Kailani
*
*
" Happy birthday to you! Happy birthday happy birthday. Happy birthday Elise." Nakangiti na kanta ko
" Yehey! Yeeee Barbie! Hehe Mommy." Matinis na sigaw ni Elise 2nd birthday ni Elise ngayon kahit na dalawang taong gulang palang naiintindihan na kung magsalita ng anak ko, bulol din minsan, May mga pagkakataon na hindi maintindihan ang sinasabi
Nakangiti na Pinagmamasdan ko ang anak ko kinakantahan siya ng mga staff ko dito sa bahay. Malaki ang bahay ko dito paikot ang style ng bahay malaking gate na may swimming pool sa gitna two story house para itong tatlong bahay na pinagtabi-tabi may tatlong kwarto bawat isa. Kaya marami ang Kwarto dahil dito namamalagi ang personal bodyguard ni Elise.
Pinunasan ko ang luha na pumatak sa pisngi ko.
" Mommy Bakit ka yak? Huhu mommy you sick? " Umiiyak na tanong ng anak ko
" Bakit mo kamukha si Apolo? Pambihira naman paano kita itatago kung nagmana ka sa iyong Ama, Sana ako nalang kasi ang kamukha mo. " Piping sambit ko
Lumuhod ako binuhat ko ang anak ko agad na pinunasan ko ang luha niya ngumiti ako, Niyakap naman ako ng anak ko.
" Umiiyak ako dahil sa sobrang kasiyahan. Walang sakit si Mommy, May surprised ako sayo gusto mo makilala ang iyong Daddy diba? " Malambing na sambit ko
" DADA? yehey Dada dada." Masaya na sigaw ng anak ko
" Let's eat muna. " Nakangiti na wika ko
Hinayaan ko na mag-enjoy ang anak ko sa mga clown na preform para sa kaaarawan ng anak ko.
Napatingin ako sa cellphone ko na tunog ng tunog..
Bukas na ang kasal namin. Aalis ako mamayang gabi para puntahan si Sofia siya ang ipapakasal ko kay Apolo.
Maghapon naging Abala ako sa kaarawan ng Nag-iisang anak ko. Kinagabihan karga ko ang anak ko napapangiwi pa ako sa bigat nito pero nagagawa ko parin siya kargahin at isayaw.
" Mommy!" Inaantok na tawag ng anak ko nakayakap siya sa leeg ko nakasubsob sa leeg ko.
" Baby! tsabi mo tsurprise akin?" Bulol na tanong nito
Binuksan ko ang malaking TV, Bumungad sa mga mata ko ang mukha ni Apolo. video footage ni Apolo sa Isla sa loob at labas ng bahay kubo na nerentahan niya
" Siya ang Daddy mo. Pasensya na hanggang video lang ang kayang ipakita ni Mommy sayo. Pangako maghahanap ako ng tamang pagkakataon para makilala ka niya anak. " Naiiyak na Paliwanag ko
Naupo ako sa kama nakaupo ang anak ko sa Lap ko. Nakatitig siya sa malaking TV screen
" Wooh, Mommy muka ko Dada. " Mangha na wika nito Natawa ako sa reaction ng anak mo.
" Yea, Kamukha mo siya baby, Gusto mo ba ikasal ako sa Daddy mo? Bukas ang Kasal namin. Naghihintay sila saakin ngayon. Hindi ko pa nakikita ang wedding gown ko. Gusto mo bang masaksihan ang kasal ko sa Daddy mo? " Malambing na wika ko
" Yehey! like babie and ken mommy?" Excited na tanong ng anak ko
Tumango ako pumalakpak si Elise napaiyak ako.
Nagtatalo ang isipan ko kung papakasalan ko si Apolo o si Sofia ang papuntahin ko bukas sa kasal nila.
" Mommy! Bawal pa ako kita Daddy? " Inosente na tanong ng anak ko
Tuloyan ako napaiyak napaka inosente ng anak ko. Halos araw-araw bukang bibig niya ang Daddy. Daddy din ang unang salita na nabigkas ni Elise. Nasasaktan ako dahil hindi ko siya kayang bigyan ng kompletong pamilya. Sinisikap ko na ipaintindi sa anak ko na hindi alam ng Daddy niya na may anak ito Ayaw ko magsinungaling sa anak ko. Hindi naiintindihan ni Elise pero hindi siya nangungulit sabi ko pag malaki na siya pwede na niya makilala ng Daddy niya.
" Pag big girl kana Baby. Sorry anak! Sorry talaga. Akala ko dati kaya ko maging ama at ina sayo. Hindi kasi alam ng Daddy mo na nagkaroon siya ng cute na baby na tulad mo. Sorry anak." Umiiyak na Paliwanag ko
" Mommy Don't cry! I'm crying na. Huhu Mommy. Huhu mommy Don't cry na ." Umiiyak na wika ng anak ko hindi magkamayaw sa kakapunas ng pisngi ko gamit ang maliit na kamay niya habang umiiyak
Niyakap ko ang anak ko.
Pinahiga ko ang anak ko pinaunan ko sa braso ko. Sumubsob siya sa dibdib ko
" I love Baby Elise. Good night. Mawawala si mommy ng ilang araw. Si Tita Arya ang kasama mo ha. Huwag kang sasama sa ibang tao bukod kay Tita arya. Ang tinuro ko sayo pwede mo tawagan si Mommy gamit ang Relo mo. Tandaan mo huwag kang sasama sa ibang tao. Pag may kumuha sayo na stranger tawagan mo agad si Mommy." Malambing na wika ko
" Hmmmm! nighty-night mommy. love you." Inaantok na wika nito sabay halik sa pisngi ko
Niyakap ako ang anak ko habang nakangiti.
Lumipas ang kalahating oras bago ako nakaalis sa bahay sakay ako ng Chopper nakasuot ako ng Sweatpants at hoodie jacket.
" Boss ito ang pinaka malapit na lugar na pwede natin paglapagan. Maglalakad ka papunta sa bahay ni Sofia." Wika ni Arwen
Bumaba ako sa chopper naglakad ako ng limang minuto bago ako Nakarating sa bahay ni Sofia
Kumatok ako Nagulat ako isang lalaki ang bumungad saakin
" Sino sila?" Tanong nito halatang kagigising lang
" Si Sofia? Nand'yan ba sabihin mo Kailani.." Walang Emosyon tugon ko
Patuloy ang pagtunog ng cellphone ko tawag ng tawag si Daddy at Mommy ilang araw nang tawag ng tawag hindi ko Sinasagot
Umalis ang lalaki nanatili ako sa harapan ng pinto naghintay na lumabas so Sofia
" M-ma'am Naku pasok po kayo. Sya pala si Ridge Asawa ko. Pasok Ma'am. Bakit po napasugod kayo ng alanganin Oras?" Gulat na wika ni Sofia nakatitig ako sa leeg nito may Kiss mark pa
Pumasok ako pinaupo ako sa sofa pinagtimpla ako ng kape ng kanyang Asawa
" May Asawa kana pala?" Tanong ko
Tumango si Sofia nagpaliwanag
" Tatlong taon na kaming kasal ni Ridge. ang araw na nakipag hiwalay ako kay Apolo pagkalipas lang ng isang linggo kinasal na ako. Umabot ng isang taon ang relasyon ko kay Apolo. Pero hindi ko inaasahan na makikilala ko si Ridge unang pagtatagpo palang namin nabihag na niya ang puso ko. Umiwas ako pero kahit anong gawin ko Tadhana ang gumagawa para magkalapit kami. Hindi ko alam kung paano ko hihiwalayan si Apolo. Alam ko kung ano ang trabaho niya. Bigla ako natakot ng malaman ko kung ano ang trabaho niya. Pero dahil sayo nagkaroon ako ng dahilan para makipag hiwalay sakanya. Sa totoo lang wala naman mali kay Apolo bukod sa seloso maalaga siya. Mabait din siya at malambing pero hindi ko mapigilan mahulog sa iba. " Paliwanag ni Sofia
" Ikakasal kami bukas. Pinuntahan kita kasi alam ko Ikaw ang mahal nya Sofia. Ayaw ko makasakit ng kapwa ko babae, Kilala mo ako Sofia hindi ako masamang babae. Kay nga nandito ako para ipaalam sayo na ikakasal ako kay Apolo bukas. Gusto ko sana ikaw ang pumupunta pero may Asawa kana pala. Paano yan? Anong gagawin ko? Ayaw ko sana ikasal sakanya." Mahinahon na wika ko Pero sa loob ko puno ng pagkabahala
Hinawakan ni Sofia ang kamay ko ngumiti siya
" May Asawa na ako! Ma'am pakasalan mo nalang. Balang araw matutunan mo rin siya mahalin. Alam mo si Apolo ang bagay sayo. Kaya ka niya ipagtanggol. para akong aatakihin sa puso sa tuwing naglilinis ako ng bahay niya. Lahat ng sulok may nakatago na baril. Hindi ko kayang makisama sa ganon tao kahit na gaano kabait. Ma'am wala kang inagaw at wala kang sinaktan. Kaya huwag mo na ako alalahanin. Ikaw talaga lagi nalang ibang tao ang inuuna mo. " Nakangiti na wika ni Sofia
Hinila niya ako patayo hanggang sa makalabas kami ng bahay
" Hangad ko ang kaligayahan mo Ma'am Kai salamat sa lahat-lahat ng kabutihan ginawa mo saakin at sa pamilya ko. Ngayon isa na akong guro dahil yon sa tulong mo. Sige na baka magpadala pa ng isang libong tauhan ang Daddy mo. Haha ikaw din alam mong baliw si Sir." Nakangiti na wika nito
" Pero aya----
Hindi kona natapos ang sasabihin ko pinagsarhan na ako ni Sofia ng pinto wala sa sarili na bumalik ako sa chopper
Tulala ako habang nasa himpapawid kami. Para bang lalabas sa puso ko ang dibdib ko.
Napahawak ako sa handbag ko Napangiti ako sa naisip ko babayaran ko ang 300 million na utang ng mga Zuberi kay Daddy tsaka babalik na ako sa bahay. Balak ko ipasyal si Elise sa Disneyland.
" Iikot mo nalang balik nalang tayo." Taranta na utos ko ng matanaw ang bakuran ng Bahay ng mga magulang ko na puno ng ilaw at may magandang ayos puno din ng mga tao ang bakuran lahat sila Abala kahit na madaling araw palang ngayon
Pero walang narinig si Arwen inilapag niya ang chopper sa backyard ng bahay namin. Napamura nalang ako ng tumakbo si Daddy at Mommy palapit sa chopper
Pagbaba ako agad na umalis si Arwen napangiti ako ng alanganin
" Huhu sandali. Balikan mo ako dito ayaw ko magpakasal." Taranta na wika ko naiiyak na ako
" Elizabeth. " Sigaw ng isipan ko
" Ilang oras nalang kasal mo na! Pagkatapos ng kasal mo hindi na ako makikialam sa lahat ng pasya mo sa buhay mo. Pangako." Wika ni Daddy
Napalingon ako kay Daddy
" Pumayat siya. Paano yan hindi ata kasya ang weeding gown. " kausap ni Daddy kay mommy
Tama pumayat ako mas gumanda ang hubog ng katawan ko ngayon. Paanong hindi ako papayat Araw-araw ba naman hinahabol ko ang anak ko parang kiti-kiti ang likot. Parang bouncing ball kung tumakbo tumatalbog talbog nakakatakot baka madapa o kaya mapilayan.
" Daddy Mommy! " Nakangiti na wika ko Niyakap ako ng mga magulang umiyak pa si mommy
" Mapapatay ako ni Mommy at Daddy sa oras na malaman na may anak ako na tinatago. Hayst hanggang kilan ko maitatago ang anak ko. " piping sambit ko
Agad ako hinila ni Mommy papunta sa loob ng bahay napamura ako nakahilira na mamahalin na weeding gown ang bumungad sa living room may sikat na designer pa.
" Million dollars ang halaga ng bawat gown. pambihira parang aatakihin ako sa puso nito. Magagalit si Daddy sa oras na tinuloy ko ang plano ko. " Piping sambit ko
" She's gorgeous. " Wika ng baklang designer ng Gown
" Nandito na ang anak ko tuloy na ang kasal." Narinig ko na kausap ni Daddy sa phone nito
Huminga ako ng malalim nilabas ko ang ATM at bank book ko Inabot ko kay Daddy nanginginig pa ang kamay ko
" Ano to?" Tanong ni Daddy Nakakunot noo
" Hindi ako magpapakasal. Bayad yan sa utang ng mga Zuberi. Binabayaran ko ang utang ng mga Zuberi para hindi na ako maikapasal. " Matapang na wika ko Namula ang buong mukha ni Daddy. Para akong aatakihin sa puso sa sobrang lakas ng kaba ko. Sa totoo lang ayaw ko talaga nagagalit si Daddy
Lumapit si Daddy saakin nagulat ako ng takpan nito ang ilong ko gamit ang panyo
" Pwes! Paggising mo may Asawa kana. Wala nang seremonyas. Reception na agad ang magaganap. Tsk! Ako ang Ama mo Kailani hindi mo ako maiisahan. Mas mautak ako sayo, Nakalimutan mo bang Dating Mafia boss ang ama mo." Wika ni Daddy bago ako tuloyan makatulog