CHAPTER 31

1962 Words
- FLAME Matapos iyong nangyari kahapon andito ako sa kwarto ko nag bibihis. Sabi kasi ni mika may gaganapin na aution sa isang hotel. Ang sabi lang sakin kailangan ko pumunta pero hindi bilang babae dahil baka mag ka gulo. Ang plano ko mag isang pupunta doon pero makulit sila kuya. Mas lalo si kuya storm.. Ayoko man gawin ito pero wala akong choice kundi mag damit bilang lalaki. At mag panggap na lalaki at mag mukhang lalaki, may maskara ako bilang lalaki kaya hindi iyon problema minsan kailangan ko talaga ito gawin mas lalo kung hindi allowed ang babae sa lugar. Kung sa finger print? handa ako pekeng kamay lang din itong gamit ko. Habang sinusuot ko ang maskara ko pumasok si winter mula sa reflection ng salamin kita ko ang gulat nito. Habang naka hawak pa sa bibig niya. "Oh- My - God! ang gwapo mo ate! ikaw ba talaga yan?" mabilis itong lumapit sa akin at tiningnan ko ito. "Yeah. Maskara ka lang ito fit ito sa balat ko hindi ako mag mumukhang babae dito." sagot ko habang inaayos ang wig ko na nakakabit din sa mismong maskara kahit ang leeg nito ay hindi rin totoo.. "Grabe ang astig mo. Wait ate paano ang boses mo?" tanong nito. Mukhang napansin niyang babae parin boses ko. Kinuha ko ang maliit na kahon at kinuha ko ang voice changer mula sa babae gagawin nitong lalaki ang boses ko. Pinasok ko ito sa loob ng bibig ko at kinabit sa ilalim ng dila ko. Bago pinindot ang switch at ilipat sa male voice at nag salita. "Ayos na ba?" tanong ko dito na lalong kinalaki ng mata nito. Inayos ko ang necktie ko at sinuot ko ang earpiece na pareho din sa kulay ng teinga ko pero transparent ito. "Oh my god na talaga ang gwapo ng boses!" tili nitong sagot. Nangiwi ako dahil doon. Tumayo na ako at kinuha ang tuxedo ko at tinupi at sinabit sa kanang braso ko "Ate ay este kuya ano po magiging pangalan mo?" tanong nito at sinundan ako palabas ng kwarto ko Tiningnan ko muna ang oras sa wrist watch ko. It's 7:30pm mag sisimula ang bid bandang 9:30pm.. "Just call me schneizel lamperouge." sagot ko. At bumaba na kasama si winter. Nakita ko ang mag dela vega na naka upo sa sala habang kumakain ng pop corn. Pag baba ko dumeretso ako sa kusina ng hindi nila napapansin. "Ang gwapo ng pangalan ate.." sabi nito at naupo sa arm rest sa sofa. "D'yos ko! sino ka!?" sigaw ni nanay na kinagulat ko. Naka tutok sakin yung hawak niyang kitchen knife umatras naman ako bigla "Nay ano ka ba ako ito! si flame pambihira naman sabi ko nga diba kailangan ko mag disguise as a man?" paliwanag ko agad dito. Bigla ito napa hawak sa baba niya at tumango. "Oo nga pala. Anak naman nagulat ako sa'yo at wow ang gwapo mo anak?" puri nito sa'kin. Naka hinga ako ng maluwag dahil doon. "Nay alis na po ako. Naka taas ang security ng bahay na ito ilock niyo lahat ng pinto." paalam at paalala ko dito. "Okay flame mag ingat ka." sagot nito na kinatango ko. Uminom muna ako ng tubig at umalis na ng kusina. "Wag na kayong lumabas ng bahay mas lalo wala ako." paalala ko ng makarating ako sa sala at lahat sila naka tulala at ang iba naka nga-nga pa "What? ako ito si flame.." pakilala ko ulit at nag kamot na ng ulo. "Hala ate ang gwapo mo po!" puri ni crystal. Nginitian ko ito. "Thanks. But i need to go. " paalam ko dito narinig ko pa ang pag sabi nila ng ingat. Kinuha ko agad ang sasakyan kong Lamborghini Aventador. Sumakay ako agad dito at mabilis na umalis lugar. Agad kong tinawagan sila kuya at sinabihan doon na lang kami mag kita. Tulad ng lagi naming ginagawa sa mga ganitong mission. pag dating doon hindi kami mag kaka kilala dahil makaka halata sila. Paano ako lalaban ng wala sila? Isa lang lumaban kahit papaano hangat kaya. Kahit pa sugatan ako sanay na ang katawan ko doon. Kaya baliwa na ito sakin.. Binilisan ko pa ang papatakbo ng sasakyan. Buti hindi gaano ma traffic siguro dahil papunta pa lang pero kung pabalik panigurado ay traffic na.. Lagpas tatlumpong minuto nakarating ako sa sinasabing hotel ng mga pinsan at kuya ko. Hindi ko alam kung anong io-auction pero mukhang mahalaga ito at kahit si tanda gusto itong makuha. Pumunta ako sa underground parking at hinanap ang pwedeng pag lagyan ng sasakyan ko. Matapos bumaba ako agad dito walang security kaya makaka-dala ako ng baril o kahit ano nag decide ako na maliit na 38 lang ang dadalhin ko. Wala naman akong problema sa combat dahil marunong din ako. At lahat ng nasa paligid ay pwedeng gawing weapon. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang number kung saan gaganapin ang auction. Nang umandar ito ay sumandal muna ako at nag suot ng ng contact lens na blue. Mahirap na makilala ako gamit sa mata. Sabi nga nila ang kalaban kahit anong tago mo ng mukha mo makikilala ka parin.. Tumigil ang elevator sa first floor. May pumasok na dalawang ginang na tingin ko ay may mga asawa na mga magagara ang suot nito lumikinang lahat. "Ang gwapo mo naman hijo. Kung single ka pa pwede kita ireto sa magandang anak ko." ngiting ngiti sabi ng babae. Hindi ko na lang ito pinansin dahil hahaba pa ang usapan. Nakita kong same floor kami. Muli kong pinadaanan ng tingin ang dalawang babae at naisip ko na baka asawa ito ng mga sasali sa auction. Nang tumigil ito agad lumabas ang dalawa ganun din ako. Nakita ko agad sila kuya at damon kasama sila Lance at ken na panay ang hikab. Hindi ako tumigil pero pinakita ko sa kanila na hinawakan ko ang ilalim ng rolex kong relo at pinadulas sa hintuturo ko. Ang ibig sabihin ay umpisa ng mission at nang maka lagpas ako nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod at nag sign language. Na ang ang sabi ko mag hiwa-hiwalay kami pag dating sa loob. nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng maka pasok ako Oo may earpiece akong suot pero hindi lahat ng oras kailangan gamitin iyon. Tulad nito hindi dapat marinig o malaman ng iba. Nag lakad ako palapit sa isang babae na naka itim na dress na kita na ang cleavage nito.. "Good eve--- I'm sorry good evening sir. Ano hong pangalan nila? bidder din po kayo or manonood?" ngiting tanong nito. "Schneizel lamperouge. Both " sagot ko at pinakita ang gold card ko na naka pangalan sa lalaking pakilala ko. "Okay sige ito ho ang table number niyo." sagot nito. Nang kunin ko na alam kong sinadya nitong hawakan ang kamay ko. Sorry miss babae din ako.. Pag ka kuha ko umalis na lang ako ng hindi ito pina-salamatan. Naupo ako sa harap base sa number at ka table ko ang iilang mga personalidad at ang iba sa kanila mga lalaking mayayaman na gusto lang mag ubos ng milyones. "Oh.. Are you new here? because this is the first time i saw you here." tanong ng lalaking puti ang buhok o dilaw hindi ko alam basta may buhok. "Yeah.." tipid kong sagot maya maya may lumapit na babae dito at agad umupo sa hita nito Iba ata kutob ko dito ah.. Sa hitsura ng babaeng ito mukhang alam ko na kung ano pang ibebenta dito. Maya maya nag labasan ang mga babaeng walang ni isang saplot. May usot silang maskara at itim na hat at hawak na bastos. Palihim kong nilibot ang mata ko. Ang mga kalalakihan ay halos lumuwa na ang mata sa sobrang pag titig.. Tumayo ako ng dahan dahan at nag lakad papunta sa likuran ng stage. Hangang sa narinig ko ang usapan ng dalawang lalaki. "Delikado ang crown na yan purong dyamante yan galing pa yan sa spain. At hindi natin pwede ilabas yan." ani ng isang lalaki. " Hindi pwede magagalit sa atin ang don Alfonso. Kailangan ipag bid natin yan at kailangan ang apo niya ang maka kuha at para Ito ang pag bintangan na ninakaw ang corona." sagot ng lalaki. Sumilip ako at nakita ko sa isang glass cage na may lamang crown. "Haist mamaya ipapatay tayo kapag hindi-" lumabas ako sa pinag tataguan ko. "Ako na ang bibili niyan. After ng gabing ito umalis kayo ng bansa dalhin niyo ang pamilya niyo." halata sa mga ito ang gulat.. "Sino ka?bawal ka dito." ani ng isang lalaki. "Schneizel Ang pangalan ko bibilihin ko yan o ibigay niyo sakin. Dalhin niyo sa underground parking susunod ako kung gusto niyo pa mabuhay." banta ko sa kanila na nakita ko agad ang takot sa mukha nila. "Inyo na po kunin niyo na basta ayaw namin mamatay!" sabi ng isang lalaki. Agad agad nitong nilagay ang crown sa isang bag at iniabot sakin. "Here. Pumunta kayo sa address na yan dalhin niyo ang pamilya niyo sila bahala sainyo mag labas sa inyo sa bansa. Gawin niyo ito at wag na wag na kayong babalik dito." utos ko na agad nilang kinuha. Pinindot ko ang earpiece ko. "Onze sunduin mo sila mag pa kilala ka at kapag hindi naniwala call me.." bulong kong utos dito. "Yes boss ako na bahala mag secure sa kanila." sagot nito. sunod kong kinontak sila kuya. I need magic ngayon. "I need help kuya. Mag lalakad ako papunta sa likod sa papunta iyon ng male comfort room. Sundan mo ako doon tawagan mo sila din na ganun ang mangyayari." bigay king instruction dito at nag lakad na ng pasimple. Dahil busy ang mga tao ay hindi nila nila ako napapansin. "Okay pero may isa pa dapat tayo makuha." sagot ni kuya thunder. "Ano yun?" tanong ko at lumiko sa kanan. Hindi ako lumilingon sa likod para walang maka halata lalo sakin "Ang imperial crown ng spain. Gusto ni lolo makuha mo iyon dahil alam niyang naka broadcast live ang bidding sa buong mundo. Ibig sabihin para ikaw ang habulin." kuya said. "Nakuha ko na ibabalik ko ito sa imperial family. Si winter mismo ang mag babalik sa pamilya niya." bulong na halatang may umubo pa sa kabilang linya. "Totoo? how?" kuya storm and ken " Kinuha ko sa mga nag babantay. Babaliwin ko si tanda sa sarili niyang katangahan at ipapakita ko pa sa kanya na ako ang hero." natatawa kong sabi sa mga to. "Flame i mean schneizel change plan. Deretso na tayo umalis tapos na tayo dito!" kuya thunder. "Not yet kuya." sagot ko at inayos ang bag sa loob ng mens room at pinakiramdaman ang paligid.. Hangang may sumugod sakin from the back kaya agad kong iniwasan iyon at sinuntok ang sikmura nito na at tinadyakan. " Ikaw si flame morjiana!" sigaw nito at binunot ang baril sa tagiliran nito may silencer ito kaya agad kong inagaw iyon at sa kanya pinutok iyon. "Ako nga kaso hindi mo na ma rereport." sagot ko at kinuha ang wireless body mic nito at sinira iyon at saka hinila ang katawan nito papunta sa itaas ng stage kita ko ang mga tao sa baba. "Boss?" si lance iyon nasa likod ko "Kunin mo ito at dalhin sa kotse ko." hinagis ko ang bag at susi ng kotse ko. "Iwan mo ang susi sa upuan mg kotse ko don't lock it. Go!" utos ko at hinila ang bangkay ng gagong ito at sinampay sa bakal na railing at hinulog sa stage na kinagulat ng lahat. Ang iba pa at tumili sa takot. "Surprise m*therf*cker!" bulong ko at umalis ng mabilis sa lugar... - A mask may concealed your face, But it cannot hide the intentions of your heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD