CHAPTER 40

1755 Words
- FLAME Halos dalawang araw lumipas hindi na nag pakita dito si tristan. Ito na rin yung araw na uuwi na sila sa laguna dahil na sigurado na nila na maayos na ang tirahan nila. Kung ano mang magic ang ginawa at nakumbinse niya sila tristan ay wala na akong pakilam. "Mommy ayoko pa umuwi gusto ko na dito.." ngusong reklamo ni crystal. Tiningnan ko sila. "No anak kailangan natin umuwi na. Walang kasama si kuya mo doon.." sagot ng ina nito.. "Matanda na si kuya saka baka gawing motel na naman nila yung bahay nakaka asar yung ingay." irap nitong sagot. Natawa naman ako don "You can still stay here.." singit ko sa kanila. "Pero hija..." halata sa boses nitong kabado. "About lolo? don't mind him. Kung ayaw niyo umuwi pwede kayo dito wala naman problema sakin." pag bibigay ko ng salita ko dito.. "Mom please.." pamimilit nito sa mommy nito. "Eh paano school mo?" tanong ng mom nito. "I can transfer her in my own school ang AIS." sabi ko dito na kinalaki ng mata ni crystal. Balak ko din doon ipasok si winter next week.. "Talaga po? mom sige na.." pamimilit nitong sabi.. Bumuntong hininga si miss aliyah at tumango "Okay fine. Basta babalik ako dito para sa pag transfer mo at mag stay ako dito kasama mo. Mamaya bigyan mo ng sakit sa ulo miss flame." pag payag ng nanay nito. Nginitian ko si crystal at kinindatan. "No problem tita. Bukas ang pinto para sainyo.."sagot ko at nginitian sila. "Sige hija ako na bahala na babalik ako bukas dito." sagot nito at tumango ako bilang sagot. Mabilis na inakyat ulit ni crystal ang gamit niya paakyat ulit. Pati si winter masaya din. Mukhang friends na sila. Hindi iyon malabo friendly na tao so winter kahit sa likod nito ay prinsesa ito hindi yun naging hadlang sa kanya.. "Sige po. Ingat kayo, Avel ikaw na bahala sa kanila." baling ko sa kanya. "Yes boss." tango nito at binuhat ang gamit ni miss aliyah. "Salamat hija ha sa pag papatuloy samin dito." ngiti nitong pasasalamat sakin. Niyakap naman ako nito. "Wala ho iyon." sagot ko dito at umalis na rin sila.. Pumasok ako ng bahay naabutan ko sila kuya na umiiling lang.. Kung nag pakita ang mga mag pipinsan? sagot ko ay hindi. Sabi ni nanay umalis daw kagabe Sa kwarto kasi ako nag hapunan. Medyo humihilom na rin nga sugat ko.. - BLAKE SHIN "Paano pag nalaman ng mommy mo ang ginawa mo kay flame? yari ka don." tanong ni hanz sa'kin. Pag nalaman ni mommy iyon panigurado ipag tatabuyan ako nun. Hindi ko rin naisip na may dalawang babae sa buhay ko ng gawin ko ang gusto ni tristan. aminado naman akong play boy ako pero ito ang oras para matakot na ako. "Kaya nga satin satin na ang nangyari na iyon. Saka hindi iyon natuloy dahil maaga pa lang pinutol na si flame.." sagot ko dito. Mag sasalita pa sana s'ya ng makita ko si mom na ang sama ng tingin sakin.. "Totoo ba ang narinig ko? pati ba naman si flame ha? hindi kana ba marunong mag tino?!" galit na sigaw nito. "Mom let me explain.. Plano iyon ni tris mom please believe me.." tumayo ako at hahawakan sana ang kamay nito pero pinalo niya ang kamay ko. Nanikip agad ang dibdib ko dahil doon. "Never pa akong ma disappointed sayo ng ganito. Aware ako sa mga panloloko pang gagamit mo sa mga babae mo, at pag dadala mo dito ay hinayaan ko lang. Pero yung ginawa mo kay flame? wala ka na ba talagang pag asang mag bago?" umiiyak nitong tanong sakin. Bigla akong natauhan at niyakap ko ito ng mahigpit. Hindi ko kaya kung si mom magagalit sakin. "Mom please last na ito. Hinding hindi na po ako uulit please.. I'm sorry I'm really sorry." sinubsob ko ang mukha ko sa neck nito at parang batang umiyak. "May sarili kang isip. Matanda kana pero asal bata ka parin hindi ka sakin dapat humingi ng tawad kundi kay flame. Ibang iba si flame sa lahat ng babaeng kinama at dinala mo sakin.. Kung siya lang ang babaeng mag papatino sa'yo gagawin ko ang lahat ng paraan para mahalin ka niya. " sabi nito at inalis ang yakap ko sa kanya. "Nakaka hiya ka. Babae pa ang mag bibigay sa'yo ng advice narinig ko din ang usapan niyo ng huli sa pool. Mag tino kana dahil ang gusto ko maging parte ng pamilya ko ay si flame hindi si althea hangat hindi ka nag titino hindi kita kakausapin. " huling sabi nito at umalis na ng tuluyan Naka uwi na kami dito sa laguna. Napa buntong hininga ako at nilingon si hanz na natatawa lang. "Mukhang magiging parte na ng dela vega si miss flame.. Hahaha panigurado titino ka kay miss flame." sabi nito na hindi napigilan na tumawa ng malakas. Naiiling na lang at napa hilamos sa mukha. Problema ko paano ko lalapitan ang babaeng iyon napaka aloof sa ibang tao. Mas lalo sa'kin. Hindi ko rin naman maintindihan sarili ko bakit gusto ko rin s'yang nakikitang naasar sa presensya ko. Nakaramdam na ako ng kakaiba sa dibdib ko na never ko pang naramdaman. Kahit ilang beses kaming nag hiwalay ni althea noon at nagka balikan din. Ngunit para sakin hindi na iyon mahalaga actually boring na Tanging tawag lang ng laman kaya pumapayag ako na maging kami ulit.. "Alam mo I can't imagine na maiinlove ka sa isa pang mafia boss na mas lalaki pa kumilos sa'yo. Tingin ko nga sa'yo may gusto kana sa kanya hindi mo pa lang alam.." tapik nito sa balikat ko at nag lakad palabas ng gate. "Wala naman masama mag ka gusto sa hindi natin kapareho na yakuza lang. Pero kailangan mo talaga trabahuin mapaamo ang tulad nya. Kasi kung hindi? never mo na makaka usap si tita aliyah.." pahabol nito at lumabas na. "Tang*na.." mahinang mura ko at napa hilamos ulit ng mukha at napa upo sa upuan ko. - FLAME Habang nag hahapunan kami biglang nag ring ang cellphone ni nanay kaya agad din sinagot.. "Okay po sir thunder sasabihin ko po agad." sagot ni nanay dito at tiningnan ko ito. "Nay ano sabi ni kuya?" tanong ko rito at pinunasan bibig ko. "Pinapunta ka ngayon sa bahay ng lolo mo andun din silang lahat." sagot ni nanay. Napa kunot naman noo ko dahil doon. "Para saan daw?" nag iba na ang tono ng boses ko. "May dinner ang pamilya ninyo at ikaw lang wala." sagot ni nanay at kumain na rin. "May ipapakilala si lolo mo na magiging asawa mo. Andun din daw ang mga dela vega." sagot ni nanay. Napa tingin si crystal kay nanay at sakin kaya nginitian ko ito. "Okay pupunta ako pero hindi ako mag tatagal." paalam ko at tumayo na saka nag lakad papunta sa taas. Sabi ni madrid hindi halata ang sugat ko o peklat binigyan nya ako ng pad na pwedeng ilagay para matakpan ito. Nag suot lang ako ng coffee brown satin slip dress, spaghetti strap burgundy. And high heels na saint laurent ang mismong takong nito. Hinalf ponytail ko lang ito at ginawang messy bun at ang apply ng light make up. Matapos iyon ay kinuha ko ang celine bag ko at susi saka bumaba na.. Hindi na rin ako nag abalang mag dala pa ng coat kung sakaling malamig. Hindi ako mag tatagal doon gusto ko lang basagin ang plano ni tanda. Sumakay ako maserati lavente ko at pinaandar na ito papunta sa bahay ni tanda. Hindi naman nag tagal dumating din ako. Sinalubong sakin ang mayor doma ng mansion. Pero hindi ko ito pinansin nakita ko din si dithard, tiningnan ko lang s'ya ng malamig. Mula sa may paanan ng hagdan rinig ko ang tawanan at tunog ng mga plato. "Senorita flame is here.." sabi ng katulong. Imbes na mag hintay ako at pumasok ako agad sa loob ng dining. Hindi na ako nagulat ng andito ang dela vega. "Hindi pala ako na inform na nag sama sama pala ang mga iba't ibang klase ng demony* dito sa iisang mesa?" tanong ko at confident na nag lakad papunta sa table ko. "Hi kuya." bati ko sa mga kuya ko at nginitian naman nila ako. "Ma'am ito na ho ang pl--" tinaas ko ang kamay ko para patahimikin ito "No need tapos na ako kumain. Gusto ko lang malamang sinong hinayupak ang ipakakasal niyo sakin." deretsa kong sabi at tiningnan si tanda na tumingin sa mga bisita niya. Nang balingan ko sila tahimik lang sila. Pansin kong wala dito si blake. "Oh I'm so sorry.. Hindi ko kayo napansin." plastic kong hingi ng paumanhin. Saka umirap lang. "Pwede morjiana maging magalang ka namang kahit isang gabi?" pabulong na suway tanda "Ayoko. Ganito na tayo noon at kahit ngayon ganito parin tayo. Walang babaguhin." sagot ko dito at pinag laruan ang spoon sa mesa. "Enough flame." kuya thunder. Napa irap na lang ako at nanahimik na lang. "I just want you to know your soon to be husband. Mr Tristan kurt dela vega." pakilala nito. I can't help but burst into laugh. "Really? hahahaha pwede ka na maging joker." natatawa kong sabi dito at tinakpan pa bibig ko. Nilingon ko si tristan ba ang sama ng tingin nito. "Flame. Stop laughing!" sigaw ni tanda. Tumigil ako pero tumatawa parin ng bahagya kahit sila kuya ganun din sila kuya Ezekiel. "Alam mo tanda. Busy akong tao pwede ba ipakasal mo yan sa ibang pinsan kong babae. At tigilan mo na tong ginagawa mo.." tumayo ako at tinukod ang dalawang pala ko sa mesa. Wala akong pakialam kung makitaan ako. " Kahit anong gawin mo itaga mo yan sa bato! hinding hindi ko ibibigay ang position ko sa'yo o kahit kanino." sabi ko sa mismong mukha nito. "Gusto ka niya flame.. Look hindi na ito tungkol sa mafia hindi ka na bata flame." seryosong sabi nito tumayo na ako ng maayos. "Tama ka hindi na ako bata. Kaya 'wag mo na akong pakialamanan.." sagot ko dito at binalingan si tristan. "At ikaw? ganyan ka ba ka desperadong gantihan ako? kakampi ka dito? baka pag hindi mo nagawa ang trabaho mo ipa tumba kana lang nito. Mag isip ka nga may utak ka naman.." sabi ko dito at tinapik balikat ni kuya storm at umalis na. Hindi ko intention mang lait o ano. Sadyang nakaka asar lang yung mga taong naturingang.. may tinapos hindi naman ginagamit. - WE ARE ALL BEING PLAYED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD