PEPSI’S POV
"Apo, baka kulang pa iyang polbo mo, dagdagan mo na."
Napangiti nalang ako sa sarkastiskong tugon ng pinakamamahal kong si Lola Mirinda. Oo, puro inumin ang pangalan ng angkan namin dahil sa pagkakamali daw ng munisipyo dati sa paglagay ng pangalan niya sa kanyang birth certificate. Miranda dapat iyon pero nagkamali ng isang letra kaya naging softdrinks siya nang wala sa oras.
Iyong pangalan naman ng mama ko ay Royalda kasi orange daw ang paboritong kulay ng lolo ko at para maging softdrinks din ang pangalan niya. Maipilit lang siguro.
And now, representing the third generation, the millennial one, is Pepsi. Pepsi Marie Herera...
Buti nalang at hindi nila naisip na maging 7-up or Mt. Dew ako. Mayroon akong kapatid na lalaki—si Sprite Louie Herera, he's twenty-eight years old at isang nurse sa Saudi. Single pa rin si kuya hanggang ngayon kasi busy masyado sa trabaho and he has this goal na patapusin muna ako ng college bago siya mag asawa.
Nasunog yung bahay naming sa Cavite ten years ago nang dahil sa katangahan ng kapitbahay namin na pangit na Japayuki. Magsigarlyo ba naman sa tabi ng LPG tank? Sumabog iyon at dahil magkatabi lang ang bahay namin ay nadamay kami. Sa awa ng Diyos ay nasa tindahan ako at that time kasi nautusan ni mama bumili ng Knorr cubes na pork habang ang kuya ko ay nangdadakip ng mga dragonflies sa damuhan. Iyong mga magulang ko ay nasa bahay lamang at dahil malakas at mabilis ang pagkalat ng apoy ay na trap sila sa kwarto at nasuffocate hanggang sa namatay.
Simula nang nawala sila ay si kuya na ang nagsilbing tatay ko. He was a working student noong highschool siya hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Ang lola ko naman ang nag-alaga sa amin sa bahay. Kaya simula nung nag-abroad si kuya five years ago ay kaming dalawa nalang ni lola ang magkasama sa bahay.
My lola is already eighty-five years old but she's still full of energy. Kahit na ugod-ugod na ito ay nakukuha pa nitong mag zumba minsan sa harap ng computer. She knows how to search for zumba videos sa Youtube. Yun nga lang, wala pang sixty-nine seconds ay hinihingal na ito at tataas na naman ang presyon ng dugo, kaya palagi ko siyang pinapagalitan because at her age she should just be resting on the couch or doon sa veranda sa labas to enjoy the fresh air. Kaya rin nitong makipagsabayan sa akin sa mga jokes at sarcasms ko kaya para ko na rin siyang bestfriend.
I looked at my reflection in the mirror and smiled at the horrible sight. I winked at myself and blew a kiss. Haaay. Ang ganda ko talaga. And no, hindi ako sarcastic. Maganda talaga ako, because being scary is beautiful.
This is my everyday routine. Sinasadya kong hindi magsuklay at kapalan iyong foundation at polbo ko just because. Wag nang daming tanong.
I'm first using this Chanel liquid foundation na binili ko online sa sss and then bubudburan ko ng baby powder ang buong ko mukha ko na parang wala ng bukas, and no, hindi ko idol si Sadako at hindi ako mag o-audition sa isang horror movie.
After that, i-aapply ko na yung liquid eyeliner. Dapat makapal at mahaba yung stroke para mas masarap...
At dahil routine ko na ito for almost six years, kasingbilis ko na iyong pusa sa pagtakaw ng ulam sa ibabaw ng mesa sa pag-apply ng eyeliner on both eyes at saka din sa eyelids para magmukha akong bwisit na panda.
Donning my usual all black get-up, I sighed and turned to my sweet old lola.
"Alis na po ako, La'." Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ingat ka sa biyahe apo, at sa mga lalaki." Medyo ngo-ngo niyang sabi. Nakalimutan niya naman siguro yung pustiso niya sa ibabaw ng ref.
"Sila po ang dapat mag ingat sa’kin, La'." I mysteriously smirked.
****
Alas otso pa iyong unang class ko pero pumunta ako ng maaga sa school dahil may hihiramin akong libro sa library. Kailangan kong pag-aralan yun para naman may maisagot ako sa quiz mamaya. Maraming mga mata ang umiiwas sa akin habang naglalakad ako sa gitna ng hallway.
Yes. I have quite the scary reputation at school. Halos lahat ng estudyante dito ay takot sa’kin at hindi ako sure kung ano ba talaga iyong exact reason. Of course, isa na iyong porma at hitsura ko, and to be honest, I'm enjoying it.
It feels good to be different. To be unique. To jump out the bandwagon and have my own identity. I don't want to be like those sosyal and maaarteng girls who lose themselves in the process of fitting into the trendy circles. Or maybe, their masks just fell off, unveiling their true colors.
But who knows? I don't give a s**t about them. They are all just a bunch of teenagers who only cares about their appearance and popularity status.
Wala rin akong mga kaibigan. Casual talks lang sa mga kaklase ko or basta may connect sa pag-aaral. I don't care about socializing anyway. Kaya ko namang mabuhay nang walang kaibigan.
Binuksan ko iyong locker ko para kunin yung ibang gamit at nung isara ko ito ay may nakakuha ng atensiyon ko.Wait, mga langaw ba yun? Tinitigan ko sila ng malapitan.
Anak ng lintik…
May dalawang matatabang langaw na nagtatalik sa itaas ng keyhole ng locker door ko. Iyong mas mataba ay nasa ibabaw ng isa, na parang nagdodogstyle or whatever.
I was busy staring at those two horny little creatures, totally amused when I felt someone looking at me. Lumingon ako at nagtama ang aming mga mata.
Si Jace Snyder.
He's one of the most popular and handsome guys at school... and the ultimate heartbreaker. Biglang bumilis ang heartbeat ko. Why is he staring at me? May kailangan ba siya sa’kin? Graduating na ako sa university na ito pero parang ngayon lang ata niya ako napansin.
He looks scared...and curious at the same time. Baka naman may dumi sa mukha ko? Bigla naman akong naconscious despite my efforts to look ugly.
Our staring contest was cut-off nang tinawag siya ni Zeus. Kasama nito si Marcus at ang girlfriend niyang si Angel. Oh, so andito na yung circle niya, iyong pinakasikat na grupo dito sa school. Napailing na lamang ako at umalis na sa kinatatayuan ko at baka kung ano pa ang sasabihin nila.
Pagkatapos ko sa library ay napili kong mag aral sa favorite bench ko sa little park ng campus. Looking around, walang masyadong student sa oras na ito dahil halos lahat ay may klase na at iyong iba ay nasa loob ng mga buildings, while me? I enjoy being outside and alone. I looked up at the cloudless bright sky and closed my eyes to inhale the morning air. Nakaka relax. Nakakalamig ng ulo.
When I opened my eyes, I noticed a familiar pair of eyes from one of the windows of the BSBA building sa second floor. I squinted to take a good look at it and realized that it's..him. Again.
Ano ba talaga ang kailangan nito? Hindi ko alam kung bakit pero parang nanginginig ako at bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ako komportable na tinititigan niya.
Pinukol ko sya ng matalim na tingin, and despite my efforts to scare him, ang walang hiya ay kinindatan pa ako. Muntik nang mahulog ang libro ko from my lap sa inis.
I looked away and continued reading my book. Kunyari. Pero hindi ako makaconcentrate. Tumingala ako ulit pero ayun pa rin siya, nakatingin.
Bullshit ito. Pasimple akong tumayo at pinukol siya ulit ng masamang tingin, this time, nilakihan ko ang mga mata ko. Baka sakaling matakot na.
Ang walang hiya, ngumiti, yung labas ngipin pa. Kahit sa malayuan ay tanaw dito kung gano kaputi ang mga ito.
Ako naman ba ang trip niya ngayon? What's the catch ba?
Kunsabagay, jinowa nga niya si Desiree, yung maganda ngunit mabaho ang kilikili na taga Tourism. Kahit malayo palang ay maaamoy mo na talaga yung putok niya mga ten meters, seryoso, at laking gulat ng lahat nang umabot sila ng isang buwan.
I looked away and walked back inside the building. Ang weird lang kasi hanggang ngayon ay damang-dama ko pa yung lakas ng heartbeat ko.
Oo, I admit he's very good-looking, but I will never fall into his charms. Over my dead body.
Wow, tiningnan ka lang, feeling mo type ka na kaagad? Hindi ba pwedeng naamuse lang kasi ang pangit mo? Assuming ha. Mahiya ka naman sa foundation mo girl!
Halos mapamura nalang ako sa subconscious ko. Guys like Jace and his friends are nothing but trouble disguised in beautiful forms, and as much as possible, we should stay away from troubles like them because it will only cause chaos and heartbreaks.
****
Katatapos lang ng last period sa umaga, and I'm on my way to the university canteen for lunch. Mga ilang sandali lang at may naramdaman akong presensiya sa likod ko. I closed my eyes in anticipation. No, it can't be him.
Lumingon ako.
Anak ng pitungput-pitong puting palaka... Siya na naman.
Mabuti nalang at makapal ang polbo ko. Naitago tuloy ang pagmumutla ko. And of course, hindi ko pinapahalata na apektado ako sa presensiya niya. Cool lang dapat mga besh. Kahit na basang basa na yung panty mo. De joke lang. Hindi ako ganung klaseng babae na halos mababaliw na sa mga gwapo.
"Hi, Pepsi." he greeted me with a smug look on his face.
Ang lakas talaga ng dating niya. Yung parang bad-boy na bentang benta sa mga girls. Nakasuot siya ng black shirt sa ibaba ng maong na jacket na mukhang mamahalin. Yung pang ibaba niya ay maong pants at black army boots. May mga ilang dangkal lang sa pagitan namin at mula dito ay amoy na amoy ko yung perfume niyang lalaking lalaki at mabango.
"You done checking me out?"
Doon ko nalang na realize na tahasan ko palang tinitigan iyong buong katawan niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga mata niya at tinaasan lang siya ng kilay. Hindi ako nagsalita. Poker face lang. Biglang parang nairita siya.
"Bingi ka ba?" tanong niya ulit. Again, poker face lang ako.
"Hindi ka ba marunong magsalita?"
Again, tahimik lang ako. Humakbang siya papalapit sa’kin hanggang sa isang dangkal nalang ang pagitan ng mga mukha namin. Kahit parang may digmaan na sa loob ng tiyan ko ay hindi ko ito pinapahalata sa kanya. Pinigilan ko ang hininga ko and stared back at him.
Ang ganda ng mga mata niya na medyo singkit, iyong kilay makakapal na may korte, at yung ilong ay matangos. Makinis din siya at parang walang pores.
From being irritated, his lips start to form into a devious smile.
"Maganda ka rin pala sa malapitan noh?" mahinang sabi niya. I stepped back in surprise. I didn't expect to receive a compliment from a Jace Snyder.
A triumphant smile came out of his lips. Nooo! Baka mag feeling siya.
Ano'ng akala niya, that he has that effect on me just like any other girls? Hindi pwede. He should be scared of me, just like everyone else.
I gave him a sweet smile before stepping forward and leaning closer to his face, near his ear, and whispered,
"You don't look bad yourself, baby boy."
Nang makita kong namula yung tainga niya, nakaramdaman ako ng kakaibang excitement. Mukhang hindi yata muna kinilala ni Jace ng mabuti ang bagong babaeng pagti-tripan niya this time.
Mr. Snyder, just so you know, in every game, there's at least two players...