Nakatanaw si Froso sa harap ng full-glass window sa kaniyang opisina. Madilim man sa labas ay sin-liwanag naman ng mga ilaw sa poste ang kaniyang mood. Matapos namumulsang nakatayo ay marahan siyang umupo sa couch, habang naroon pa rin ang ngiting ’di mapigil. “What does that woman take me for? Haha!” Marahan niyang kinuha ang wineglass na nasa ibabaw ng table. Bahagya siyang sumimsim sabay balik niyon. Naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang ulat ng sekretarya niya. Mrs. Sandra Sares Mondrian is asking for a meeting with him. Nais nitong ibalik niya ang nabiling Lemniscate shares, bilang bayad utang sa anak nitong si Piet Mondrian. “How pathetic! Haha!” Isa rin sa nagpapaganda ng mood niya ay ang pangyayari na nadala na rin ng kaniyang boss ang buong pamilya nito sa Foltajer mountain.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books