PEPSI'S POV "Ano itong nababalitaan ko na nauubos daw 'yong baon mo dahil lang sa kakabili mo ng polbo?" Kahit nasa kabilang linya ng telepono ay mafi-feel ko ang pagmeet ng makakapal na kilay ng kuya kong si Sprite Louie. "Kuya naman, naniwala ka naman kay lola eh exag 'yon minsan. If I know, siya din ang nakakaubos no'n kasi napagkakamalan niyang asin minsan." sabi ko nalang habang nag-me make-up—este, polbo habang nag-aayos for school using my other hand. Parang nasanay na ako sa sarap ng feeling ng pagkapit ng polbo sa skin ko after ko maglagay ng foundation. "Ikaw talagang batang ka. Pangit ka na nga, mas pinapapangit mo pa ang mukha mo. Hindi ko alam kung ano'ng trip mo sa buhay." "Wow kuya, pakyu ka ha? Makalait eh parang mala Enrique Gil ang mukha." Actually, kamukha nga niy