Chapter 4 - Persistent Curiosity

1013 Words
PEPSI'S POV "Jace!" Bigla kaming napa-eleven steps apart ni Jace na animo'y nabuhusan ng mainit na tinola mula sa kisame nang marinig ang tawag ng girlfriend niyang si Angel. Mahirap na at pagselosan ako. Wow! Ikaw? Pagseselosan ng isang diyosa? Bigla akong iniwan ni Jace at preskong lumapit sa jowa niya na nakapameywang pa sa gitna ng daan. Nanlilisik ang mga mata nito. Uh-oh... "What the hell, babe? Ba't ka nakikipag-usap sa witch na yan? Gusto mo bang maging aso?" pabulong na sabi niya kay Jace habang pasimpleng sumulyap sa'kin. Bulong ba iyon? Buong edsa ay narinig ata iyon eh. "Ayaw mo nun? I do-dog style kita palagi. 'Di ba favorite mo 'yon?" malokong tugon ni Jace. Talaga ba, Angel? Napabungisngis 'yong mga chismosang walang hiya na nakarinig sa paligid. Pinigilan kong mapatutop ng bibig ko sa revelation. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Parang normal nalang ang s*x sa kanila. "Stop it, babe! Hindi ako nagbibiro."  Seryoso talaga si ateng. Kulamin ko kaya siya? Pero take note ha? Namumula siya. Totoo sigurong favorite position niya 'yon. "Kidding, babe. She followed me sa boys CR kanina. I think she's stalking me." pagsisinungaling ni Jace. Anak ng putang mais. Ako? Stalker? Sinungaling! Demonyo! Ginagawa pa akong desperada ng gagong 'to ah? "Seriously? Babe, please. Lumayo na tayo sa babaeng iyan. She looks kadiri and scary. Tingnan mo 'yong bibig oh, ang itim! Cracked pa. She should use ChapStick talaga." komento ng b***h. ChapStick? Eh kung ichap-chap lady ko kaya siya at ituhog sa nagbabagang stick? "Oo nga. Let's go! Baka hinahanap na tayo nina Zeus." Hinila na siya ni Jace pabalik sa canteen nang hindi man lang lumingon sa'kin. Nangangalaiti akong humakbang papalapit sa mga walang hiya. Huwag na huwag nila akong subukang magalit... Napatigil ako nung lumingon si Jace and mouthed the word, "SORRY" with sincerity on his face. Bigla akong kumalma. My muscles relaxed, and I wasn't really sure why. I looked around and saw intrigued and terrified faces na animo'y ako na ang pinakapangit at pinakanakakatakot na nilalang sa buong mundo. Na-stress tuloy 'yong mga patay kong buhok. Pinanlilisikan ko nalang sila ng mga mata ko at biglang parang may mga emergency ang mga ito at kailangan nang umuwi. Nung matapos na ang last period namin ay dali dali akong umalis. Papano ba na man ay si lola nagtext na hindi niya mahanap 'yong aso naming si Kuting. Yes, aso siya at hindi pusa. Baka nambabae na naman 'yon. Ilang araw na kasing tigang at pati 'yong pusa naming si Karen ay binabayo niya sa pwet halos gabi-gabi. Nagwo-worry ako kay Lola Mirinda. Bawal kasi ma stress 'yon kasi baka ma highblood na naman. Delikado baka biglang ma heart attack or stroke. Hindi ko yata kakayanin kung mawawala siya sakin. But life is short at lahat tayo ay may expiration dates. We just need to be ready anytime.  Especially Jace... He needs to be ready anytime soon... kung ayaw niya akong tigilan. Nasa labas na ako ng campus nang biglang may humablot ng kamay ko. I felt a shock of electricity at the mere contact. Napalingon ako, and speaking of the devil. With bulging eyes, I forcefully shoved his hand away. "Get off me." Nagulat siya sa pagtapik ko ng kamay niya. "Ang suplada mo naman. I just want to apologize for what happened kanina." "'Wag mo nang problemahin 'yon. Just don't bother me again." taas kilay kong sabi at iniwan na siya. Pero sumunod ang loko. "Hindi ko sinasadyang iwan ka sa ere kanina. Yung ano, friend ko kasing si Angel, may emergency." At may gana pang magsinungaling na friend niya lang si Angel eh pati siguro yung mga designs ng briefs niya ay memorize na ng mga fangirls niya dito sa school. He apologized dahil iniwan niya ako sa hallway and he thought nagalit ako dahil do'n? This jerk is unbelievable. Akala yata niya ay bobo ang lahat ng babae sa mundo.  Nakaka-highblood lang! Akala ko talaga nag so-sorry siya kanina dahil sa mga sinabi nila. Ang lakas talaga ng apog nito. Gravidad lang. Ang sarap inudnod ang mukha sa kilikili ni Desiree. "Pwede ba, Mr. Snyder, lubayan mo ako?" pikon na sabi ko sabay irap. "Come on, Pepsi. Gusto ko lang sanang makipagkaibigan." he gave me a boyish smile. He's cute, in all fairness. WTF, PEPSI MARIE. Stop that! I mentally shook my unholy thoughts away. I tried to look nakakatakot, 'yong silent but deadly na mysterious ba, saka hinarap siya ulit. With matching deep and eerie voice, I told him, "Wala akong panahong makipaglaro sa'yo, Jace. Kaya pwede ba, get a f*****g life?" Napakunot-noo na parang nairita ito sa sinabi ko.  Na hurt ego mo, besh? Ni hindi pa nga siguro nitong maranasan na ma-reject ng babae eh. Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa hintayan ng jeep without looking back at him.  Pero...sumusunod kaya siya? I mentally told myself not to look back. Mahirap na at mag fi-feeling naman siya. Bloated na ata 'yong ego niya kaya feeling niya ay kaya niyang makuha at matripan ang lahat ng mga babae. Mga ilang sandali pa ng paglalakad ko at hindi ko na siya naramdaman. Pasimpleng tumingala ako sa kalangitan na kunyari ay gandang-ganda sa mga ulap at sunset sabay galaw ng mata ko sa peripheral vision. Wala na siya. May mga 1/8 siguro sa kaibubuturan ko na nadisappoint. I mean, suko na siya kaagad? Habang naghinintay ako ng jeep, biglang may huminto na red na Ferrari sa harap ko. Ibinaba ng driver ang bintana and nagtama ang mga mata namin ni Jace. My heart raced in a sudden. Hindi ko alam na ang dami pala niyang sasakyan. Nilabas niya 'yong braso niya para isampay sa bintana at tumingin sa'kin. "Hey, doll. Wanna ride?" he winked thereafter. Uhm...aaminin ko na ang gwapo niya talaga, which made my whole body flushed. Bigla akong nataranta, and I didn't know why. May humintong jeep sa harap ng sasakyan niya, at sa dahilang hindi ako sure kung ano ay kumaripas ako ng takbo papunta doon na parang hinahabol ng zombie at tuluyan nang sumakay. Hindi ko alam kung anong jeep 'yon pero I needed to get away from him. Bababa nalang ako do'n sa kanto. Habang nakaupo na ako sa loob ng jeep ay dinig na dinig ko ang lakas ng pagkabog ng aking dibdib. Ang sakit lang sa n*****s. Nanginginig pa rin ang mga kamay at tuhod ko. Ano ba'ng nangyayari sa'kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD