-
FLAME
Ito ang unang araw ng dalawa sa school nila at excited sila sobra. Ito pa nga ang gumising sakin kanina.
"Girls ready?" tanong ko habang inaayos ang suot kong black trouser at croptop 3/4 na pang itaas na black and white.
Nag lagay din ako black cap na may tatak na addidas.
"Yes po." naka ngiting sagot ng dalawa.
"Alright let's go." aya ko sa dalawa. Nag lakad na sila palabas.
Lalakad na sana ako ng may umiyak sa taas na bata.
"Tita mommy!" iyak nitong tawag sakin.
Nag tawanan naman yung dalawa at nag kamot naman ako ng pisngi.
"Lika kana kiss ako babalik din ako agad." tawag ko dito at kinawayan pa ito para bumaba.
Bumababa s'ya habang umiiyak. Kaya bago madulas ay sinalubong kona at binuhat.
Para na naman siyang tuko na naka kapit sakin.
"Hahaha ikaw na mommy nyan ate." pang aasar ni winter.
"Hindi yan malabo.. Psst helliot aalis muna ako at babalik din ako hahatid ko lang sila.
Behave ka lang dito okay?" pagka usap ko dito at pinunasan pisngi nito.
Tumango naman ito pero ayaw parin kumalas sa yakap.
"Ate.. kunin mo na ito." sabi ko kay ate sky na ngayon ay tumatawa lang.
"Halika na bunso babalik din si tita mommy." kausap ni ate sa anak niya.
Una ayaw pa pero sumama din agad.
"Alis na kami ate." paalam ko at tumakbo na palabas baka kasi iiyak na naman.
"Hahaha ate may pipigil na sa'yong lumayas." pang aasar ni winter habang naka sakay.
Pinaandar ko muna ito bago siya sinagot.
"Eh hindi parin maiiwasang hindi ako aalis" sagot ko at nag drive ng maayos.
-
Naka rating kami sa campus ng maayos pero pakiramdam ko may sumusunod samin. Pero binaliwala ko na lang iyon.
"Yehey! makapag aral na ako ulit!" masayang sabi ni winter at kumapit pa sa braso ko habang nag lalakad ako ng naka pamulsa.
"Aral ha ayoko ng malaman may nanliligaw o pumuporma sainyo." bilin ko sa dalawa. Andito na kami sa room nilang dalawa.
Tourism ang kinuha nila hindi ko alam kung bakit.
"Opo ate." sagot ni crystal. Ginulo ko buhok nito at ngumiti ng tipid.
"Crystal ngayong nasa sakin ka. Gusto ko mag aral ka ng mabuti. Wala kayong kailangan ireach na grade dahil alam ko kung gaano kahirap nag aral ng kolehiyo.
Kaya do your best both okay?" kausap ko sa dalawa at sabay silang yumakap sakin.
"We will ate thank you so much!" winter saka kumalas na.
"Opo. maraming marami pong salamat!" crystal. Tumango ako at sinenyasan silang pumasok na.
Nang makitang ayos na sila sumibat na rin ako dahil may pupuntahan ako.
Hindi pa dumadalaw ang nanay ni crystal sa bahay hindi ko alam bakit.
Pinakuha lang nito ang needs na documents ni crystal sa driver namin..
At ang huling usap namin eh humihingi ito ng tawad. Pababa na ako ng may napansin akong kakaiba sa paligid ko.
Napa tigil ako sa pag baba at tumingin sa malaking bintana dito mismo sa hagdan.. Nakita ko isang abandonadong bahay may naaninag akong tao.
Dahil sa pag titig ko dito hindi ko namalayan nasa harap ko si ken.
"Boss?" tawag nito sakin. Nilingon ko ito agad.
"Ken may pakiusap ako. Bantayan mo sila crystal at winter may banta sa buhay ni winter." pag amin ko dito. Napa tango ito at ngumiti agad.
"Ako na bahala boss. Makaka asa ka." ngiti niyang sagot.
"Salamat.." tinapik ko ang braso nito at nag lakad na ulit pababa.
Nag aaral rin siya dito kaya madalang ito mag pakita.
Nag punta ako sa kotse ko na sa may gate ko lang nilagay. Biglang may bola ng volleyball ang bumato sa kotse ko.
Sinipa ko ito pataas at sinalo gamit ng isang kamay ko at humarap sa kanila.
"Ikaw yung bumastos sa boyfriend ko nung Saturday." sabi ng babae na naka pang volleyball.
"Then?" bored kong tanong dito habang pinaiikot sa ilang darili ko ang bola.
"Wala pang nakaka ganun sa kanya! Alam mo ba na lahat ng babaeng titingin sa boyfriend ko at pinag ti-tripan ko?" sabi nito at ngumisi. Tumawa naman ang mga kasama niya
Nag lakad ako palapit sa kanya at tiningnan ito sa mata.
"Alam mo ba na wala akong pakialam?" sagot ko dito at kinuha ang maliit na dagger ko at binutas sa harap niya mismo.
Tinapon ko sa sahig ito at humakbang paatras.
"You!---" pinutol ko agad ang sasabihin nito ng tutukan ko ito ng b*ril.
"Subukan mo ituloy kung ayaw mo kumalat yang utak mo sa daan.." malamig kong banta dito na kinatakbo nila..
Tss. Bitchy act hindi naman kayang panindigan, tiningnan ko ang fake gun na hawak ko at kinalabit ang gatilyo nito lumabas ang lollipop doon at sinubo ko sa bibig ko.
Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito palayo at mabilis patungo sa UG.
Hindi naman nag tagal naka rating ako. Si kuya danny ang susundo sa dalawa mamaya..
"May bagong mission?" tanong ko ng maka pasok ako at naupo sa billiards table.
"Opo boss ito oh." sagot ni jenica at inabot sakin ang isang folder na may lamang information.
Hindi ako sumagot at binasa ito at tiningnan ang mga armas na ipapasok pa lang.
"Status?" tanong ko ng hindi sila nililingon.
"Isang private helicopter po ang mag dadala ng mga yan. Nasa pito ho sila." sagot ni divine. Napa tango ako.
"Okay. Ganito gawin niyo alamin niyo lahat saan dadalhin o ibaba yan. Saka nakawin at itambak niyo sa harapan ng police station kung saan nito ibaba." utos ko.
"Yes boss. Ay boss may nag padala po nito sainyo nitong email." si mika naman nag salita at pinakita ang email sakin sa malaking screen.
Tiningnan ko ang mga litrato ako at si winter iyon nung pumunta kami ng mall...
"Hayaan mo sila mismo lumapit." sagot ko.
Inayos ko ang suot ko at umalis na rin agad.
Kung may natutunan man ako bilang russian is. Hayaan mo ang kalaban ang lumapit sa'yo para lamang ka sa laban.
Utak ang gamitin mo hindi ang puso at galit mo.
Dahil yan din dahilan ng pag katalo mo.
Kung mapapansin niyo hindi ako sumusugod agad o hindi talaga. Dahil gusto ko sila ang gagawa nun hindi ako.
Habang nasa byahe ako nakita ko ang gitgit ng dalawang itim na SUV sa kotse ko.
Tiningnan ko muna ang paligid maraming sasakyan pero wala sila siguro pang napapansin.
Mas binilisan ko pa ang pag maneho ng sasakyan hangang lagpasan ko sila.
Ngumisi ako ng humabol pa ang mga ito.
"Baka nakaka limutan niyong racer ako?" tanong ko sa hangin.
Tinapakan ko pa ang gas ng hindi pa ito sagad at pinatakbo ito sa itaas ng skyway stage 3.
Mabuti at hindi gaano ka dami ang sasakyan o motor
Nang sumunod sila sakin sinadya kong gitgitin ulit nila ako.
Alam ko sagad na ang bilis nila ng ayos na at alam kong hindi na nila kaya kontrolin ang sasakyan nila at hindi na sila makaka atras pa tinapakan ko agad ng break ng kotse.
Konti na lang alam kong mahuhulog din ang isang gulong kotse.
Yung dalawang SUV ang nahulog ngumiti ako mabilis na inatras ang kotse ko at bumaba doon.
Sa ganitong sitwasyon maraming tao wag na wag kang mag lalabas ng b*ril kung ayaw mo mag ka gulo ang mga tao.
Make a way para walang masaktan na Iba, ibahin mo ang ini-except sa'yo ng kalaban.
If they think na lalaban ka sa marahas na paraan kahit tirik ang araw.
Baliktarin mo iyon wag kang lumaban humanap ka ng paraan to defeat them in just one snap..
Kung talagang gipit na lumabas ka sa paraan na gusto nila. Ang mga kalaban ko gusto nilang eskandalo like k*lling people in public chasing them like a animal in the forest..
Tinigil ko ang kotse ko at bumaba doon.
Lumapit ako sa kumpulan ng tao at tiningnan ang sakay ng SUV na ito. Buhay pa sila nawalan lang ng malay.
Sari saring bulungan ang naririnig ko. Kinuha ko ang lighter ni kuya storm na iniwan sa kotse ko at tiningnan ang paligid.
Tumagas na rin ang gas kahit sa pangalawang kotse..
"Habaging langit! Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ng ginang sa tabi ko.
Malayo sila sa mismong pinag hulugan kaya pasimple kong hinagis ang lighter na siyang naging dahilan ng pag silab ng apoy.
"Layo layo! baka sumabog yan!" sigaw mga enforcer. Nag lakad lang ako ng tahimik patungo sa kotse ko at sumakay na.
"1, 2, 3 boom!" bulong ko at mabilis na pinaandar ang sasakyan ko. Na saktong sumabog ang dalawang sasakyan.
-
THIRD PERSON
Napa hilot ang matandang lavistre sa kanyang sentido dahil nagawa na namang lusutan ng kanyang apo ang mga tauhan niyang pinadala.
Ang masakit pa dito pinasabog pa nito ang kotse na lulan ang mga ito.
"She's literally heartless." bulong ng matanda.
Sakto naman pumasok ang kanang kamay at ang asawa nito.
"Mahal na don. Gusto po sana sabihin sainyong ni ma'am Veronica na malapit na ang kanyang kaarawan." wika ni dithard.
"Gusto mo mag celebrate?" tanong ng matanda habang inaya nitong umupo sa kanyang tabi.
"Oo sana kahit dito lang sa mansion." lambing ng asawa rito.
"Sure ipapaasikaso ko na yan." ngiting sagot ng matanda.
"No no. Ako na bahala gusto ko ako gagawa." masayang sagot nito sa asawa na agad din umalis.
"Paano na 'to boss? nauubusan na tayo ng tao?" tanong ni dithard ng maka alis ang asawa.
"Mag recruit ng iba. Yung mga gangster yun ang gawin nating tauhan.
Uhaw silang makilala." sagot ng matanda.
Ngumisi si dithard at tumango saka umalis.
-
The truth is what i make it. I could set this world on fire and call it rain.