindi ba semento yan?" tanong ni hanz. "Po? Hindi ho pero sound proof po ang buong bahay kahit po gawa iyan sa kahoy o kung ano po ang tawag dito hindi parin mag kakarinigan. Pero tuwing gabi lang po nilalagay ang sound proof. Naka set na po iyon sa buong mansion.." Paliwanag nito samin maya maya pa. Biglang lumines ang sahig. Nag umpisa na s'yang itulak ang malaking bed. "Sh*t tulungan natin!" sigaw ko at binitawan ang bag ko at tinulungan itong itulak Ganun din ginawa namin sa walong king size bed. pinag dikit dikit ito. "Mga 6pm po makikita ninyo na kusang baba ang mga kurtina at iilaw po iyan pinto ibig sabihin nag uumpisa ng mailagay sa sound proof at bullet proof ang mga salamin. Bullet proof naman po iyan mag hapon pero mas doble sa gabi." paliwanag nito at tumango na lang kami. "Ahmm mga sir iyon po ang bathroom pareho lang din po sa kanina. Labas na po ako kung may kailangan kayo. Ayon po iyong intercom pindutin niyo po yung line 1 sa kusina po iyon." ngiti nitong paliwanag. "Sige maraming salamat.." sagot ni Kenneth. Lumabas na ito at sinara ang pinto. "Grabe ang bahay na ito high-tech masyado. Pinag isipan ang bahay na ito." mahinang usal ni jun habang naka upo sa kama Tama siya pinag isipan ito..Mukhang para na rin maging ligtas ang maiiwan dito. Sa guardhouse pa lang mahigpit na.. - The villian will always be the villian. If the hero tells the story
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD