Kailani
*
*
Nandito ako sa sofa nakaupo habang seryoso na nakatitig sa Anak ko natutulog na ito karga ni Mommy
" Boss! Anong inumin ang ihahanda ko para sainyo?" Tanong ni Marcelo
" Si Arya at Arwen nakaalis naba?" Tanong ko
" Kakaalis lang ng Kambal." Tugon ni Marcelo
" Bigyan mo sila ng martini ahemmm. Kape saakin." Utos ko
Lumapit si Marcelo nakangisi na nilapit ang bibig sa tainga ko
" Relax boss, May paparating na kalaban. Kompermado ang kambal ang kalaban. Sinundan sila ni Jarod. Nasa labas Si Lucho naghihintay na dumating ang kalaban. " Bulong ni Marcelo
" Hahaha! Good! Mas tataas ang prisyo ng hacienda. Activate mo ang mga patibong sa paligid. Maglalaro tayo ngayon tamang-tama bukas ng gabi ang auction." Masaya na tugon ko
" Kasalanan rin naman natin Wife. Hindi natin inalam ang nararamdaman ng anak natin nakialam tayo sa personal na buhay niya. " Wika ni Daddy
" Akala ko kasi Dad dalaga pa anak mo. Ilang beses siyang pinasundan ni Daddy para makilala ko daw ang fiance ko. Pero dahil sa kahilingan ng Daddy ko hiningi ko ang kamay ng anak mo. Pero hindi ko inakala na may pamilya na siya." Malungkot na wika ni Apolo
" Ay Tanga." Malakas na wika ni Apolo sabay tawa naglakad palayo
" Wala akong Asawa at kinakasama. One night stand ang nangyari, Hindi rin naman ako binigyan ng pagkakataon ni Daddy at Mommy na magpaliwanag sa saloobin ko. Sapilitan nyo ako pinakasal. Ngayon natuklasan nyo na may anak ko makakaalis na kayo. Ayaw ko makaranas ng rejection ang anak ko. She's innocent." Mahabang paliwanag ko kay Apolo
" Dadalhin namin si Elise kami na muna ng mommy mo ang mag-aalaga sakanya. Magtravel kami ipapasyal si Elise sa iba't ibang Lugar. " Excited na wika ni Daddy
" It's okay. Gustong-gusto ng anak ko na makapunta sa Disneyland at Dagat. Hindi pa siya nakalabas ng bahay dahil sa dami ng tangka sa buhay ko. " Paliwanag ko
" Apolo iuwi mo na ang Asawa mo sa bahay nyo. Hindi pwede na basta-basta mo lang hihiwalayan ang anak ko pagkatapos mo siya Pakasalan. Hindi ako makikialam sa buhay nyo kaya Kung talagang wala nang pag-asang para sainyong dalawa tatanggapin ko kung maghihiwalay kayo. Kahit subukan nyo ng isang taon tapos kung talagang wala nang pag-asa maghiwalay kayo. " Seryoso na wika ni Daddy
Tumayo na si Daddy pumasok sa kwarto ni Elise sumunod naman ako
" Magsabi ka ng totoo, Anak ba ni Apolo si Elise? " Tanong ni Daddy
" Yup! Pinasok ko siya sa kanyang bahay tatlong taon na ang nakaraan nilagyan ko ng drugs ang inumin niya. Si Elise ang bunga, Hindi ko alam kung paano sasabihin sainyo ang katutuhanan. Natakot ako baka hindi matanggap ni Apolo ang anak namin. Alam ko kasi hinding-hindi niya ako magugustohan kahit kilan. Hindi ako ang babaeng tipo niya. Si Sofia ang mahal niya kasintahan niya dati. " Kwento ko kay Daddy
" Patawarin mo ako kung nakialam ako sa personal na buhay mo. Aalagaan ko si Elise kaya gawin mo ang lahat para mapaibig siya. Huwag ka agad sumuko maging mabuti Asawa ka. Kung sa tingin mo wala talagang pag-asang mahalin ka doon kana sumuko. " Malambing na wika ni Daddy
" Daddy! Ako na ang bahala sa tangka sa buhay ko. Ngayon panatag na ako na magiging ligtas ang anak ko. Kayang-kaya ko na silang labanan. Lilinisin ko muna ang lahat ng Tauhan ko mas maganda kung mag-isa ako kikilos. Napansin ko kasi na hindi maiwasan may magtraidor sa tauhan mo kapalit ng Pera. " Seryoso na wika ko
" Huwag kang mag-titiwala kahit kanino anak. Kahit pa sa pinaka malapit na tauhan mo kayang kaya ka nila traidorin. " Wika ni Daddy
Natapos kami sa paglagay ng mga damit ni Elise sa malita at bag lumabas na kami ni Daddy
" Iho hindi mo manlang ba titigan ang anak ng Asawa mo?" Nakangiti na tanong ni Mommy sa ngiti palang nito mukhang alam na niya kung sino ang ama ni Elise
" Hindi ko pa kaya mommy Ella. Patawarin nyo ako pero hindi ko pa kaya tanggapin ang bata. Nagkamali ako inakala ko na ako lang ang lalaki sa buhay ng anak nyo. She's pure back then." Halos pabulong na tugon ni Apolo bakas sa kanyang mukha ang lungkot
" Kailangan nyo na umalis Mommy. Parating na ang kalaban magkakaroon kami ng masayang party dito. " Nakangiti na wika ko
Tumayo si Mommy nakangiti na Kumindat saakin
" Naku kaganda talaga ng Apo ko. " Masaya na wika nito habang naglalakad palabas ng bahay
Tumingin ako kay Apolo
" Kung natutolog ka pumasok ka nalang sa kwarto ko. Marami pa akong gagawin." Wika ko
Para siyang batang nagtatampo nakasimangot nakatitig lang sa pader hindi maipinta ang mukha
" Do you still like me?" Tanong ko sa mahinang boses
" Tsk." Tugon niya may kasama pang irap
Tumayo siya naglakad paakyat sa hagdan para bang ang bigat ng mga paa niya parang batang nagdadabog
Nakatayo ako nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril kinapa ko ang katana sa ilalim ng sofa. Lumingon muna ako kay Apolo pumasok siya sa kwarto ko Pabagsak na sinarado ang pinto napasinghap pa ako sa lakas nito.
"Siguro nasaktan siya ng matuklasan na may Anak na ako. Iniisip niya may ibang lalaki ako. possessive pala ang Asawa ko. " Nakangiti na wika ko
Tumakbo ako palabas ng bahay tumakbo ako papunta sa kakahuyan kung saan nagaganap ang labanan, Kakahuyan kasi ang dadaanan bago makarating sa bahay ko. Hacienda ang tawag ko dito marami kasing puno ng kahoy na namumunga. For past three years dumami na ang mga pananim dito mga gulay at may mga hayop narin tulad ng baboy manok na nangingitlog, may mga Baka, at sampong kabayo, May kambing at kalabaw.
Pagdating ko sa kakahuyan agad ako tumakbo papunta sa kinaroroonan ng mga kalaban. Kabisado ko ang bawat sulok ng lupain ko tatlong taon na kami ganito, Naging normal na saamin ang mga kalaban na pumapasok sa hacienda, Si Lucho at Marcelo ang isa sa matapat ko na tauhan kababata ko sila at anak sila ng malapit na tauhan ni Daddy.
Kahit na madilim ang lugar walang kahirap-hirap na nakikita ko ang kalaban dahil sa may mga flashlight sila.
Dahan-dahan ako lumapit sa lalaki
" Patayin nyo ang flashlight. " Sigaw ng lalaki
Akmang magsasalita ang isa pang lalaki subalit gumulong na ang ulo nito sa lupa, Huminga ako ng malalim maingat na naglakad palapit sa kalaban, Bigla niya ako pinaputukan walang kahirap-hirap na nailagan ko yon inundayan ko ng tapyas ang leeg niya gamit ang katana ko may sumipa saakin sa likod dahilan para bumagsak ako tumilapon ang katana ko.
Bumangon ako tinutokan ako ng baril sa Noo
" Tagal ka nami----
Hindi na natapos ang sasabihin ng lalaki binunot ko ang knife sa hita ko sinaksak ko sa dibdib ng lalaki sunod-sunod ang ginawa kung pagtarak ng knife sa dibdib nito agad ko kinapa ang katawan ng lalaki kinuha ko ang wallet at cellphone nito pati ang relo at singsing kinuha ko.
Pagkatapos ko ibulsa ang nakuha ako naglakad na ako palapit sa lalaki wala nang putok ng baril tahimik na ang paligid nakikiramdam sa isat-isa.
Nagkunwari ako na hindi ko napansin ang lalaking nakatago sa puno agad ako sinunggaban ng lalaki paglapit niya saakin sinalubong ko ng knife tumarak yon sa dibdib tinulak ko at nagpatuloy ako sa paglalakad. Napatigil ako napansin ko sa di kalayuan may lalaking tumatakbo walang awang tinatapyas ang leeg ng kalaban
" Sino kaya siya? Hindi naman si Lucho at Marcelo kilala ko ang kilos ng dalawa. " Nakangiti ako lumapit ako sa puno Sumandal ako nilabas ko ang sigarilyo sa bulsa ng sweatpants ko nagsindi ako saka ko binalik ang lighter sa bulsa ko pinanood ko ang pakikipag laban ng hinihinala ko na si Apolo
Umabot ng 30 minutes ang labanan pero pinanood ko lang si Apolo natutuwa ako dahil sa mabilis siya kumilos, Walang awa kung pumatay.
Muli ako nagsindi ng sigarilyo
" Itigil mo yan Kailani susunugin kita ng buhay. Naka tatlong stick kana ng sigarilyo. " Walang Emosyon wika ni Apolo sabay kuha ng sigarilyo sa kamay ko dinukot pa niya ang sigarilyo sa bulsa ko Tinapon yon
" Huhu bakit mo tinapon, Mahal bili ko don." Taranta na wika ko
" It just a cigarette." Galit na bulyaw ni Apolo
" Treasurer London Cigarettes yon. Most luxury brand ng sigarilyo." Inis na Paliwanag ko
Bigla ako pinasan ni Apolo
" Asawa parin kita Kailani kahit na may anak ka sa ibang lalaki, Hanggat ako ang Asawa mo bawal kang manigarilyo." Walang Emosyon na wika nito
Napangiti ako kahit paano nag-aalala parin saakin si Apolo nagkaroon ako ng pag-asa na mabubuo pa ang pamilya namin. Papaibigin ko muna siya sisiguradohin ko na mahal niya ako bago ko sabihin sakanya na siya ang Ama ni Elise.
" Pagdating namin sa bahay nilabas ko ang wallet at iba pang gamit na nakuha ko sa kalaban nilatag ko yon sa center table
" Boss! Magkakape muna tayo bago natin iligpit ang labi ng mga kalaban, Nakatakas ang dalawa pero nalagyan ko ng tracking device." Wika ni Lucho
" Tumawag na ba si Jarod?" Tanong ko
" Hahaha! Sinundan ang Kambal kasalukuyang daw sila nasa Barko, May kasama daw na matandang lalaki ang kambal." Natatawa na wika ni Marcelo
" Baka siya na ang panglima na kabilang sa pustahan. " Nakangisi na wika ko
" Huh? Pustahan? Yon bang 50 billion dollars sa makakapatay sayo? " Tanong ni Lucho
" Yup! Tatlong taon na akong naghahanda sa pagkamatay ko. Kaya ihanda nyo na ang magarang kabaon ko. May tagapagmana na si Daddy. Kaya Maglalaro na tayo. " Masaya na wika ko
" Ayeeeh! Iiyak ako sa libing mo boss." Excited na wika ni Marcelo
" Dapat tulo sipon." Nakangiti na wika ni Lucho
" Kumusta na kaya si Luca? Tatlong taon na siyang hindi nagpaparamdam." Wika ni Marcelo
Ngumisi lang ako
" Secret." Nakangiti na wika ko
" Hmmmm. Amore, Paul, Adao, Augusto,
Unknown? Hayst ilang taon na natin hinahanap ang pang lima, Kahit pangalan lang sana pero wala eh. Yon ata ang pinaka Big boss nila." Wika ni Lucho
" Ang kambal ay padala ng Unknown Boss, Hindi lang sempling puntahan ang pagpapatay nila saakin. Dahil yon sa ako ang nag-iisang anak ng dating Mafia boss. Simula ng bata pa si Daddy pumapatay na siya ng mga criminal. Sa dami ng pinatay ni Daddy na drug lord, Syndicate, At maraming pang iba, Pero sa dami ng napatay ni Daddy walang kaso na nakasampa sakanya, Hindi siya nabilanggo. At ngayon nabubuhay ng masaya kasama ang pamilya. Kaya ito ako ginawang shooting target." Mahabang paliwanag ko
" Tara iligpit na natin ang mga labi magsusunog pa tayo dami kaya ng susunugin natin. " Aya ni Marcelo
Akmang maglalakad na ako pasunod sa dalawa ng magsasalita si Lucho
" Boss, Puntahan mo ang Asawa mo. Sikapin mong makuha ang tiwala niya alalahanin mo Asawa mo siya at Ama ng anak mo." Seryoso na wika ni Marcelo
Nakabuntong hininga nalang ako
" Dapat bago mag-umaga tapos na kayo magaling. Bago dumating ang mga trabahodor." Wika ko
" Yea, Uuwi din muna ako sa bahay pagkatapos namin. Aba Namimiss ko na ang ungol ni misis." Pabiro na Wika ni Marcelo
" Gago! Bayo ka ng bayo baog ka naman." Pang-aasar ni Lucho habang naglalakad sila palabas ng bahay
Naglakad ako papunta sa kwarto pagpasok ko sa banyo ako pumunta hinubad ko ang lahat ng saplot ko nakapikit na ako dahil inaantok na ako
Napasinghap ako napadilat ako ng mata naramdaman ko kasi ang paghila saakin tinapat ako sa malamig na shower
" I miss you." Namamaos na bulong ni Apolo sabay siil ng halik sa labi ko.
" I accept what your past is. I can't lose you, I love you." He Whispered